Chapter 2

2475 Words
Chapter 2 Lj's POV MABILIS akong pumasok sa loob ng bahay namin saka sinundan ng tingin ang dalawa , walang pinagbago lagi lagi nalang silang aakyat sa taas . Panigurado akong sa kwarto niya iyon . Ang mas nakakahiya pa ay ipinapakita niya kay Myra ang nakakairitang gawain niya . Hindi naman siya mapagsabihan ng kaniyang magulang dahil spoiled ito sa madaming bagay . Parang ang kapalit ng pagpapakasal saken ay ang kalayaan niya samantalang ako ! Wala ! Malapit ang pamilya namen sa isat isa kaya naman ito nangyare . Sisiguraduhin ko nalamang na hindi ako maiinlove sa manyakol na to bago matapos ang deal . " Parang di naman maganda yung babae ngayon ni Sir.Kevin , ate LJ." Chismong asik ni Myra habang nakatingin den sa paakyat na babae at manyakol . " Paano mo nasabi? Maganda naman siya ah! Sexy , makinis ." Pag didipinisyon ko sa babaeng kasama ni Kevin . " Pero hindi maganda . " Natatawang sabi nito saken saka kinagat ang kanyang labing tumawa . " Sira ka ! Marinig ka niyang kuya Kevin mo lagot ka. " Pananakot ko sakanya na kinanguso niya agad . " Totoo naman kase e , mas maganda pa tong alaga niyang aso kesa sakanya . Hi chuchu !" Laro laro niya ang asong pinahawak saken ng Kasey ba iyon? Paano ba i pronounce ang pangalan niya ? Ka-say? Ka-sey? Ka-see? Narinig ko namang binanggit iyon ni Kevin kanina ngunit hindi ko magets basta kung ano nalamang ang maitawag ko sakanya ay bahala na siya . Bakit kaya may mga taong Playboy? Playboy? Womanizer? Babaero ? Bakit parang okay lang sakanilang pag laruan ang mga puso ng babae . Pogi siya sa totoo lang , uulitin ko gwapo ang isang iyon . Maganda ang hugis ng mukha , maganda ang boses , matangkad , malaki ang muscle , may abs , maganda den ang kaniyang mga matang akala mo kumikinang lalo na pag may kausap siyang babae . Minsan lang kaming magkasundo nito lalo na pag nadalaw ang magulang ko at magulang niya . Dahil busy ang pareho naming pamilya ipinag katiwala muna kame sa Mama ni Myra . Ang matagal ng kasambahay ng Mommy ni Kevin . Nanlaki ang mga mata ko ng makitang hila hila ni Kevin ang kanyang babae pababa ng hagdan . " Kevin ! Ano ba yan ! Wag mo naman siyang kaladkadin ."  Agad akong napatakbo sa gawi nila saka niya itinumba sa sahig ang babae . " Wag na wag mo nakong tatawagan kahit kelan ! Ilabas niyo yan ! " Gigil na gigil na sabi nito na kinagulat ko lalo , ano kaya ang nangyare . " Kevin ! Tigil ! Halika tulungan kita tumayo ." Pag tutulong ko sakanya . Ang babae ngayon ay akala mong paiyak na dahil sa ginawa ni Kevin . " Hummm!!! " Inambahan niya ng suntok ang babae na ikinasama ng mukha ko , bakit naman niya sasaktan ang babaing ito. " Kevin, ano ka ! Wag kang ganyan sa babae!" Muling sabi ko saka dahang dahan itong tinayo . " Okay ka lang po ba ? " Pagtatanong ko sakanya ngunit saka ako nito tinulak . " Kaladkarin kaya kita sa hagdan tapos tanungin kita kung okay ka lang?" Maarteng sabi nito saka niya kinuha ang bag nito at ang kanyang alagang aso saka tuluyang umalis . Dinig kong tumunog ang sasakyan ito kaya naman nalaman kong umalis na nga ito ng tuluyan . Harap kong tinignan si Kevin na ngayon ay nasa pangatlong hagdan . " Bakit mo ginawa yon! Babae yon Kevin!" Panenermon ko sakanya , alam kong hindi ako ganito talaga ngunit hindi ko kayang makitang may masaktan na physical na babae. " Wag mo kong masermon sermonan dahil Una ! Hindi babae ang bwesit na yon! "  Saka saka nag dabog paakyat , dinig kong malakas niyang isinira ang kanyang pinto . Hindi babae ? Sino ? Dito sa bahay ako lang naman ang mukhang hindi babae dito. " Ate LJ! Bakla ata yon e ! Sabi ko naman sayo parang kakaiba ang isang yon ! " Chismis nanaman niyang sabi sa tabi ko , basta gantong chismis ay nangunguna ang isang ito e . " Mag tigil ka nga ! Hindi naman napatol si Kevin sa bakla e ! " Tinignan ko siya saka agad pumunta sa sofa batid kong sinundan niya ren ako at umupo sa tabi ko . " Siguro ay hindi alam ni kuya Kevin na bakla ang isang iyon tapos nung nag hahalikan na sila at dapat ay mag chuchukchakan nakapa niya yung Yaaakkk!!!" Kahit ako ay nandiri sa ikwinekwento niya saakin . " Isipin mo ate Lj, nakahawak na ng birdie si kuya Kevin!!" Napatingin ako sa taas at naisip ang pwedeng nangyare kanina . " Nako ! Nako ! Nakakadiri isipin! Mag papalit na ko sa taas . " Agad namang tumungo itong katabi ko saka ako umakyat ng tuluyan . Kumuha lamang ako ng tokong shorts na black at tshirt na kulang Blue . Mukha talaga akong hindi magets sa gantong damitan dahil hindi naman masyadong makababae ang mga ito . " Nakakadiri naman kung hinawakan niya ang birdie non kung sakaling bakla iyon talaga." Nanginginig pang sabi ko mula sa nakaka tinding balahibong imagination ko . Lumipas ang ilan ang oras ng ganon kabilis , gabi na pala . Halos wala akong ginawa sa loob ng Kwarto kundi mag cellphone lamang , manood nood ng mga dramas . Kahit nung kumain ako ng tanghalian ay hindi ko nakitang bumaba si Kevin siguro ay diring diri iyon sakanyang pinag gagagawa paano naman kase napaka babaero niya , ayan tuloy napala niya . Bumaba ako para kumain at laking gulat ko ng nandoon din siya at kumakain . " Ehem , di ka kumain kanina ?" Pag tatanong ko sakanya saka kumuha ng pinggan at sinabayan itong kumain . Mag kaharap kaming nag sasalo sa pagkain ngunit hindi niya pinansin ang tinatanong ko . " Pasensiya ka na kanina- " Hindi natapos ang sasabihin ko ng pabagsak niyang inilag ang kubyertos sa mesa at masamang tumingin saakin . " Hindi ka ba talaga marunong tumahimik?" Inis na tanong nito saken na kaagad ikinakagat ng aking labi . Bakit ba lagi nalang itong galit sa'akin? Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah! Kung nagagalit siya dahil ikinasal kame bakit hindi siya magalit sa kanyang mga magulang! Wag niyang ibuntong saken ang lahat dahil hindi ko naman kasalanan! " Pake mo ba kung hindi ako kumain ? Ano  ? Porket Asawa kita ? Tss. " Natikom ko ang aking mga bibig ng sabihin niya iyon . Sino nga ba ako? Nag tanong lang naman ako grabe naman siya ! " Kumain ka na , pasensiya na ." Pag hihingi ko ng pasensiya saka yumuko . Sa totoo lang ay nangangapa parin ako sa buhay kong ito . Masakit sa'akin na maging ganito ang buhay ko lalo nat pinangarap kong ikasal sa taong mahal ko . Lahat naman siguro ng babae ay ganon diba , mamahalin sila ng asawa nila at aalagaan . Samantalang ako ? May asawa nga ngunit iba naman ang nakakasama niya . Hindi ako nag dedemand na dapat ako ang kasama niya ha ! Ang akin lang yun ang pangarap ko . " Satingin mo may gana pa kong kumain?" Umabante ito saka padabog na tumayo . Ngayon ay naiwanan akong mag isang kumakain ng hapunan . Napangiti nalamang ako ng isipin kong hindi mangyayare ang mga pangarap ko . Matapos akong kumain ay agad nakong pumanik sa aking kwarto .Dumaan ang ilang minuto ng nakatingin lamang ako sa itaas , ngunit nanlaki ang mga mata kong maimagine ang mukha ni Kevin doon . Nako ! Ano ba iyang nakikita mo! Sana ay multo nalamang ang nakita ko at hindi ko naimagine ang mukha noon ! Hindi naman siya ang naiisip ko pero siya ang nakita ko! Iniisip ko lang naman ang ideal man ko ngunit ang pisting yawang animal na kanyang mukha ang lumitaw sa imagination ko ! Agad kong pinikit ang aking mga mata saka pinilit ang sarili kong matulog . Mas okay nang matulog nalang ng maaga kesa makita ko ang mukha niya sa kisame! * Ito nanaman ang panibagong araw na nakakainis at puno ng pagsisisi . Ngayon ay tanghaling tapat at nakasuot ako  ng pangmalakasang OOTD ang akala mong Cosplayer na suot!  Bakit? Syempre alam niyo na ang susunod , may darating nanaman na kung sino at ang wish ko sakanya ay maging successful ang babae niya . Nangyayari lamang ang ganitong sitwasyon kung may Birthday Party siya at dito ginanap? Kung ang mga barkada niya ay natipuhan ditong mag practice? At higit sa lahat kung may babae siyang idadala dito . Siya lang ang babaerong napaka Cheap,  yung ibang babae sa Hotel idinadala ngunit itont lalaking ito ? Napaka tindi ! Dito talaga niya idinadala minsan nga naiisip ko na baka ginagawa niya lang iyon para ipamukha saking hindi ako ang tipo niya . Nasa sala ako ngayon habang nakain ng popcorn , ito nalamang ang masarap kainin  habang nanonood ng Spongebob . Wala lang di ako maka move on sa Character niya e lahat kase gagawin niya maging maayos lang ang lahat . Nawala ang atensiyon ko sa panonood ng may narinig akong yapak ng tsinelas . Kada tunog ng yapak niya sa hagdan ay ganon den ang tunog ng kaba saaking dibdib . Bakit kelangan pang tumibok ng ganito ang puso ko sa simpleng pag baba lamang niya ! Unti unting kong nilingon mula sa pag kakaupo ko sa sofa ang gawi ni Kevin ngunit namilog ang mga mata kong naka topless lamang ito , Dahang dahan akong kumurap ng makitang kong may hawak hawak itong towel na siyang pinupunas ang kaniyang basang buhok . ' Grrr! What an abs!' Kagat labi kong sabi habang iniisip ang mga salitang iyon . Dahang dahan kong isinubo ang pirasong popcorn ngunit nagulat nalamang ako ng mahulog ito sa loob ng damit ko . Pumasok siya sa may dibdiban ko . Nang makuha ko na ay saka ko siya ulit isinubo saka tumingin ulit sa gawi ni Kevin . Holy Moly! Nakatingin ito saken ! Agad akong humarap sa TV na kung saan ay Spongebob ang palabas . Dama ko sa aking dibdib ang kaba at hiya na bumabalot sa aking katawan . " Tss, Panget! Hoy ! " Pinikir ko ang aking mga mata at kunyaring hindi ko siya naririnig . " Hoy ! Pinag papantasyahan mo ko ha! Hoy !" Pag tatawag niya pa ngunit hindi ko kayang harapin ang katawan niya baka ma hypnotized nanaman ako ng abs niyang yummy ! Gulat akong nanlaki ang aking mga mata ng may tumama sa ulo kong Towel? Towel niya na ipinang pupunas niya sa kanyang Ulo kanina! " Ikaw napaghahalataan na kita ah! May gusto ka talaga saken ." Dinig kong sabi niya na mas ikinagulat ko , agad akong napalingon . " A-ano ?? "  Ngunit dumaan ang tingin ko sa abs niya kaya naman nanlambot nanaman ang katawan ko sa nakita ko . No ! Luna Jane lumaban ka ! Napadako ang tingin ko sa kanyang mga mata at doon ko nakita ang ngisi nito saken   . Tinignan niya ang kanyang abs saka ibinalik ang tingin saken  . " Takam ka ba? Baby ? " Nangunot ang aking Noo ng sabihin niya iyon . " As if! " Matigas kong sabi habang nakaharap paren sa gawi niya , Kinapa kapa ko sa mesa habang nakatingin ako sa kanya ang tumbler na lagayan ng aking tubig na malaki . "Hey- "  Hindi nito natapos ang kanyang sasabihin ng mahawakan ko ang aking tumbler ng nakatingin sakanya saka ko binalak uminom ng . " Wah! Basa !  " Nanlaking matang sabi ko ng mabasa ang damit pang itaas ko , napatingin ako sa hawak ko at doon ko mabilis inilapag muli sa Mesa . " So nainom ka pala sa mini base ? Maganda yang gawain mo ah ! " Saka ito tumawa ng tumawa , Kala mo mamatay na siya sa kakatawa . "Shut up! "  Asik ko ng mapahiya ako sa ginawa ko , sarili ko ring katangahan ang nag papahiya saken . " Ate Lj ! Hala ! Ano nangyare sayo!" Papalapit na sabi ni Myra habang may hawak hawak na Bulaklak na panigurado akong ilalagay niya sa Minibase na muntikan ko ng inumin  . Bakit hindi ko man lang nahalata! Masyado kase akong nakikipag titigan sakanya ayan tuloy napala ko! "Go change , may pupunta dito . " Utos nito sakin kaya naman ay agad akong pumanik sa taas upang magpalit nalamang . * Nandito ako sa labas habang iniintay kung sino mang parating . Tumawag na kasi ni Manong Guard sa mismong Village namen na papasok na daw ito dito kaya naman ay inabangan ko na agad sa labas ng bahay . Hindi nag tagal ay may businang kotshe mula sa labas ng Gate namin, binuksan naman ito ng guard saka mabilis niyang ipinasok ang kanyang sasakyan dito sa loob  at mabilis na nag park . Namilot ang mga mata ko ng banggain nito ang bike ko ! Kagat lagi ko iyong itinayo at sinandal sa pader . Mabilis na binuksan nito ang kanyang pinto ng kotshe nito saka inilibot ang tingin sa kabuua ng bahay . " Hello po ma- " Hindi ako pinatuloy nito mag salita ng agad agad na lang siyang pumasok sa bahay . Come on ! Bahay namen yan ! Sumunod ako sakanya saka at ngayon ay para akong tangang nasa likod niya . " Ma'am ? "  Pag gagalang kong sabi , kung hindi lang ako nasa mood ay baka hindi ko na siya pansinin pa . Ngunit ito ang kelangan ko gampanan ang maging isang Katulong at Personal Assistant kaya kelangan makatotohanan . " Hello ma'am ? " Ngunit hindi niya ako pinansin . Agad akong huminto sa pag lalakad at hindi na ito sinundan pa . Sipain pa kita e ! Pag iisip ko . " Ate Lj ! " Tinig ni Myra ang umalingasaw ng lumapit ito saken . " Bakit?" Nag tatakang tanong ko sakanya ngunit may ininguso lang ito saka nag salita. " Tawag ka na po kase boss mo . "  Sabi nito kaya naman ay mabilis kong pinuntahan ang sala na kung saan ay doon iyon pumunta . " Si- " Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng ang bumungad saken ay ang dalawang nag hahalikan sa sofa . Kagat kagat ko ang aking labi ng masilayan ko silang nasa ganoong posisyon , bakit hindi ka pa ba sanay? Hindi bat dati naman ay wala kang pakielam ? Bakit ngayon ay nakakaramdam ako ng kaunting sakit? Wag mong sabihing may gusto ka sakanya ! Hindi iyon maaring mangyare .. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD