Chapter Twenty Three Ella’s Point of View Kinabukasan. Katatapos ko lang maligo, may isang subject ako ngayon, isa lang. Ang pangit ng schedule ko, ‘no? "Kuya tapos na ako! Ikaw na gumamit ng banyo!" sigaw ko bago ako pumasok ng kwarto "Ok!" sagot naman ni Kuya Jez Pumasok na ako sa kwarto. Nilock ko ‘yong pinto, at humarap na ako sa salamin. Laking gulat ko no’ng nakita kong dalawang tao ‘yong nireflect ng salamin! "Ash!" sigaw ko Nakatodo ngiti lang siya sa’kin. "Hoy, anong ginagawa mo dito? Lumabas ka dito, pag nakita ka nila Kuya." sabi ko "Alam kaya nila na nandito ako sa kwarto mo, nagpaalam ako." sagot niya "And so? Ano naman? Sa’kin hindi ka nagpaalam kaya labas! Magbibihis ako!" utos ko "Eh di magbihis ka." sagot lang niya Kainis. Nakatapis lang a