DANICA POV "Ano ka ba? Of course magkaibigan tayong dalawa, Chelsey! At di lang friend, kapatid na rin ang turing ko sayo no? But what I am saying is, bilang nag mamalasakit lang din ako sayo, natatakot lang din ako na baka mapahamak ka." "Shut up, Ana! I am doing just fine, anyway nawalan na ako ng ganang makipag usap sayo," pag susungit pa ni Chelsey sabay labas sa cubicle. Narinig ko rin na nag bukas ang cubicle ni Ana at sa tingin ko ay parehas na silang umalis. Bumalik na ako sa pwesto ko at nang dumaan naman ako sa harapan nila ang sasama ng tingin nila sa akin. Para bang ang laki ng kasalanan na nagawa ko sa kanila. Di ko na lamang sila pinansin. Dedma na lang din talaga ako sa kung ano man ang sasabihin nila pero babantayan ko ang bawat kilos nitong Chelsey dahil sa meron na na