bc

Make it to me

book_age18+
46
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
submissive
confident
comedy
bxg
serious
city
teacher
like
intro-logo
Blurb

Since Aisha's husband died she never tried to find another lover again instead she focused being a mother to her son, however things changed when he met Flint once Primo had an accident.

Will Aisha gave herself to love again for the second time? They will make it together or Aisha will experience another heartbreak again for the second time around?

MITM: Aisha Lagdameo (daughter of Alhena and Gael Lagdameo) and Flint Guerrero

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 Aisha Lagdameo
“Shall we, Primo?” tanong ko sa anak ko, dahil tumitirik na ang init dito sa cementeryo. Nandito kami ngayon sa cementeryo dahil dinalaw namin ang puntod ng aking dating asawa na si Daniel na siyang ama ng anak kong si Primo. Daniel was my first love and he would have been my husband as well but it didn’t happened because he died, namatay siya habang nakikipaglaban sa mga NPA, halos mabaliw ako no’n ng namatay siya dahil limang buwan pa lang noon si Primo at hinihintay ko ang pagbabalik niya. Bumalik nga siya pero bangkay na lang at napakasakit nu’n sa akin dahil ang taong minahal ko ng labis-labis at magiging asawa ko sana ay patay na. Lahat ng pangarap namin ay naglaho na lang bigla sa isang iglap pero kahit masakit at mahirap ay pinilit kong maka move on dahil may anak pa akong umaasa sa akin. Mabuti na lang din talaga at hindi ako pinabayaan ng mga magulang ko sila palagi ang nag papaalala na may Primo pa akong kailangang alagaan at buhayin. Hanggang sa unti-unti ko ngang nalampasan ang pagsubok na iyon ng buhay ko at ito nga maayos na ako at masaya kasama ang napakapogi kong anak. Si Primo ang palaging magpapaalala sa akin na minsan kong minahal ang isang napakabait at napakagwapong si Daniel Juliano. “Ma, kailan po ba ulit tayo rito babalik?” tanong ni Primo sabay tayo mula sa damuhan. “Hindi ko na alam, anak, e, alam mo naman ang trabaho ni Mama ‘di ba?” Primo is just four years old pero minumulat ko na ang isip niya sa mga bagay-bagay lalo na pagdating sa trabahong meron ako. I’m a teacher sa isang public school dito sa Cagayan pero ililipat ako ng Principal ng school namin sa Manila dahil ang paaralan nila roon ay kulang pa sa mga guro at isa ako sa mga napili nilang ilagay doon. Nakakalungkot nga, e, dahil dito na kami nasanay lalo na si Primo dahil dito na talaga siya lumaki at nagkaisip. Umiyak pa nga ito kagabi dahil ngayong araw na ang alis namin sobrang mamimiss niya raw ang mga lola at lolo niya na sina Ninang Elvie, Tita Dina, Tito Mike at Tito Rusty at higit sa lahat ay ang Lola-lola niya. Well, maski ako ay mamimiss ko sila pero kailangan naming umalis para sa trabaho ko at para rin ito sa kinabukasan niya. “Pero babalik pa naman tayo rito ‘di ba?” tanong pa ulit niya. “Of course, bibisitahin pa rin natin ang mga Lola at Lolo mo rito,” nakangiting tugon ko sa anak sabay gulo ng makintab at bagsak niyang buhok na namana niya kay Daniel. “So, let’s go na?” tanong kong muli at kaagad naman itong tumango bilang tugon. “Say goodbye to Papa na,” utos ko pa muna sa kanya. “Goodbye po, Papa guide niyo na lang po kami palagi ni Mama,” paalam na nito sa puntod ng kanyang ama a ikinatuwa ko naman. “Goodbye, Dan-Dan hanggang sa muli,” paalam ko rin sa puntod ng yumao kong asawa at saka na namin tinungo ang kotse ko. Pinasakay ko muna si Primo sa backseat at kinabitan siya ng seatbelt. “Behave lang, anak kasi mag d-drive si Mama,” saad ko sa kanya. “Okay po,” magalang naman agad niyang tugon. Nang maayos ko na ang seatbelt niya ay sinara ko na pinto sa backseat at saka umikot sa driver seat. Binuhay ko na rin agad ang makina at tuluyan na kaming umalis. “Mama, are we gonna stay on Mamay and Papay’s house?” tanong ni Primo habang nasa biyahe na kaming dalawa. Ang tukoy nitong Mamay at Papay ay sina Mommy Alhena at Daddy Gael iyon kasi ang gusto nilang itawag sa kanila ni Primo pati na rin ng anak na babae ni Kuya Gavin na si Zadie “Yes,” tugon ko naman agad sa kanya. “Yehey! Is Tito Pogi andTita Pretty are coming too?” muling tanong niya sa excited nitong boses, at ang tukoy nitong Tito Pogi at Tita Pretty ay sina Kuya Gavin at Ate Selene. “Maybe, baby,” hindi ko siguradong tugon sa kanya. “Ma! Big boy na po ako so I’m not a baby anymore,” paingos nitong saad na ikinatawa ko naman agad. “Jut call me Dude instead,” sabi pa niya. Aba! Kung makapagsalita akala mo malaking tao na talaga siya. “Primo, baby pa rin kita and you will forever be my baby,” paglalambing ko pa sa kanya. “Mama, naman eh!” ingos pa ulit nito kaya tinigil ko na rin ang pagtawag sa kanya ng baby dahil hindi na maipinta ang pagmumukha nito. Makalipas ang ilang oras sa wakas ay nakarating na rin kami ng Manila at sina Daddy at Kuya Gavin ang sumundo sa amin ni Primo sa airport at nang makita sila ni Primo ay tumakbo agad ito patungo sa kanila sinaway ko pa ito pero parang wala hindi lang ako nito narinig. “Hello, bigboy!” bati agad ni Kuya sabay buhat sa kanya. “Hi po, Tito Pogi,” ganting bati naman agad sa kanya ni Primo at humalik pa ito sa pisngi niya. “How about Papay? Where’s Papay’s kiss?” Kunwari’y nagtatampong saad naman ni Daddy kay Primo. “May toys pa naman akong binili sa’yo,” dagdag pa ni Daddy. “Dad,” saway ko naman agad kay Dad. Sinospoiled kasi niya si Primo sa mga laruan at sa lahat ng kagustuhan nito hindi lang si Primo kundi pati na si Zadie ay spoiled din sa kanya pati kay Mommy ay ganun din pero mas spoiled si Zadie kay Mommy kasi siyempre babae. “It’s fine, Sha minsan lang naman, e,” tugon naman niya sabay kuha kay Primo mula kay Kuya Gavin. “Oo nga naman, Sha minsan lang naman maglambing si Dad kay Primo, e,” segunda naman ni Kuya Gavin na halatang kumakampi kay Dad. “Don’t worry, Ma kahit naman marami na akong toys mag s-school pa rin naman ako.” Primo. “Oh, see?” Kuya Gavin. Wala na talo na ako! Pagdating namin sa bahay ay kaagad naman kaming sinalubong nina Mommy, Ate Selene at pati na si Zadie ng may ngiti sa kanilang mga labi. Kaagad kaming lumapit ni Primo sa kanila at nakipagbeso binuhat ko pa si Zadie nilaro-laro at tuwang-tuwa naman ito. “Ehem!” Kaagad naman kaming napatingin kay Mommy dahil napatikhim ito at pasimple nitong tinuro si Primo na nakabusangot na ang pagmumukha. “May nangangamoy selos, Aisha,” pabulong na saad ni Mommy sa akin habang natatawa. “Ang cute ni Baby Zadie, Dude no?” tanong ko sa anak, sa medyo nang-iinis kong boses. Zadie is one year old mas nauna kasi akong nagkaroon ng anak kesa kina Kuya Gavin at Ate Selene. “I’m hungry. Can we eat na po?” pag-iiba niya ng topic na ikinatawa na naming lahat. “Hey, that’s enough gutom na rin ako, e, kaya mabuti pang kumain na nga tayo,” saway na sa amin ni Daddy at tumigil naman agad kami. Kakampi talaga ng anak ko ang Lolo niya. “Dito na kayo mananatili ni Primo, Sha?” tanong sa akin ni Ate Selene habang kumakain kami. “Yes, Ate kasi dito na talaga ako inassign ng Principal namin,” tugon ko naman agad kay Ate Selene. “Wow, that’s nice, dahil palagi na namin kayong makikita at makakasama,” turan ni Ate Selene. Close kasi kaming dalawa noon pa man gustong-gusto ko kasi siya para sa Kuya Gavin kaya isa talaga ako sa nagbunyi ng sila nga ang nagkatuluyan. Tinulungan ko pa talaga si Kuya Gavin noon para lang magkabalikan silang dalawa ang dami rin kasi nilang pinagdaanan bilang mag nobyo’t-nobya noon pero lahat ng stuggles nila in life ay nalampasan nila, and I admire them for that. They’re both lucky for having each other. Kung siguro hindi lang namatay si Daniel ay ‘sing saya rin namin sila pero ‘di bale na masaya naman na ako sa piling ng anak ko sobra-sobra pa nga. “Magsipahinga na muna kayo,” sabi ni Mommy pagkatapos naming kumain. “Mamay, I want spaghetti,” request ng anak ko. “Oh sige, Mamay will cook spaghetti basta sleep ka muna ha? Para mas pomogi ka pa,” tugon naman agad ni Mommy kay Primo. Spoiled na spoiled talaga si Primo sa kanila. “Yehey! More cheese, Mamay please?” dagdag pa ni Primo. Paborito talaga niya ang spaghetti lalo na kapag si Mommy ang nagluluto mas favorite niya ito kesa sa luto ko. “Sure, your highness,” natatawang tugon ni Mommy sa kanya at pati kami ay natatawa na rin, grabe kasi itong maka request ang anak ko. “Oh sige na, Primo take some rest with your Mama na para makakain ka mamaya ng spaghetti at para mabigay ko rin sa’yo ang mga toys mo,” wika naman ni Daddy. “Yehey! Come on, Mama go na tayo sa room,” nagtatatalon niyang wika at niyaya na agad ako nito sa aming kwarto. “Sige na, Sha umakyat na kayo para makapagpahinga ka na rin, “ wika naman ni Ate Selene. Kaagad naman namin silang sinunod at pagpasok nga namin sa aming kwarto ay pinatulog ko na agad si Primo pagkatapos ko itong bihisan. I was about to close my eyes too when my phone suddenly rings so, I get up from the bed to get it on the top of the side table. It’s Candice my best friend. [Hello, Sha nakarating na ba kayo ng Manila?] tanong niya sa akin sa kabilang linya. [Oo kakarating lang namin] tugon ko naman agad. [Ay bongga! Kita tayo bukas para ma tour kita sa Prime] tumitiling turan nito na ikinatawa ko na lamang. Candice is my best friend since highschool, at hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami dahil parehas kaming teacher at parehas ding inassign dito sa Manila mas nauna lang siya sa akin ng dalawang buwan. [Sige isasama ko na rin si Primo para ma familiar niya na rin ang pasikot-sikot diyan sa Prime] Prime was the name of the school where I’ll work it’s an elementary school, at doon ko rin ipapasok si Primo para masubaybayan ko pa rin siya kahit na may trabaho ako. [Sige-sige miss ko na rin kasi iyang inaanak ko e] Si Candice lang kasi ang tanging Ninang ni Primo [Oh siya magpahinga na muna kayo see yah] paalam na nito sa kabilang linya kaya nagpaalam na rin ako sa kanya. Pagkatapos nga naming mag-usap ay muli ko ng tinabihan si Primo sa kama at nagpahinga. KINAHAPUNAN, pagising ko ay wala na si Primo sa tabi ko kaagad na lamang akong napailing dahil masyado itong naging excited sa spaghetti ni Mommy. Kaya naman bumangon na lang din agad ako at lumabas ng kwarto saka bumaba kaagad kong nadatnan ang aking pamilya sa pool area. “Mama!” tawag agad sa akin ni Primo nang makita niya ako. Nag s-swimming ito kasama sina Daddy at Kuya Gavin samantalang sina Mommy at Ate Selene naman ay nakaupo lang sa couch. “Primo, don’t stay long at the swimming pool okay?” paalala ko sa anak. Baka kasi ubohin ito dahil hapon na at ang lamig na ng hangin. “Ikaw rin, Pogi umahon ka na rin diyan maya-maya, baka ubohin ka rin, e,” sabi naman ni Ate Selene kay Kuya Gavin, at napakamot na lamang ng ulo si Kuya. Mahilig kasi talaga si Kuya mag swimming lalo na kapag sa dagat. “Ikaw rin, love para makakain na rin kayo,” saad din ni Mommy kay Daddy. “Okay po,” sabay-sabay naman nilang tugon at napailing na lamang kami. Nagpasya muna akong kumuha ng tuwalya at pamalit para kay Primo pati sina Daddy at Kuya ay kinunan ko na rin dahil naghahain na si Mommy ng spaghetti at si Ate Selene naman ay nagbabantay kay Zadie. Pagbalik ko ay sakto namang nakaahon na sila kaya binigay ko agad kina Kuya at Daddy ang tuwalya na para sa kanila. At inasikaso ko na rin si Primo para hindi na ito matuyuan ang hirap pa naman nito kapag nagkakasakit. Nang maayos na nga silang tatlo ay kumain na rin kami ng spaghetti at sarap na sarap kaming lahat dahil the best talaga ang luto ni Mommy. *** KINABUKASAN, kakatapos lang namin magbihis ni Primo aalis kami ngayon dahil nga may usapan kami ni Candice. “Mom, alis po muna kami ni Primo magkikita po kasi kami ni Candice ngayon,” paalam ko kay Mommy. “Sige mag-iingat kayo, dito ba kayo mag l-lunch?” tanong pa ni Mommy sa akin. “Baka hindi na po kasi pupunta po kami sa Prime Elementary School,” tugon ko naman agad. “Okay take care,” bilin sa amin ni Mommy at humalik muna kami ni Primo sa kanya bago tuluyang umalis. “Ninang Candice!” tawag agad ni Primo sa Ninang niya nang makarating na kami sa Prime School. “Hi, Primo!” Kaagad namang niyakap ni Candice ang anak ko at lumapit na rin ako sa kinaroroonan nila. “Hi, Sha!” bati rin sa akin ni Candice, at nagbeso kaming dalawa. “Oh siya, umikot na tayo para natapos ma memorize mo na agad ang lugar,” wika niya, at nagsimula na nga kaming maglibot. Inabot din kami ng dalawang oras kakalibot sa buong Prime School dahil may kalakihan din pala ito. “Primo, nak gutom ka na ba?” tanong no Candice kay Primo, madalas niya rin kasing tawaging anak si Primo. “Yes po, Ninang are we done?” tugon naman ng anak at tinanong pa nito ang Ninang niya. “Yes, nak kaya tara na kakain na tayo,” tugon naman niya at binuhat pa niya ito. “Des, mabigat na si Primo put him down,” wika ko kay Candice baka kasi mabigatan ito sa anak ko. “It’s fine, Sha sandali lang naman e, tsaka sobrang miss ko rin kasi itong bulilit na ito,” tugon naman niya at ginulo pa ang buhok ni Primo. Lumabas kami ng Prime school at naglakad lang kami sandali bago narating ang isang restaurant. Pagpasok namin ay lumapit kami agad sa isang table at doon umupo. “Primo, what do you want?” tanong ko sa anak. “I want sausage, Mama,” tugon naman agad niya. Kaagad na ring nagtawag ng waiter si Candice at binigay ang order namin. “Anyway, Sha how’s Tita Alhena and Tito Gael?” tanong ni Candice. “They’re fine,” tugon ko naman agad sa kanya. “E, ang puso mo kamusta?” tanong ulit niya. “May nilalaman na ba?” dagdag pa niya sa nanunudyong tono. “Oo, Primo. Primo ang nilalaman nito,” tugon ko naman agad. Totoo naman kasi si Primo lang pwedeng mag may-ari ng puso ko. “Alam ko na ‘yun pero, Sha wala ka na bang balak mag asawa ulit?” tanong na naman niya. I sigh. “Des, I don’t have time for that, si Primo lang sapat na sa akin,” tugon ko. “But your still young and beautiful, Sha kaya pwede ka pang mag-asawa ulit.” May sa bugaw din talaga ‘tong kaibigan ko, e. “Candice, masaya na ako kaya hindi ko na kailangan pa ng asawa,” giit ko. “At wala ng lalaking tatanggap sa akin dahil may anak na akong tao, “ dugtong. “Ay grabe maka down sa self ha? Huwag ganyan, Aisha, “ tugon naman agad niya. “I’m just stating the fact, Des, “ turan ko. Ayoko lang kasing paasahin ang sarilli ko na may matinong lalaki pang magmamahal sa akin at tatanggap kahit na may anak na ako. “E, what if kung meron pa? Paano kung tanggap ka niya ng buong-buo at mamahalin niya rin ng buong-buo ang anak mo, ayaw mo pa rin ba?” magkakasunod pa niyang tanong sa akin. Meron pa nga ba? Darating pa kaya ang taong iyon? “I don’t know, Candice,” tugon ko. Dahil ang tanging mahalaga na lang ngayon sa akin ay si Primo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook