Kabanata I

2123 Words
Kabanata I AURORA "DAD! WHY DO YOU HAVE TO DO THIS?" Pasigaw kong tanong kay daddy dahil wala man lang pasabi sa akin nang ipakuha niya ang kotse na gamit ko. Wala tuloy akong pang-gala tonight. "Alam mong ipinagbabawal ko sa'yo ang paggagala mo sa gabi. Lalo na at babae ka," sagot ni daddy sa kabilang linya. "And kapag kinuha ninyo ang car ko ay you will expect me to stop it? Nagkakamali kayo dad. Lalabas pa rin ako. So please give my car back. I need it," pagpupumilit ko. "You should learn your lesson now Aurora. Hindi lang ito ang unang beses na sinabihan kitang magtino ka. We let you live by your own but it doesn't mean that you can do everything you want. Ayaw na kitang ispoildin," sabi pa niya. "Whatever dad. Bye," pairap kong ibinaba ang tawag dahil paulit ulit din lang ang mga maririnig kong sermon sa kanya. So what's the sense na makikinig pa ako kung dati ko na itong napakinggan. Nakakasawa. Anyway, may lakad ako ngayon. It's seven na and I need to be there at 8:00 sharp. "Nasaan na ba si Erma?" Tanong ko sa sarili ko habang hinahanap ang kanyang number sa phone ko. Nang mahanap iyon ay tinawagan ko kaagad and sa wakas ay sumagot din after my endless calls kanina pa. "Hay sa wakas hindi na busy ang bruha. Where are you na ba? Kanina pa ako naghihintay," reklamo ko. "Malapit na ako, ano ka ba? May inasikaso lang akong mahalagang bagay," sabi niya sa kabilang linya. "So, where exactly are you now?" "Nasa malapit na ako, in 5 minutes pababa na ako ng taxi," "Wait. Hindi mo dinala ang car mo?" "Nagpachange oil kasi ako kaya hindi ko pa nakuha. Yung kotse mo na lang gamitin natin," "Gosh. Kung minamalas ka nga naman. Kinuha ni dad ang car ko and umaasa lang din ako sayo," "No problem. We have money naman. So, we can have taxi," "But it's hassle," "Well, kung ayaw mo e di huwag na tayong tumuloy," "No. Hindi pwede. I need to be there and meet our friends. Kailangan ko ng kasiyahan tonight. Nakakastress ang mga nangyayari," "Okay. So wait for me there. Pababa na ako," "What if ako na lang hintayin mo diyan?" "Better, para ito na rin ang sakyan nating dalawa," "Yes. Sige, wait for me there. Bye." Ibinaba ko na ang tawag at saka nagmadaling kinuha ang Chanel bag ko at kumekembot pang naglakad. Pagbaba ko ng elevator ay agad na akong naglakad palabas ng building. Nakita ko naman agad ang taxi kaya't nagmadali na akong sumakay. "Nakakainis lang ha?" Bungad ko kay Erma nang makasakay na ako. "Relax Aurora. Tonight will be a very very good night. Let's enjoy this, okay," sabi pa niya. Tama nga naman. Wala na nga akong kotse magyayamot pa ako. So, bakit ako mayayamot? "PARA MANONG," sabi ko pa sa driver. "Bayad po," sabi ni Erma. "Mas marami ka nang pera sa akin?" Tanong ko. "Hindi lang ikaw ang mayaman, remember," sagot niya. Pagbaba naming dalawa ay pumasok na kami sa bar. Sa labas ay mahina pa ang tugtog ngunit habang papalapit ay lumalakas ang tugtog doon. Nang makapasok na kami ay isa isa ko nang nakita ang mga kaibigan ko na nakilala ko lang din sa bar. Sina Gretchen, Lucille, Brian, Peter and Vance. So, we started the party. Sayaw kung sayaw. Inom kung inom. Maraming nagtatangkang lumapit sa akin to get to know me but I have no time sa mga flirting flirting na iyan ngayon at nababadtrip ako kila daddy. I just need time for myself, I need to be happy and to have this, kailangan kong sumayaw at uminom. "Moorreee," siga ng mga barkada ko nang mainom ko ang isang shot ng inumin. Hindi ako basta basta nalalasing so sanay na sanay ako. Hanggang lumipas ang oras. It's already 2:39 A.M. Kami ang huling umalis sa bar and dahil hindi kami kasya sa sasakyan ni Vance ay nagpaiwan kami ni Erma. "I will be accompanying Aurora. Hindi pwedeng wala siyang kasama pauwi. And I will sleep at her condo," sabi pa ni Erma. "Sige sis, ingat kayo. Chat chat na lang," paalam ni Gretchen. "Sure. Take care. Mwahhh," nagflying kiss pa si Erma sa kanila. So, magkaakbay kami ni Erma na lumabas ng bar. Wala nang masakyan. Wala na rin kaming makitang sasakyan for public transportation. So ang ending ay we need to wait muna sa tapat ng bar. Ang kaso, medyo malayo ang bar na ito sa hi-way kung saan sana ay medyo maraming taxi. "Gosh, ngayon lang tayo inabot ng ganitong umaga," sabi ko pa kay Erma na nasa tabi ko na. "Kasi nga, sobrang nag enjoy tayo. Diba?" Naki-apir pa siya. So hindi pa rin kami nasasakay. Lumipas na ang sampung minuto ngunit wala pa rin. Nangangawit na ang mga paa ko sa takong ko at saka ko iyon tinanggal kaagad. "Sis, marumi ang semento," sabi pa ni Erma. "Gaga, ang sakit na nga ng paa ko nag-iinarte pa ba ako?" "Bahala ka, huwag kang magsisisi kung makatapak ka ng makakasugat sa paa mo," aniya. "Mas kabahan na ako kung hindi ako makatakbo dahil sa takong ko," sabi ko pa. "What if lakarin na lang natin hanggang kanto. Mas madali tayong masasakay doon," itinuro niya pa ang kanto. Tiningnan ko iyon at medyo may kalayuan. Sa tantiya ko ay nasa 200-400 meters ang layo nito. "Ang lapit lapit na nga lang," sabi pa niya. "Siguro naman ay may papasok dito," "Meron, mamayang maliwanag na," sabi pa niya. So wala na akong choice kundi sumunod sa gusto niya. Alangan namang maiwan ako mag-isa dito hindi ba? "Sure ka ba? Hanggang sa main road talaga tayo maglalakad?" Tanong ko pa sa kanya. "Sabi ko nga, mas mabilis tayong makakasakay kung doon tayo mag-aabang. Kaya't konting tiis na lang at nandoon na tayo," sabi pa niya habang hawak ng cellphone at may kachat. Tunog ng tunog ang Messenger niya. Hinayaan ko na lang. "Dalawang kanto na lang, malapit na tayo," sabi pa niya. Hindi ko na nararamdaman ang mga paa ko sa pamamanhid ng mga iyon. Pagod na ang mga ito sa pagsasayaw kanina, mas napagod pa ngayon na naglakad kaming dalawa. Kung hindi ba naman badtrip si daddy, e di sana ay hindi kami naglalakad ngayon. Baka sa mga oras na ito ay masarap na ang tulog ko. "Malapit naaa!" Excited na wika ni Erma. Halatang uwing uwi na rin talaga siya. "HAAAYYY, pagod na ako," reklamo ko. Hanggang sa may van na itim na dumaan pasalungat sa daanan namin. Hindi ko iyon pinansin pero nang mag-u-turn iyon at tumabi sa amin ay kinabahan na ako. Napakapit agad si Erma sa mga braso ko at napaatras nang makitang bumaba ang bintana nito. "Hello mga miss," bati ng isang lalaking kalbo na naka sunglasses. Like,hello. Nasaan ang sun? Gabi na kaya. Ang baduy ng pormahan niya ha? "Hello," bati ko. Saka ko iginiya si Erma na magpatuloy sa paglalakad. Lakad takbo ang ginawa naming dalawa ngunit sumunod ang van. "Gusto niyo bang sumakay? Ihahatid namin kayo," sabi pa ng lalaki na naka-sunglasees. "Hindi na, magtataxi kami," sabi pa ni Erma. "Huwag na kayong magtaxi,mahal ang bayad. Dito na kayo, libre na oh," pagpupumilit niya. "May pera kaming pambayad ng taxi kaya't magtataxi na lang kami," sagot ko. "Masama kayang tumanggi sa grasya. Sige na, sakay na," sabi pa nito. "Huwag nga kayong makulit. Isusumbong ko kayo sa daddy ko," tinakot ko pa sila. "Bakit? Sino ba ang daddy mo?" Tanong pa nito sa akin. Natigil ako dahil mukhang wala siyang sinasanto. "Erma, sa bilang ko ng tatlo, tatakbo na tayo," sabi ko pa. Sumang-ayon naman siya. "Huwag kayong matakot, di naman kami kumakain ng tao, parte lang ng tao, hahahaha," sabi ng isa saka sila nagtawanan. At dahil sa sinabi nilang iyon ay nakumpirma kong may balak silang masama sa amin. "Isa, dalawa, tatlo. Takbo Erma," sabi ko pa. Kumaripas kami ng takbo at nang lumingon ako ay nakasunod na sa amin ang limang lalaking nakaitim at mukhang hindi titigil hangga't hindi kami naaabutan. "Erma bilisan mo," sigaw ko nang biglang bumagal ang takbo niya. "Aurora hindi ko na kaya," hawak niya ang kanyang dibdib. Malapit na ang mga lalaki. "Takbo Erma andyan na sila," bumalik ako para hilahin siya. Tumatakbo pa rin siya pero sobrang bagal na. "Ermaaa, bilissss," sabi ko pa dahil ilang hakbang na lang ay maaabutan na nila kami. Malapit na ang kanto at may mga nakikita na akong sasakyan at mga tao. "Erma daliii," sigaw ko. "Aurora, hintayin mo akoooo," sigaw niya. Ngunit huli na ang lahat dahil narito na ang mga lalaki at nahablot na nila siya sa kamay ko. Nabitawan ko siya habang patuloy ako sa pagtakbo. "Auroraaaa," sigaw niya. Napahinto sila nang madakip nila si Erma. Hindi maaaring dalawa kami ang madakip nila. Dahil walang magsusumbong kung pati ako ay makukuha nila. Sumigaw ako habang tumatakbo. "Erma hihingi ako ng tulong," "Aurora tulungan mo akoooo," sigaw niya habang nasa malayo na. Kasabay ng pagtakbo ko ay ang pagtulo ng aking mga luha sa aking mga mata. Hindi pwedeng makuha na lang nila ng basta basta ang kaibigan ko. Hindi pwede. Kaya't kahit na pagod na pagod ako ay determinado akong makarating sa kanto upang makasakay at makauwi na ng condominium upang makahingi agad ng tulong sa mga kakilala ko. Panay ang dasal ko na sana ay wala nang nakasunod. Ayaw kong lumingon dahil natatakot akong madapa ako dahil doon. Kaya't nang marating ko ang kanto ay agad akong pumunta sa maraming tao. Hingal na hingal ako. "Miss okay ka lang?" Tanong ng ale. "My friend, nakidnap ang friend ko," sagot ko habang hinihingal pa rin. "Dios ko po," sagot niya. Agad namang may taxi na huminto at saka ako sumakay. "Manong sa Crown's Condominium," sabi ko pa habang hingal na hingal. Pagkasakay ko ay inilabas ko kaagad ang phone ko at sinubukan na tawagan si Erma ngunit hindi ko na siya makontak. "Gosh, Erma, please!" Alalang wika ko. At nang tawagan kong muli ay wala na talagang ibang sinabi kundi unattended. "Sa tabi lang po," sabi ko pa sa driver at nag-abot ng bayad. Hindi ko na rin kinuha ang sukli at nagmamadaling pumasok sa loob. Nagtataka pa ang guard kung bakit nakapaa-paa akong tumatakbo pero hindi na iyon mahalaga. I need to be safe muna at sa unit ko lang ako makakadama nito. Hanggang sa makarating na ako sa aking unit sa 18th floor. Patakbo kong tinungo ang aking unit at agad iyong binuksan. Nakahinga na ako ng maluwag nang makapasok ako. Agad akong nagtungo sa kusina at kumuha ng maiinom na tubig dahil napakalapot na ng laway ko dahil sa uhaw at pagod. Nabasa pa ang leeg ko dahil sa pag-inom nito. Pagkatapos ay naupo na ako sa sofa at sinimulang tawagan sina Vance at Gretchen. Ngunit walang sumasagot sa kanila. Baka mga tulog na. Gosh. Sino ang tatawagan ko? Paano na? Nanginginig pa ang mga kamay ko sa paghahanap ng mga maaaring kontakin sa aking phonebook. What if I will call the police and report this immediately? Ito ang biglang pumasok sa isipan ko. Pero sino ang sasama sa akin doon? Natatakot akong mag-isang aalis. I need someone. Hindi rin pwede na parents ko ang tawagan ko dahil mas lalo lang akong malalagot sa kanila pag nalaman nila ang nangyari sa amin. "Gosh, mababaliw na yata ako!" Pumikit ako. Hindi ako pwedeng matulog nang walang ginagawa. Tinawagan ko ulit si Erma ngunit wala na talaga. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa mga naiisip kong maaaring mangyari sa kanya. Baka ginahasa na siya ng mga iyon, baka patayin siya pag nanlaban siya. Gosh, huwag naman sana. At napaigtad ako nang biglang tumunog ang doorbell ko. "Gosh, baka si Erma na iyan," napatayo akong bigla at saka tinungo ang pintuan. Ngunit may iba akong pakiramdam kaya naman sinilip ko muna ang taong nag-doorbell ng pasado alas tres ng madaling araw. Nakapagtataka. Hanggang sa makita ko ang isang empleyado na hindi ko naman masyadong namumukhaan. Matagal na ako dito pero ngayon lang may empleyado ng Crown na magdodoorbell ng ganitong oras. Pinindot ko ang mic na konektado sa labas at saka nagsalita. "Bakit ka nagdodoorbell ng ganitong oras?" Tanong ko. "Emergency lang ma'am," sambit ng babae. Ha? Emergency? Bakit? Agad akong nagbukas. At nang pagbukas ko ay may dalawang lalaki na sumulpot sa magkabilang bahagi ay mas mabilis pa sa kidlat ang pagsara ko ng pintuan. Nakipag tulakan ako sa kanila upang maisara ko ang pintuan kaya naman agad akong tumakbo sa sofa upang kunin ang phone ko para tawagan ang security. Gosh. Paano nila ako nasundan dito? Gosh. I need help. Pagtatapos ng unang kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD