Chapter Sixteen Ashley’s Point of View One Week Later. "Biboy! Bagalan mo lang naman maglakad! Hintayin mo ako, ba’t ba nagmamadali ka?!" sabi ni Taba Papasok na kasi kami, sinundo ko siya sa bahay. Hindi kasi ‘yan pwedeng mag-commute eh, bawal siya sa mauusok. "Ang bagal mo maglakad Taba! Late ka na sa practice niyo. Kapag ikaw pinarusahan ng pangit niyong Dance Instructor, ibibilad ka sa araw tapos masusunog ‘yong balat mo! Papangit ka! Hahaha." asar ko sa kanya Paglingon ko, tumakbo na siya papalapit sa’kin. "Hala! Ayo’kong pumangit Biboy! Mauuna na ako! Babye!" sabi niya tapos nagmadali na siyang pumunta sa Gym Tss, concern masyado sa kutis. Hehe, bumalik muna ako sa Parking Lot ng ALU. Kukunin ko sana ‘yong gitara ko. Nabanggit kasi ni Rox na gusto daw