Chapter Twenty Ella’s Point of View "Uy, Sunget ang dami mong kinukuha?" tanong ko sa kanya Nasa mall na kasi kami. Sa groceries. At sobrang dami ang pinagkukuha niya. "Dalawang araw tayo do’n. Gusto mong magutom?" tanong niya "Takot kang magutom? Haha." asar ko sa kanya "Ako hindi. Baka kasi may mangayayat do’n na kasama ko ngayon." asar niya rin Napasimangot tuloy ako, lakas talaga mang asar nito. Hindi pa direktang sabihin pangalan ko eh, ‘no? "Saan ba tayo magsu-swimming?" tanong ko "Basta." sagot niya lang "Ay sige. Huwag mo na lang pala sabihin sa’kin. Kasi di rin naman ako papayagan ni Madam mamaya eh. Kaya kung ako sayo. Huwag mo nang damihan ‘yang binibili mo." sabi ko "Maghintay ka nga kasi. Ako ang bahala kay Madam mo." yabang niya "Akala mo mabait