The Story of Another Us chapter sixteen: kinilig ka pa din Kapag kinakabahan, lalong walang nagagawa. Ilang beses naman na kong nakakapunta sa mga public gatherings. Nakakapunta nga ako sa mga meet and greets ko with fans. Ewan ko ba kung bakit umuurong 'tong sikmura ko. Medyo nasusuka na nga 'yung pakiramdam ko. "Hey, are you okay there?" tanong sa'kin ni Nicolo na nasa tabi ko lang at payapang nakaupo. "No," sagot ko sa kaniya. Parang aakyat na lahat ng kinain ko kaninang umaga sa bibig ko. Oh, crap. I shouldn't have had breakfast. "Hindi ako makahinga." "Do you want a bag you can breathe to or something." Mabilis akong umiling. "Pwede bang pabukas na lang ng bintana?" "Go ahead, but not so low," sabi niya. Pinindot ko na ang button sa gilid ko. Bumaba naman ang salamin at sinalu