The Story of Another Us chapter nineteen: we are fools, aren't we? There are just times that your bubble bursts. Hindi ko din alam kung bakit ko ba sinabi kay Nicolo 'yung mga sinabi ko kanina sa kotse. Ni hindi ko nga alam kung anong naging dahil kung bakit ko 'yun nasabi. Isa lang naman naiisip kong dahilan pero alam kong imposible: gusto kong magkaroon ng something sa'min ni Nicolo. 'Di ba? How absurd is that?! Sabi ng utak ko, hindi daw ako makapaghintay na gumawa ng move sa'kin si Nicolo. Gusto ko siyang gustuhin. You feel me? And I have never felt so crazy. "Wala ka bang readings?" tanong ko sa kaniya habang nakaupo kami sa carpet nila. He shakes his head. "Wala naman." "Sure?" "Yeah. So... what am I going to do?" he asks, then looks at all the papers and the things I need to