Kabanata 39 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA WALA NA akong nagawa nang tuluyan na niyang buksan ang pintuan ng banyo. Ngunit sa sobrang nerbyos ko ay hindi ko namalayan na iginiya niya ako sa likod ng pintuan at bahagya lamang ang pagkabukas ng pintuan. "Aalis na po ako Bossing." Boses iyon ni Mang Gaspar at nagpapaalam na. "Sige Mang Gaspar. Ang sahod mo ay papasok pa rin naman sa iyong account sa tamang oras at araw. Mag-iingat po kayo," wika ni Apollo na animo'y isang mabait na binata ngunit sa likod ng pintuan ay mayroong tinatagong kababalaghan. "Nasaan si Ma'am Aurelia, bossing?" Nagtatakang tanong ni Mang Gaspar sa kanya. "N-nasa kwarto, natu