Kabanata 31 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA "TAKE A SHOWER." Nasa labas na kami ng secret room at ngayon ay nasa kwarto na rin ako. Siya naman ay nakasuot na rin ng shorts niya at nakatayo sa tapat ng isang cabinet na tila ba bago lang din na nailagay sa aking kwarto. Pumasok na ako sa banyo at binuksan ang shower saka ko itinapat ang sarili ko doon. Mainit ang tubig dahil naka-on ang heater nito. Hindi na rin ako nag-lock ng pintuan dahil baka susunod din siya sa akin. Nang mabasa na ako ng tuluyan ay inabot ko ang sabon na bagong bukas lang din. Mukhang nakahanda ang lahat sa pagdating naming dalawa kaya't alam kong marami pa akong makikitang bago