chapter four

2564 Words
The Story of Another Us chapter four: i have a boyfriend.... you're my boyfriend, right? May mga araw na pagkagising mo masaya ka na lang bigla. Ito 'yung feeling na akala mo nakangiti sayo yung araw. Feel mo para kang model na nag-iinat sa kama mo. Parang may spring ang mga paa mo kapag naglalakad ka. Ganyan ang feeling ko kinaumagahan ng araw ko kasama si Nic. Kahapon lang ba talaga nangyari lahat 'yun? Paano lahat nagkasya sa bente-kwatro oras? Papunta doon akala ko makakakilala lang ako ng senador. Pag-uwi ko may boyfriend na ko. Sa'n ka pa? Iba talaga ako eh 'no? Okay, buhat-bangko. Pero sabi din ng iba minsan ang kaligayahan panandalian lang. Paglabas ko ng kwarto ko sinalubong na agad ang ilong ko ng amoy na nakakagutom. Isa sa mga rason kung bakit gusto kong nagb-breakfast kasi masarap ang pagkain. Kahit gaano ako kapuyat noong nakaraang gabi, babangon talaga ako para kumain lang. "Good morning!" bati ko pagdating ko sa kusina. "Good morning," bati sa'kin pabalik ng lola ko. Tumutulong siya ngayon magluto sa lolo ko. Ganito sila araw-araw. Maagang gumigising at naghahanda ng makakain. Another reason why I want breakfast? My grandfather cooks the best dishes. He was the chef de cuisine of a cruise ship before he retired. Which means, para ako laging nasa restaurant kapag kumakain. Another thing, my grandmother had developed a liking in baking when my grandfather stayed home for good. Kaya ayan, together forever sila hanggang kusina. "Nasaan ka kagabi?" tanong ng lolo ko at nilapagan ako ng plato. Hmmm. Looks good. Ha! Mah heart. Nagutom na me. "Uhm, pray muna." Nagdasal muna kami nang makaupo silang dalawa. Hindi ko nga alam kung paano ko sisimulan ang mga nangyari sa'kin kahapon. "I have a new job," sabi ko habang hinihiwa ang pagkain ko. "Saan naman?" tanong ni Lola. "Uhm, everywhere?" "Everywhere? Ano yun?" "It's kind of a day to night job?" "Anong oras ang simula at tapos?" "I have a boyfriend," sabi ko na lang para matapos na. Para kapag may sermon marinig ko na kaagad. "I got myself a new boyfriend yesterday." "Ah kaya pala. Eh bakit hindi mo manlang pinakilala samin muna?" I scrunch my nose. Noong isang linggo ko nga lang siya nakilala eh. "Di ko din kasi akalain eh. Don't worry. You'll meet him soon." "Ikaw, hindi na kita pagsasabihan dahil alam kong alam mo kung anong ginagawa mo. Mag-iingat ka lang," sabi ni Lolo. Buti na lang. Dahil kung lola ko na naman nagsalita mahabang diskusyon na naman ito. I have a young pair of grandparents. My grandmother's only fifty-seven and my grandfather's sixty-three. They are still well-abled and healthy. And yes, bata lang din ang mom ko she's not even forty yet. Nagb-biyahe lang ako araw-araw. Masaya kasi magbyahe kahit nakakapagod. Ayun nga lang paglabas ko ng bahay ngayon, may kotse na naghihintay sa'kin sa labas. What? "Good morning, ma'am!" bati sa'kin ng driver na naghihintay sa labas. Nakasuot ito ng barong. Ito 'yung isa naming kasama ni Nicolo kahapon sa mall. "Uhm, good morning, Kuya," bati ko din sa kaniya at sinarado ang gate. "Ano pong mayroon?" "Ako na po driver niyo ngayon," nakangiting sabi ni Kuya at pinagbuksan ako ng pinto. "Ha?! Eh nakakahiya po," sabi ko. "Nako, sabi ho ni Sir Nicholas ikaw daw ang bantayan ko." "Ah, eh ganoon po ba?" tanong ko. Napatingin ako sa bahay. Nako hindi nila pwedeng makita 'to. "Sige po," sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse. "Pwede po bang Kater na lang ang itawag niyo sa'kin tsaka wag na po kayong mag-po at opo." "Hindi naman po pwede 'yun, ma'am," sabi ni Kuya habang papalabas kami. "Kasama na ho 'yun sa trabaho ko." "Nakakahiya po kasi, Kuya. Ano nga po palang pangalan niyo?" "Bert." "Okay po, Kuya Bert." "Mang Bert," sabi nito. Tumango ako sa kaniya. Tahimik na lang naman kaming nasa kotse. Magte-text sana ako kay Nicolo kung bakit may sarili akong driver hanggang sa naalala ko wala pala akong number niya. Great, what kind of girlfriend am I? Nahihiya naman akong hingin kay Mang Bert ang number ni Nicolo. For sure, mayroon siya no'n. Pero... errr... kailan ko ba ulit makikita si Nic? Ang dami pa pala naming kailangan pag-usapan naisip ko lang kagabi. Sooner than you think. Ang boring pala kapag nasa loob ka lang ng kotse. Kapag kasi nasa byahe ang dami mong iniisip. Iniisip mo kung dudukutan ka ba ng katabi mo, hihipuan ka ba? Snatcher ba 'yung mga sabit sa jeep? Bakit ang baho? Gwapo ba 'yung katabi ko? Parang hindi? Madami bang tao sa LRT mamaya? Leg day na naman ba ko sa hagdan dahil nakapatay 'yung mga escalator? Makakasakay ba ko agad? Bukas ba 'yung aircon or paypay mode na naman ako? 'Yung mga gano'n. Medyo palpak kasi public transportation natin. Oops, palpak pala talaga. Mas mabilis akong nakarating ng school at marami pang oras na dapat kong patayin. Hay. Iniwan naman ako kaagad ni Mang Bert habang naghahanap siya ng parking. Naupo muna ako sa gilid ng stairs at nagbukas ng phone. Nag-check ng comments sa WriteIt app at iba kong social media accounts. Burahin ko na yata dapat ang mga dapat kong burahin dito. Nasa kalagitnaan ako ng pagd-delete ng tweets nang biglaan akong mapatingin dahil may nahagip ang mga mata ko. "Nicolo?!" Napatalikod siya sa pagtawag ko. "Hey, Kat...er." Tumayo ako at hindi pa din makapaniwala. "What are you doing here?" Ngumiti siya. Oy, wait. Umikot 'yung mundo ko. "Didn't I tell you you'd see me sooner than you think? Not only sooner but... several times a week." "You mean... mag-aaral ka dito?" "Just for this semester." "Seryoso?!" "Ayaw mo ba?" Ehem. Hindi ako makasagot. Ehem. "Do you start today?" "Yeah, actually kukuhain lang ni Otis 'yung uniform ko eh. Can you come with me first? Let's have breakfast. Kanina pa ko nandito." Sumama ako sa kaniya. "About that. Ang aga ko nakarating dito. Mang Bert?" "Your new bodyguard and driver." "Why do I need one?" "Well..." sabi niya habang papalabas kami ng building. Humiwalay si Kuya Otis sa'min na may dala-dalang kung ano. "You're now Senator Monreal's family. You have to be protected." Natahimik ako. Ano, teka hindi ko naisip 'to ah? Paano na lang kung biglaan akong ma-kidnap? Oh di kaya ipapatay bigla ng mga kakompitensya ni Senator Monreal? BREACH OF CONTRACT! Back out na po ako. "Anyway, we have a lot to talk about. Don't you agree?" "Oo nga," sabi ko din. "Anong gusto mong kainin?" "What do you recommend?" "There's good spam rice here. You wait." Pumasok ako sa loob at pinag-order siya. Lumabas din naman ako kaagad dahil naka-prepare na agad ang order. "Kailan ka pa nag-enroll dito?" "Kanina?" sabi niya at binuksan ang karton na may kasamang spork. He leads me to the parking lot and we step up the stairs. "Kailan ka pa nag-decide na dito ka mag-aaral?" "Noong nakilala kita." Napatikom bibig ko. Nicolo namannnnnn. Mah heart! "Eh saan ka nag-aaral before?" "In the U.S. I was a college student there then my dad wants to run for presidency and he sends me back here so I can support him. I thought maybe I can study a few courses while I'm here. So as not to waste time." "What's your program?" "Philosophy." I scrunch my nose. "What kind of brain do you have?" Natawa naman siya. "It's just for the meantime." "Pero dito ka talaga nag-aral kasi nandito ako?" "Yes. And why not? Queenslane? It's a top university. Great choice," sabi niya sa'kin. He presses a car key and the nearest car beeps. "Humble students. Quality education. Magnificent surroundings. Housed a lot of politicians and heroes. Oldest university..." he trails. "Good image." "Pero..." panimula ko nang nasa loob na kami. "What?" tanong niya bago sumubo ulit. Flattered naman ako dito siya nag-aral dahil sa'kin. Kinilig naman ako ng slight. Wait, ngayon lang kami naiwan na kaming dalawa lang talaga. Shocks. Nakakakaba. Paano kung nangangagat pala 'to si Nicolo? Asus, Kat. We both know na magpapakagat ka naman talaga. Ha-ha. Funny. "Now that we're going to share one school, we have to talk about how we will be in public," sabi ko sa kaniya. "Same concerns. You first?" "No PDA, of course. I can deal with holding hands. Kisses on cheeks and forehead. And that's it." "No hugs?" "Slight hugs." "Arm around your shoulders?" "I'm cool with that." "Okay," sabi ni Nicolo. "Do you think Epps will be cool with that?" "I think so." Bigla namang may kumatok sa pintuan at bumukas ang pinto sa driver's seat. "Sir, ito na po, uniform tsaka mga bagong gamit ni Miss Kater." "Thanks, Otis." Lumabas naman itong muli. "Bakit Otis lang tawag mo sa kaniya?" tanong ko. "He requested that. Mas cool daw eh. Here," he says and hands me three boxes. "A new phone, laptop, and iPad. You know how it works. You should leave your old devices here and write down all your social media accounts. The I.T. team will clear everything that needs to be cleared. They'll save everything before anything else of course." "Pati WriteIt app?" That application had been my world. I don't think I can let it go so easily. Tinignan lang din muna ako. "I'll make sure they wouldn't touch anything without your consent." Tumango ako sa kaniya. It looks like Nicolo is the type of guy who stays true to his words. "So do we have the same classes?" tanong ko sa kaniya. Naglabas siya ng isang papel mula sa folder niya. "Epps matched the time of your first and last classes with mine. Hindi ko lang alam kung magkasama tayo." "Uhm, yeah. Actually, MWF magkasama tayo sa first and last class natin. Then TTH sabay tayo ng dismissal." "Great," sabi niya. Binuksan ko ang phone at nakita kong nandoon na ang mga number ng mga driver, ni Nicolo, at ni Epps. Nag-log in lang ako sa dati kong account at mabilis na lumabas ang mga number sa luma kong phone. I'm sure nanan na naka-connect ang iPad at laptop kapag binuksan ko. "Do you mind if I change clothes here?" tanong ni Nic. "Do you?" balik kong tanong. Hindi naman ako nakatingin sa kaniya ag busy sa pagkalikot ng phone ko. "Not really. Do you?" "Nope," sabi ko. Wala naman talaga akong paki kung magpapalit siya diyan. Hindi ko naman siya sisilipan. Titignan ko lang kung anong mahahagip ng mata ko. Haha! Joke. Privacy pa din syempre. Habang nagbibihis siya ng uniform, inayos ko muna lahat nang dapat iayos sa phone. Matapos no'n bumaba na kami at naiwan na si Otis sa kotse. Wala naman sigurong papatay kay Nicolo sa loob ng campus 'di ba? "When you see Nic in your head, what does he usually wear?" tanong niya habang naglalakad kami pabalik ng building. "Uhm, the usual. Polo shirt for casual. T-shirts in the house. Pants and shorts. Either works for him." "What about shoes?" "He plays basketball so he probably got some J's. But mostly, sneakers or boat shoes." "Any specific color he likes?" "White mostly. Could be blue sometimes." "You really got him all figured out, huh?" Natatawa niyang sabi. "Of course. Nic's mine." Which makes you mine too. He-he. I'm (half) kidding. Oo na, nakikita ko naman. Habang naglalakad kami pinagtitinginan kaming dalawa. No, correction. Pinagtitinginan pala si Nicolo. Hindi naman na ko nagulat. Mapapatingin ka naman kasi talaga. But it seems like he doesn't notice all the eyes. Or he's good at pretending that he doesn't. Hanggang classroom. Biglang tumahimik ang mundo nang pumasok kami. Pero hindi na naman ito pinansin ni Nicolo. Pumasok lang siya. Kailangan ko ng talent niya na 'to. Where do you get all that... finesse? Napatingin ako sa paligid at tsaka sumunod kay Nicolo. Nagbubukas siya ng binder at sinusulatan ang ibabaw na filler. "You're my boyfriend, right?" bulong ko sa kaniya. Biglaan naman siyang natawa pero pinigilan niya din. "Of course, Kater. What are you talking about?" "Wala... parang hindi kasi," nag-aalangan kong sabi. Hindi ko alam. Biglaan akong nabagabag? Paano na lang pala kung biglaang pumalpak lahat ng plano namin? Ano na lang ang gagawin naming dalawa? Paano ang campaign ni Senator Monreal? "It's gonna be okay," sabi niya na parang alam niya kung anong nasa isip ko. "We're gonna be fine." Huminga ako palabas. "Yeah, we're gonna be fine," bulong ko sa sarili ko. There are just moments where you overthink. Nilabas ko ang bago kong iPad at nag-connect sa luma kong account para malipat ang mga files ko. Saan na ba ko natapos sa pagsusulat? C-click palang sana ako dapat sa isang file nang bumukas ang pinto at narinig ko na ang boses ni Mica. Mababa ang boses niya pero pwede ding tumaas to the point na nakakarindi. Hindi sobrang baba, iyong tamang baba lang para maging smooth siya sa paningin. Unfortunately, hindi kasing smooth ng boses niya ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig. "Hoy, bakla ka talaga! Kanina pa kita hinahanap!" Napapikit ako. Alam ko kasing ako ang kinakausap niya. "Nag-text ako sa'yo sabi ko hintayin mo ko sa labas para pag-late ako sabay tayo. Traydor ka—" "Good morning," bati ko sa kaniya nang kinakabahan. s**t! Bakit ba hindi ko naisip si Mica? Paano ko na lang sasabihin sa kaniya na may boyfriend na ko? "Oo, good morning talaga. Buti na lang talaga wala pa 'yung prof kundi mag-good morning ka talaga sa'kin." "Shh!" mahina kong saway sa kaniya. Ang ingay na niya kasi. Para siyang mapapaanak na. Si Mica ang pinaka walang pakialam sa ibang tao. Wala siyang paki kung sobrang ingay na niya na kahit irregular students kami nag-iingay siya sa mga classroom. Pero heto... sa mga gwapo, may paki siya. "Pst!" sitsit niya sa'kin. Ngumuso naman siya sa direksyon ni Nicolo na parang sino 'yan? "Uhm..." panimula ko. Medyo napatingin ako kay Nicolo na hanggang ngayon sinusulatan pa din ang mga filler niya sa binder. "Boyfriend ko?" "Ha! Ha-ha! Nakakatawa ka!" sabi ni Mica. "Ikaw? Magkaka-boyfriend? Kailan pa?" Kahapon...? "Hi, I'm Nicolo," pakilala nitong katabi ko. Natigil na pala ito sa kakasulat at nakatingala kay Mica dahil nakatayo pa din ito. "Kater's boyfriend." 'Yung mukha ni Mica parang... "Ang galing niyo mag-joke," pangd-deadma niya. "Totoo nga," sabi ko kaagad. "Ha—eh, wala ka namang nak-kwento so... paano?!" Nagpa-panic na din ang buong laman-loob ko dahil alam kong raratratin niya ko ng mga tanong buti na lang at biglang tumunog ang mga speaker sa bawat classroom. "Attention students, the Dean called a whole faculty meeting. Morning classes are suspended and classes will resume at two P.M. today. I repeat..." Mabilis kong nilagay sa loob ng bag ang iPad. Tumayo na ko at nakasunod naman kaagad si Nic sa'kin. "I'll explain tomorrow," sabi ko kay Mica. "May kailangan lang kaming puntahan. Love you. Ba-bye!" Nanakbo na ko palabas ng room at ng building. Sa haba ba naman ng legs ni Nicolo alam kong mahahabol niya ko kaagad. Kailangan naming maupo sa isang tahimik na lugar na kami lang. Bakit nga ba hindi pa kami bumubuo ng istorya kung paano kami nagkakilala? "Okay, that was a disaster," sabi ni Nicolo nang kami na lang sa loob ng kotse niya. Ito 'yung puting Everest noong una niya kong pinuntahan. Hinahabol ko ang hininga ko dahil nag-speed walk ako. Humarap ako kay Nicolo. "Paano nga ba naging tayo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD