DANICA POV "Wow? Mukhang gutom na gutom ka sir ah?" sabi ko pa sa kanya. I guess he does not have that body build without a reason. Baka noong kumain kami nitong nakaraan ay talagang di lang siya malakas kumain kasi busog siya. "Sorry. stress lang talaga ako ngayon sa dami ng mga ginagawa ko. Nakaka baliw lang din ang dami ng mga problema ngayon." "Ayos lang yan? Di ba malaki naman ang sahod ninyo?" sabi ko pa sa kanya, kung ako nga yan, siguro ay ayos lang naman sa akin na mai stress basta malaki ang sasahurin ko. "What? Naliliitan nga ako sa sahod ko dito. Baka nga kulangin pa ito sa pampa hospital ko kapag nagkasakit ako eh," sagot niya sa akin. Sabagay, isa na siyang bilyonaryo at sa tingin ko ay talagang naliliitan siya sa sahod niya. Sana all na lang din talaga. "Eh bakit