JASMINE Sa hindi inaasahan, ako na naman pala ang may mali. Sabi na nga ba mababaliktad na naman ako. Kahit may mga ebidensya na silang nakita. Nakakatawa. Pero, ayos lang. Sanay naman na ako. "Jasmine? Come on?" Nagpahila ako kay Reed at sumakay sa kanyang van. Papunta na kaming Marinduque. Ang late birthday celebration ko. "Inaalala mo pa rin ba iyon, Jas? Wag mo na pansinin ang Dad mo, girl. Sarado na utak ni Tito Carlos. You see that, girls, naka-freeze ang kanyang credits card because of that girl." Nanggigigil na sabi ni Mona. "Buti na lang to the rescue si Grandpa, right, Jasmine?" "Calm down, okay? Magbabakasyon tayo, so dapat masaya lang tayo. 'Wag na natin silang pansinin. They're wasting our time and happiness." Masayang sabi ko sa kanila. "Just drive, Reed. Marindu