chapter one

2399 Words
The Story of Another Us Chapter one: do you kater, take nicolo as your boyfriend? i do. Never in my life did I ever imagine being in a situation like this. Ano na naman ba kasi 'tong pinasok ko? Gusto ko lang naman maging simpleng successful na author pero bakit?! Bakit ganito?! Bakit ako sumama sa driver na sumundo sa'kin kaninang alas-diyes ng umaga?! Bakit, bakit bakit?! Bakit dinadala na ko ni Kuya Driver sa bahay ng isang senador? Bakit?! Somebody, please tell me the answer! Si Nicolo, bulong ng utak ko. Grrrr! Wala namang pinakain sa'kin si Nicolo noong nagkita kami. Pero bakit ako nandito? Bakit? Huhu. Nadala yata ako ng mapupungay niyang mga mata. Mah heart. Jusq. "Be my girlfriend, Kat." Mabuti na lang talaga at nakaupo ako noong mga panahon kundi, nako, baka bumigay na ang mga tuhod ko. NAKAKAHIYA! Sa gwapo ba naman niyang 'yun tapos sasabihin niyang maging girlfriend niya ko? Muntikan nang hindi kayanin ng puso ko! "Just hear what our publicist has to say," pangungumbinsi sa'kin ni Nicolo noong nakaraan. Nako naman... Lord, ano na naman po ba ito? Ito na po ba ang biggest prank ng buhay ko? Hindi pa din po ako naniniwalang totoo si Nicolo. Pakiramdam ko nananaginip po ako. Pagisingin Niyo na po ako. Please--! "Nandito na po tayo." "Huh?" utal ko kay Kuya Driver. "Ah, opo." Napasilip ako palabas sa sobrang dark tinted na bintana. At halos malaglag ang panga ko. What. The. Fudge? Ganito ba talaga bahay ng mga politicians? No wonder madami pa ding nagugutom sa Pilipinas ngayon. Joke. Nah, maybe half-kidding. Pero seriously, anong bahay 'to? Oh my gee! Ito na yata ang love at first sight. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at kinikilig ako all over. 'Yung mga ganitong lugar sa mga larawan ko lang nakikita. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa engrandeng bahay. Buti na lang pala at medyo maayos ang bihis ko. I'm wearing a dress jumper with long sleeves underneath. At sa tagal-tagal na nakatago sa loob ng kwarto ko, nilabas ko na ang hindi ko pa nasusuot na sandals. I dressed up because I'm going to meet a senator. I should at least look smart. Pero sana pala hindi na lang ako nagbihis nang maayos para maisip niya na mali na naisip niya na kuhain ako. Bakit ba kasi ako sumama? Nicolo kasi eh! Enebe eng heret. Ts. "Ma'am?" "Ay, sorry po, Kuya," tugon ko. Kanina pa pala siya naghihintay at nakabukas na ang pintuan ko. Pakiramdam ko nasa ibang bansa ako. Ang taas pala ng bahay nila. Ni hindi ko nga alam kung nasaang lupalop kami eh. May dagat sa gilid at kumikinang ang tubig dahil sa araw. Sa kabilang banda naman puro puno. Sila lang ata ang tao dito. Paano kaya kung biglaang maging horror movie? O kaya slasher film? Walang malapit na tulong sa kanila. Ah, bahala na nga. Hindi naman ako dito nakatira. Pagtapak ko sa porch, para akong lalamunin ng pintuan. At pagpasok, halos mahiya akong itapak ang mga bago kong sapatos sa makintab na marmol. Malamig sa loob pero hindi iyong tipong lamig ng aircon. Sobrang linis. Kung may kalat mang natatamaan ang mga mata ko, strategically-made kalat 'yun. "Dito po," sabi ni Kuya Driver. Sumunod lang ako sa kaniya. Ang kinis ng railing ng isa sa dalawang hagdan na sasalubong sa'yo pagbukas mo ng pinto. Mas makinis pa sa balat ko. Maze ba 'to? Bakit ang daming pintuan? Kung nasa mystery game ako malamang mapapagod akong isa-isahin ang mga ito. Naka-carpet ang buong second floor kaya na-absorb nito ang dapat na ginagawang ingay ng aking mga sapatos. Nab-bother na nga ako sa katahimikan... hanggang sa kumatok si Kuya Driver sa dalawang makinang na malaking pintuan. There is a muffled answer from the door and Kuya Driver pushes the door open. Wah. Pwede bang maglaway muna? Bakit ba ganito 'tong bahay na 'to? Pwede bang dito na lang ako tumira kahit na taga-linis lang? Ang ganda!!! And then the prettiest scene of all came to my view. Nicolo is sitting on a couch placed facing the door. He is reading something on his phone but looks up to me for a couple of seconds. "Hey," he says. Kinilig ako. Ewan ko ba. I just nod at him. Syempre, pa-cool. Kunwari di affected. Pwede ko naman siyang maging slight crush dahil sa mukha niya, 'di ba? Jusq, nanghihina talaga ako. Kaka-sight ko kay Nicolo hindi ko na napansin ang lalakeng tumayo mula sa likod ng isang lamesang punong-puno ng papel. Nakita ko na lang siya nang papalapit na siya sa'kin. Omg! Si Senator Nicholas Monreal!! "Just in time! I have a minute to spare. Hello, Kater," sabi niya at nakipagkamay sa'kin. "Ay, hehe, hello po," nahihiya kong sabi. Kung ikaw ba naman humarap sa kamukha ni Papa Chen anong gagawin mo? "It is in my deepest regret that I won't be able to join you for this afternoon but everything will be explained by our head publicist, Epps. I really look forward working with you." "Ahe, ako din po." "I'll see you soon again, Kater," pag-alog niya ulit sa kamay ko. "Yes, sir." "Senator," tawag na sa kaniya ng kaniyang security guard. Umalis na din siya patungo sa kung saan ako dumaan kanina. Ang pogi naman ni Senator. No wonder Nicolo is so handsome. Hay. Mah heart. Bless their genes. "Come on, Nicolo. Let's move to the game room. It's suffocating here," tinig ng isang babae. Ang bilis niyang maglakad at halos hindi ko na siya nakita. She is wearing the typical office outfit, skirt and a long sleeved shirt with heels. Nakapusod ang buhok nito at nakasalamin. "Come on, you too." Whut? Inuutusan niya ba ko? "She's a busy woman. Hayaan mo na," sabi ni Nicolo na nasa tabi ko na pala. He starts walking and I match my steps beside him. Ang tangkad niya pala. Siguro hanggang baba niya lang ako. "Be my girlfriend, Kat." Perfect height for forehead and tiptoe kisses. Ughhh. Shh! Kater! Ano ba 'yan? Ano na naman 'yang nasa isip mo? Hindi mo naman kilala 'yang si Nicolo eh. He looks nice naman ah? May pagka-gentleman pa. Ang gwapo. Ang tangkad. Mayaman. Galing sa magandang pamilya. Ano pa bang hahanapin ko? Joke. Joke. Joke. Nope. Kater, crush mo lang siya physically. Okay? And shut up. "You look nice," sabi niya. "So do you," tugon ko. Nakapants siya at polo shirt. Pero kahit na ganoon lang parang malalaglag na lahat ng suot ko. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko kaya nagtanong ako. "Matagal ba tayo dito?" "We'll see. Hindi pa naman natin alam kung tatanggapin mo nga ba 'to. So it depends on what your answer will be. Wala ka namang kailgangang puntahan? School or work?" Umiling ako. "Kaka-start palang ng class last week. Wala pa kami masyadong ginagawa." "How's the movie production?" "Good. Fina-finalize na lang nila lahat then we can start with the production." "Are you a producer?" "Hmm, not really. I'm considered as one of the scriptwriters and cast director but--" napaputol ako bigla. Hindi naman kami ganoon ka-close para ilabas ko sa kaniya 'yung evil plans ko. "But what?" "Maybe I'll get a promotion of some sort." Alam niyang nagsisinungaling lang ako pero hindi naman siya nangulit pero ngumisi. Para bang sasabihin mo din sa'kin 'yan soon. Alam mo, Nicolo, kung itatanong mo, sasabihin ko naman agad sa'yo eh. HAHA! Joke lang. Pumasok ang babae sa pagitan ng dalawang puting pintuan at nag-disappear. Pinagbuksan pa ko ni Nicolo ng pinto. OMG. ANG BANGO NIYA. Parang amoy pulbos? Mint tsaka bulaklak na pinagsama? Hindi siya masakit sa ilong pakiramdam ko nga gusto ko na lang ibaon ang mukha ko sa leeg niya. Hay. Nicolo, why you so damn fine? Baka kahit hindi ka pa nagtatanong, um-oo na ko sa'yo. HAHA. Joke lang ulit. Pero wow. Wow na lang talaga. Ilang beses bang malalaglag ang panga ko dahil dito sa bahay na 'to? Nasa ibang bahay na ba ko? Or, better yet, in another world. What is this?! Man cave for real?! "My mom's a little obsessed with blue so..." sabi ni Nicolo at dumiretso sa kanang bahagi kung nasaan ang mga upuan sa harap ng isang malaking TV. Nakaupo na doon ang babae at may binabasang mga papel. Ano nga ulit pangalan niya? Nicolo lets me choose my seat before sitting beside me. Luh, gusto niya ko makatabi. Mainggit kayo! "This is the nondisclosure agreement if ever you agreed to work for Senator Monreal," panimula ng babae at inabot sa'kin ang mga papel na kaninang hawak lang niya. What is this? Tinatamad akong magbasa ang dami. "Simple lang naman ang sinasabi diyan, you have to keep secret everything that will happen during your course of work. I believe you know how that works. You cannot tell anyone anything. As was the original plan, you will be Nicolo's girlfriend. You are expected to behave like how should an employee-s***h-family member of Senator Monreal is. You are required to join some events where the senator might need you or see that you'd be helpful. You are to show every positive thing that might help in improving the senator's image. You will be provided new gadgets that are encrypted and we will hold all your social media accounts. Every tweet, post, picture will be up for approval by no other than me. The contract lasts forever but your course of work will be a minimum of four months--until election period is over. In case there will be a contract renewal, you are free to choose whether or not you will still work for the senator. But your lips will be sealed until the end of your time. Of course, you will get paid monthly for this full-time 24/7 job. Here's your initial check." For the third time today, nalaglag na naman ang panga ko. Pero hindi ko na pinahalata. WHATT?!!! I'm a rich girl! Omg. Pakiramdam ko nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang manipis na papel laman ang limpak na pera para sa isang teenager na katulad ko. "I know you know how the media works," sabi ng babae. "Why? Kulang ba?" tanong niya. Mabilis akong nag-compute. Sobra! Sobra! Pero kung 24/7 ang trabaho ko, aba tama lang 'to. Mas malaki pang paycheck 'to kapag natapos kumpara sa kinita ko nang ibenta ko ang movie rights ng "The Story of Us". "No, it's good," sabi ko sa kaniya. You're a rich girl now, act like a rich girl. Be a professional, bulong ko sa aking isip. Pero deep inside nagh-happy dance na ko sa utak ko. "So...? Do you think you can do it?" tanong niya nang hindi nakatingin sa'kin at inaayos ang arrangement ng ilang papel. Napalingon ako kay Nicolo pero nakatuon pa din ang atensyon nito sa cellphone niya. Paano kung ayaw niya pala ako maging girlfriend? Nakakahiya naman! Hindi naman ako ganoon kaganda! Teka nga... "Bakit ako?" tanong ko na. Hindi ko na mapigilan eh. Balik nga muna tayo sa reyalidad. Totoo bang nangyayari 'to?.... Teka, kung hindi bakit ko nakilala si Senator Monreal kanina? Ano 'yun, doppelganger? "Why not you?" tanong ng babae. "I'm nobody!" "No, you're not. You are Kater Millian. Author of "The Story of Us". Ang Kat ni Nic. You unconsciously built an image for Nicolo in your book. It will make things easier for us to get the society like him faster. Kung ia-apply natin ang 'Nic ni Kat' image kay Nicolo... ganito ang mangyayari. Who is Nic ni Kat? A sweet, goody-good boyfriend, a caring brother, a loving son, a good student, and a person who knows priority. And what does that imply? He had a good example at home--his father, Senator Monreal. Nicolo is basically the copy of the senator. A good son, means a good father. A good father means a good husband. A good husband means a happy wife. And a happy wife means a happy home. Do you get how this is all connected now, Kater? If we are going to push through with the political campaign slogan 'Isang Pilipinas, Isang Pamilya' then we should show the healthy family the senator has. It means, this is what he can transform Philippines into. Do you understand?" Hindi ako tumugon. Hindi din ako tumango. Pero naiintindihan ko na. They are using me for publicity. My work and my brain for the campaign. "Are you going to do it?" tanong niya. Para naman niya kong tinatanong ng "Do you, Kater, take Nicolo as your boyfriend?" Napatingin ako sa lalakeng katabi ko na nag-aantay na lang din pala ng sagot ko. Mabilis akong napaiwas ng tingin. Baka mamaya isipin niya pa na sa kaniya ko binabase ang desisyon ko. Senator Monreal is a good politician. I get my money if I help him campaign by being his son's girlfriend. Also, good PR for my movie and book. Another also, good for my image. That will look good on my resume, right? I gain more than they will gain from me. So why not? I do. "What?" mabilis na tanong ng babae. "What what?" pagbalik ko. "You just said I do," mataray niyang sagot with matching taas-kilay. "Did I say that?!" Omigosh, nakakahiya. Mabilis akong naghawi ng buhok. "I meant I will. I'm going to do it." "Okay," sabi niya at inabutan ako ng ballpen na may cheetah print. It looks pretty. Gusto ko din. 'Yung mga mata niya parang dine-dare ako na umatras. Ha! Neknek niya 'no! I uncap the pen, scribble my autograph-y signature on every page, and seal the deal. "You're now officially Nicolo's girlfriend," sabi niya at inayos na ang mga papeles. Habang inilalagay ito ng babae sa isang pulang folder, humarap ako kay Nicolo. "Hey, boyfriend," tinaas-babaan ko pa siya ng kilay. Wow, my confidence iz real. Sa'n galing? Natatawa naman niyang ni-lock ang phone niya bago ito nilagay sa may lamesa. Pogi! Boyfriend ko ba talaga 'to? "Training time!" sabi ni Epps--right! Epps pala name niya. "What?" tanong ko. "Well, you have to get ready to face people. You are now representing the name Monreal. You ought to act and look like one. But first, while we're here, we'll start with the basics with you being Nicolo's girlfriend." "Like what?" Hindi siya sumagot kaya tumingin ako kay Nicolo. At doon ko na nahuli ang nakakaloko niyang ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD