18

1984 Words
18 Dahil sa pangungulit nanamna nito ay pinagbigyan ko na si Liam na mag-usap kaming muli pero may kondisyon. “Ok. Mag uusap tayo pero sa convenient store. Hindi sa bahay mo o kung saang lugar na malayo at di ko alam.” “Paano tayo makakapag-usap doon ng maayos? Let’s talk privately.” Giit nito peto di ako papatalo. “Ano ka swerte? At hindi ikaw ang masusunod ok. Sa convenieny store o hwag na tayong mag-usap,” pagmamatigas ko. Di na sya ang masusunod ngayon at ang magdedesisyon. “Ok. Fine. Sakay ka na sa kotse.” Anyaya nito. “Hindi. Magtricycle ako. Baka dalhin mo pa ako kung saan. Mahirap na.” “Lia naman.” Naiinis na sya sa kakulitan ko pero sya naman talaga ang makulit. “Ganyang nakainom ka. Wala akong tiwala sayo.” “Ok. Fine, fine.” Mabilis maubos ang pasensya nya at wala na akong pakielam. “Sa malapit na convenient store lang tayo.” Sambit ko pa. Oo na. Susundan kita,” susunod din naman pala sya, nakikipagmatigasan pa sa akin. Sumakay na ako sa dumaang tricycle at nagpahatid sa malapit na convenient store. Madaling araw na at di na gaanon karami ang mga bumibili. Sa labas na upuan lang kami pumuwesto para mag-usap. “Anong gusto mo? Coffee, juice?” tanong nito bago maupo sa bakanteng upuan. “Juice na lang.” “Ano pa? sandwhich?” alok pa nito “Bahala ka na. kahit ano kakainin ko.” Wala akong maisip na gusto at gusto ko lang matapos na ang pag-uusap na ito. Pumasok ang lalaki sa loob para bumili ng aming makakain. Maya maya ay lumabas din ito bitbit ang supot na kung anu-ano ang laman. May hotdog, chicken sandwhich, ham sandwhich at egg sandwhich. Dala din nito ang dalawang bote ng juice sa kabilang kamay. “Anong sasabihin mo? Sabihin mo na.” pagmamadali ko sa lalaki. Medyo inaantok na rin ako at nakakaramdam ng pagod mula sa pagtatrabaho sa bar. “Kumain muna tayo.” Pagpapatagal pa nito. “Sabihin mo na habang kumakain.” Wala akong pasensya sap ag-iinarte niya. “Umaga na at matutulog pa ako.” Reklamo ko pa sa lalaki. “Ok. Fine. Nagmamadali ka masyado. Di ka naman ganyan noon. Pasensyosa ka at malambing.” “Noon yun.” “I still want our marriage.” Pagtatapat nito. “Hay naku, sira ulo ka talaga,” tanging nasabi ko dahil s ainis sa kanya. “Oo sira ulo ako at gago. Aminado ako doon. Please give me another chance.” “Its too late Liam. May boyfriend na ako.” Prankang sagot ko muli sa kanya. “Break up with him at isa pa kasal tayo. Pwede kitang kasuhan.” “You’re the one who cheated first and he was there when I need somebody at ikaw anong ginawa mo?” “Alam ko. Nagsisisi na nga eh.” “Too late na nga. Alangan namang iwan ko sya para sayo. Don’t you remember what you did? Wala ka ba sa sarili mo ng mga panahon na nakikipaglandian ka sa iba at binalewala mo naman ako,” gustong gusto ko syang murahin habang nagkakausap pero nagpipigil ako. “oo. wala talaga ako sa sarili at wala sa tamang katinuan. Sa palagay ko ginayuma niya ako.” “O ngayon? Ano na nangyari sa inyo? Ayawan na. Ganoon lang yun? Matapos mo kong iwan para sa kanya ngayon good bye na rin sa kanya. Hay, nkakakunsume ka, Liam.” “She’s different.” “Kaya ka nga nagkagusto sa maland!ng yun eh. Dahil iba sya,” tumataas ang dugo ko dahil s ainis sa lalaki. “Its all my fault. Hwag mo syang sisihin.” “Bakit hindi? Alam niyang may asawa ka tapos lalandiin ka pa at ikaw, bumigay namang gag* ka.” “She’s different from you. Maalaga sya sa sarili, Maganda manamit at matalino.” Puro pa nito sa babane kalandian. “At ako hindi. Sa kanya ka na. hinding hindi kita aagawin sa kanya.” “Pero di nya ako maasikaso. I’m the one cooking for us. Hindi nga sya marunong maglaba at mamalantsa.” “Yun naman pala. Katulong ang hanap mo. Masyado na akong busy para maging katulong mo.” Sarkastikong saad ko sa lalaki. “No. hindi yun. Maalaga ka at alam kong mahal na mahal mo ako. I want you back Lia. Magaang ang buhay kapag ikaw ang kasama ko. Wala kang reklamo at di materialistic na babae. Mahilig syang lumabas at magparty. Akala ko masaya syang kasama pero hindi naman ako mahilig sa party at inuman. Masyado akong nahumaling sa taong iba sayo at narealize kong mas gusto ko kita. Bumalik ka na please.” Pagpapaawa nito pero lalo lang akong naiinis sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam ano pang masasabi ko sa lalaki. Kung wala si Jared, hindi rin ako babalik sa kanya. He betrayed me, he left me all alone, at para akong basura na tinapon kung saan. Tapos ngayong, maayos na akong muli, babalik sya at magsosorry. Hay, sarap Nyang sapakin. “Kailangan ko ang umuwi at matutulog na ako.” Wala ring patutunguhana ang pag-uusap naming. “Basta babawiin kita.” Hindi ko na inintindi pa ang sinabi niya. “Umuwi ka na at magpahinga ka na. Tigilan mo nang kakainom ha.” Di ko akalain na yayakapin ako nito. Mahigpit na matagal ko nang di naramdaman mula sa kanya. Totoong nasa huli ang pagsisisi. Sumakay na ako ng tricycle papauwi. Para akong tanga na tingin ng tingin kung sinusundan ba ako ng lalaki. Di nya pwedeng malaman kung saan ako nakatira at baka magpang abot sila ni Jared. Laking problema nanaman ang susuungin ko. Pinilit kong matulog kahit na magulo ang isip ko. Linggo kinabukasan at walang trabaho. Makakapahinga pa at makakasama si Jared at ang dalawang bata. Niyaya ko silang mamasyal sa mall Linggo ng hapon. I need to unwind at marelax sa dami ng mga problemang iniisip. Di ko pa rin masabi kay Jared ang sitwasyon namin ni Liam. Magagalit sya panigurado at babantayan ako sa bar. Ayokong mapabayaan ang mga bata dahil sa mga issues ko. Syempre ako ang unang poprotektahan ni Jared sa sitwasyong ito. Inalis ko muna sa isip ang problema kay Liam. Naglaro ang mga bata sa archade. Sumakay sa rides at nag-ipon ng mga tickets. masaya sila kahit kami ang kasama at di ang tunay na ina tapos kumain kami sa fast food. Bumili ng mga pagkaing gusto nila. Enjoy sila at kami rin naman ni Jared. Nagrocery pa kami at bumili pa ng mga kung anu-ano sa mall. Minsan lang naman kami makaalis kaya nilubos lubos ko na. “Happy ka?” tanong ng lalaki sa akin. “Oo naman. Ikaw? Di ka ba happy? Miss mo na ang mommy mo?” “Sobrang happy ko kaya pero mas magiging happy ako kung kaya ko nang magprovide para sa inyo. Konting tiis na lang Lia.” Saad nito na di ko naman inaasahan. Masaya na ako kung anong naibibigay niya sa akin ng mga panahong iyon. “Wala namang problema. Binabantayan mo naman itong dalawa at Maganda ang kita sa bar.” “Mag-ingat ka doon. Puro lalaki yata ang customers Ninyo at baka matipuhan ka.” “Kayang kaya ni Trina na bantayan ako. Lagot sila sa amasona na yun.” Sagot ko sa lalaki. “Baka ibugaw ka nun sa matandang mayaman. Konting tiis at mapapalasap ko rin sayo ang ginhawa. Hwag kang maghanap ng iba, please.” “Hindi ko naman kailangan ng mga material na bagay. Ang gusto ko, yung pag-aalaga mo, pagmamahal at time mo para sa akin.” Paniniguro ko sa kanya. Hindi ko sya iiwan sa mas mayaman at sa mapera. Hindi sapat na may pera lang tapos wala namang time at effort na binibigay. Gaya ni Liam noon. “Ang swerte ko talaga.” Sabay yakap ng mahigpit sa akin ng lalaki. “Talaga. Kaya ingatan mo ako.” “Teka, paano pala ang annulment ninyo?” biglang singit nito ng topic na iyon. “Di ko rin alam. Kung may lawyer na, doon ko itatanong ang proseso.” “Magpoprovide sya ng lawyer?” usisa pa nitong muli. “Oo daw. Sya daw ang bahala,” pagsisinungaling ko. Akala ko nung una ay annulment ang pakay ni Liam pero hindi pala. “Mukhang gusto nang makawala sa pagkakatali ha.” “oo. gustong gusto nya talaga yung babae niya.” Hindi ko maaaring sabihin na nakikipagbalikan ito, “Mabuti at para di ka na agawin pa sa akin. Hinding hindi ako papayag na makuha ka pa.” Hindi na ako nakasagot pa. ngumiti lang ako saka ako binigyan ng halik sa noo ng lalaki. “Tita mag ice cream tayo,” putol ng dalawa sa pag uusap namin ni Jared. Ayoko na ring pag-usapan pa ang topic nay un. “Ok. Yun lang pala. Anong flavor?” “Chocolate,” sagot ni Candy. “Sa akin strawberry.” Saad naman ni Caleb. “Caramel po sa akin mommy,” saad ni Jared na may pangbatang boses.” “Sige po mga boss.” Inabot na kami ng gabi sa pamamasyal sa mall. Hapon pa naman ang trabaho ko kinabukasan at wala naman masyadong customer kapag weekdays. Mostly inventories lang ang ginagawa naming tapos general cleaning, meeting at mga concerns ang ginagawa namin ng mga staffs. “Nandito nanaman sya kagabi,” bungad sa akin ni Trina lunes ng hapon pagpasok ko sa bar. “Oh anong nangyari?” usisa ko. “Sabi ko close ang bar kaya umalis na rin sya.” “Babalik ba daw?” tanong kong muli at nagbibigay ng stress sa akin ang presensya ni Liam. “Not sure pero most likely. Mukhang sising sisi na sya sa ginawa niya.” “Nakikipagbalikan nga eh. Sira ulo lang di ba?” “Kasal kayo di ba?” “oo.” “ang mahal pa naman daw magpa annul. Anong balak mo? Ayaw mo na talaga?” “Ayoko na. grabeng trauma ang binigay niya sa akin. May divorce na. Malapit na yun.” “Akin na lang sya. Pwede ba?” tatawa tawang saad nito. “Ikaw talaga. Bahala ka. Babaero yun at sinungaling.” Babala ko sa babaeng haharutin pa si Liam. Gwapo naman kasi talaga yung ex ko, matangkad at Maganda ang katawan. “Ok lang yun. Titikman ko lang tapos iiwan ko na lang,” nagtatawanan kami ni Trina sa mga kalokohan niya. Pati ang lalaking iyon ay pinagnanasaan. Masarap kausap si Trina. Mabait at pranka. Totoong tao at di gaya ng iba na akala mo mabait pero sinasaksak ka kapag nakatalikod. Nakakatuwa sya. Masiyahin at akala mo walang problema sa buhay. Single mom sya. Inanakan lang sya at saka nilayasan na ng lalaki. Nasa nanay nya daw ang bata na nasa probinsya nila. Mabuti at loyal sya kay Carmie at mahal ang bar na pinatayo. Katuwang ko sya sa Negosyo at pareho kaming walang ibang alam na pagkakakitaan. Pinagbubuti naming ang negosyong bumubuhay sa amin at tanging inaasahan naming lahat. “Hay, work na tayo. Linis day today.” “Opo maam.” “Cindy. Maginventory ka na ha.” “Opo ate Lia.” “Teka, Lia, may nalaman akong bilihan ng murang karne. Check mo sa bentahan.” Suhestiyon ni Trina. “Sige ok yan para malaki ang kita ng bar. Ikaw lang ang kumikita palagi. Laki ng tip nyo ha. Iba ka talaga girl,” biro ko sa babae. “Magaling lang mambola. Ito ba namang boses ko, napagtitiyagaan nila. Daanin na lang sa patawa at paghaharot.” “Eh yung dance number na sinasabi ko? Ano? Ok ba?” “oo. nagpapraktis na ang mga harot pero sabi ko hwag malaswa. Hwag kita ang kuyukot at di kita ang dibdib.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD