Chapter Eight Ella’s Point of View Ang awkward naman nito. "Ano bang gusto mong ikwento ko?" tanong ko sa kanya habang minamassage ‘yong kamay niya Si Ashley naman pagtingin ko,nakapikit ang potek! Di sumasagot. Sana nakatulog na nga, para makaalis na ako dito.binitiwan ko na yung kamay niya, tatayo na sana ako. "Sinabi ko na bang umalis ka na?" bigla siyang nagsalita Naku naman oh. "Hehe, try lang naman. Akala ko tulog ka na eh." palusot ko "Tsh, magjoke ka na lang para matawa naman ako." utos niya "Ha?! Magjoke?! hahaha, comedy bar ba ‘to? Takte naman Ashley." reklamo ko "Ayaw mo? Sige, itetext ko sila Japz para hingiin ko number ni Madam mo." pananakot niya sabay labas ng phone niyang mamahalin. Tsss. "ANONG TAGALOG NG PERSUADING?" biglang tanong ko