Chapter 6

2014 Words
Her POV NAGISING ako sa ingay na parang may nagtatalo. Ibinuka ko ang mga mata ngunit agad ding nasilaw ang mga ito sa liwanag. Sinubukan kong muling dumilat ngunit sa pagkakataong ito ay dahan-dahan na ang ginawa kong pagbuka hanggang sa nasanay ang mga ito sa silaw. Unang tumambad sa paningin ko ang puting kisame ng lugar na kinaroroonan ko ngayon. Iginala ko ang paningin sa paligid, puro puting pintura lamang ang mga nakikita ko. Nagising akong mag-isa sa loob ng silid na ito. Sinubukan kong bumangon ngunit agad ding napasapo ang kamay ko sa aking ulo nang bigla akong makaramdam ng kirot. Kinapa ko ito, napakunot-noo ako nang madama ng mga palad ko ang bendang nakalagay. Nalipat ang tingin ko sa kamay kong may nakakabit na IV, saka ko lang napagtantong nasa loob ako ng hospital. "Tangina mo! You really have the guts to show your f*****g face here after what you did to Claire! Look what you have made?! She almost killed herself!" Napalingon ako sa labas ng pintuan nang marinig ko ang galit na galit na boses ni Kyle. "Mapapatay kitang hayop ka!" "Utang na loob, Mikael! Umalis ka na! Hindi makatutulong kay Claire na makita ka niya! Sinasaktan mo lang lalo ang kaibigan namin! Maawa ka naman sa kaniya!" Just by hearing his name, my tears started to fall again. Bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko bago ako napunta sa lugar na ito. ‘Di ko alam kung ipagpapasalamat ko pa bang nabuhay ako dahil buhay nga ako pero unti-unti naman akong pinapatay ng sakit. "No! Just please! Please let me just see her, I'm begging you guys, please . . . I need to see her! I admit, I am a jerk! I'm an asshole! But I love her! Lahat ng pagmamahal ko, lahat ng pinapakita ko, everything was real! Alam ko, mahirap paniwalaan pero totoong mahal ko si Claire." He was crying, no! He was sobbing, he was begging, he was frustrated, he sounded like he was in pain, but I didn't care! ‘Di mababago ng mga salitang iyon ang sakit, ang galit, ang poot na nararamdaman ng puso ko ngayon. "Leeeave!" I heard the roaring voice of my father. "Tito, please . . ." he tried to beg again. " You don't deserve my daughter, and the hell will I let you come near her again! I've already told you once, Mikael! Never break my trust!" I cried more when my father's voice broke. "Leave! Before I could even rip your neck till you couldn't breathe anymore!" "Just leave now, Mikael! You have already caused so much trouble!" It was Ely's voice again. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa labas ng silid. All I could hear now were footsteps. Bumukas ang pintuan, iniluwa nito ang aking ina, mugto ang mga mata. She looks tired like she deprived herself to sleep. I felt guilty. My chest tightened again, bumilis ang paghinga ko, umaalpas ang samo't saring emotion nang makita ko si Mommy na para bang nakahanap ako ng kakampi, ng kasusumbungan ng sakit ng kalooban ko, ng paghihingaan ng bigat ng puso ko. She stared at me, pinipigilan ang sariling ‘wag lumuha. The pain was very visible in her eyes and it hurts me more watching her looking like this. Tinakpan nito ang bibig gamit ang isang kamay upang pigilan ang sariling mapahikbi but when she started tearing up, I started to break down. "Mommy . . ." Humakbang palapit si Mommy, ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig. I cried so hard on her chest. "Mommy . . . ang sakit . . . ang sakit-sakit. ‘My . . . h-hindi naman ako nagkulang . . . minahal ko siya. Mahal na mahal . . ." "Ssshh . . . it is going to be okay. Nandito lang si Mommy. He may have broken your heart, but I promise . . . Mommy promises to help you put all your pieces back together." Mommy kissed the top of my head. Mas hinigpitan pa nito ang ginawang pagyakap sa akin. "God, I almost lost you . . ." Humahagulgol na si Mommy. "Please never do it again, baby. Mahal ka ni Mommy, marami pang nagmamahal sa iyo nang sobra, nang higit pa na ‘di ka sasaktan. Mahal kita, anak, mahal ka namin ng daddy mo. Kaya naming higitan ang pagmamahal na hinahanap mo. Just please, ‘wag mo kaming iwan. Please . . . ikababaliw iyon ni Mommy.” Mommy cried so hard while embracing me. She kept on kissing my head, sending all her love and care. How can I be so selfish by just thinking about myself alone? For not thinking about my parents' feelings? About the pain that I could give them if I die? I couldn't imagine the heartache that my parents would feel if they lost me. Right there and then, I promised to myself that no one would make me feel like this anymore—to make me feel miserable, to let me question my worth, at tapakan ang pagkatao ko. I will just cry about everything today. I let out all the pain and sorrow I have inside my heart, and tomorrow I will be a better version of myself, braver and stronger. His POV EVERY day, I sent flowers to Glyden's condo unit, but she just returned them to me. Every night I came to visit her place, but she didn't open her door for me, even though I knew that she was just inside her unit. It's been a month since that night she thought I cheated on her. Nawawalan na ako ng pag-asa na magkaayos pa kaming dalawa. I've already exerted too much effort. I already wasted too much time, but she never cared at all. She made me feel like I had never existed in her life. Like tonight, mahigit isang oras na akong naghintay upang pagbuksan niya. I kept on asking sorry even though I knew I never cheated on her. I stayed for another hour before I decided to leave. Bagsak ang mga balikat kong naglakad paalis sa kaniyang unit. I went inside my black Lexus RX. I held on to my steering wheel with both hands. I leaned my back on my driver seat and rested my head on the headrest. I sighed, I was tired from work, but I still went straight to her condo with a little hope that by this time she would be going to talk to me. I didn't want to give up but this whole f*****g thing was already exhausting. Sandali kong pinikit ang aking mga mata, ayokong mag-isip muna, nakapapagod na, masyado ng maraming iniisip ang utak ko. These last few weeks ngayon ko siya higit na kailangan but there she was, still mad at me, sarado ang isip para sa mga paliwanag ko hanggang ngayon. I already miss her, sobra. For the past three years, she became my comfort, my cheerleader, my companion. Mahirap pala talaga kapag nasanay ka na sa isang tao, na masyado kang dumidepende sa kaniya, na sa isang tawag mo lang nandiyan agad siya dahil kapag nawala ang taong ‘yon, wala na ring matitira para sa iyo. I took my phone from my pocket, I went to my contact list and I dialed Adrianne's number. On the first ring, he picked up. “Inom?” I chuckled a bit dahil nahulaan agad nito ang aking pakay. "Saang branch ka ngayon?" He owns the number one leading bar in the country. A'choholic. It already has three branches at may plano pa na magbukas ng bagong branch sa susunod na mga buwan. “Main branch.” "Okay! I'll be there in five minutes," I said before I turned on my engine and hung up the phone. Pinarada ko ang sasakyan tabi ng kay Adrianne. Nasa loob pa lang ako ng kotse ay rinig ko na ang malakas na tunog mula sa loob ng bar. Pumasok ako sa loob. Tinungo ko ang bar counter kung saan tumatambay si Adrianne dahil minsan nagmi-mix din ito ng drinks sabay diskarte sa mga chicks. Napailing ako nang makita kong nakikipaglandian na naman ito sa mga customer niya. Napasulyap ako sa magandang chinitang katabi ng babaeng lumalandi ngayon sa kaniya, para itong nakakita ng artista kung makatitig sa kaniya. Tinawag ko na si Adrianne bago pa man ito makipaglaplapan sa kalandian n’ya ngayon. Kilala ko na ang loko at alam ko na agad ang mga diskarte nito. Lumingon ito sa aking gawi, nagpaalam muna ito sa kaniyang kalandian bago ako nilapitan. ‘Di pa man ito nakalalayo ay nilingon nito ang babaeng chinita na nakasunod sa kaniya ng tingin, napangisi ako nang magkasalubong ang kanilang mga mata. Hayop talaga! "Landi mo, pare," puna ko sa kaniya, we shook hands and did our bro hugs. "Ganda kasi, p’re," saad nito. "Sino riyan?" "’Yong chinita kaso kade-debut lang." Tumawa ito. "Paano mo nalaman? " "’Yong suot na sash may nakalagay na Welcome to Legality, tangina!" saad nito sabay tawa ulit. Inakbayan niya ako at giniya patungo sa mga couch na nakahilera sa gilid ng dance floor. Napakunot-noo ako nang makitang nandoon na ang iba pa naming mga kaibigan. I went closer to each of them and gave them a bro hug. "Daya mo, bro! Si Adrianne lang ang tinawagan mo!" reklamo ni Migs. "Pasensya na, kaunting inom lang sana ang plano ko!" Ilang saglit lang ay naglapag na ng mga inumin si Adrianne sa lamesa. Isa-isa kaming kumuha at tinungga ang bote ng beer. Nakailang bote na rin ako nang maisipan kong pumunta sa banyo para umihi. Sa gitna ng stage ako dumaan dahil mas malapit dito ang banyo, nakipagsiksikan ako sa mga taong sumasayaw sa entablado nang biglang hatakin ng isang babaeng may maikling buhok ang aking dalawang kamay. Tumalikod ito, giniya niya ang mga kamay ko payakap sa kaniyang baywang. Dumikit ang likod niya sa aking dibdib, ang liit ng size ng baywang nito at ‘di maikakaila na ang ganda ng hubog ng katawan niya. I cursed when she started to grind in front of me, itinaas nito ang isang kamay at marahang hinawakan ako sa aking leeg habang ang isa'y nakapatong sa kamay kong nasa kaniyang baywang. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang sagiin ang aking gitna sa matambok niyang p’wet while sexily dance in front of me, but one thing is for sure, tumitigas at nagagalit ito sa tuwing nasasagi ng matambok ni’yang pwet, mahihinang mura ang lumalabas sa bibig ko. Then finally, she turned to face me. She was still dancing, eyes were both closed. My hands were still on her slim waist. I took a glance on her face, inangat ko ang isang kamay upang hawiin ang ilang strand ng buhok nitong tumatabing sa maganda at maamo nitong mukha. ‘Di ko sinadyang mapatitig nang makita ang buong mukha nito, ang ganda n’ya, mukha siyang anghel ngunit may kolorete. She looks familiar, I was sure with myself that I already saw her somewhere else, ngunit hindi ko lang matandaan kung saan. I was still staring at her face when she suddenly opened both of her eyes. She smiled at me ngunit hindi ito umabot sa kaniyang mga mata, she looked sad and in pain, nakadama ako ng awa just by looking at her two beautiful eyes. Hindi ko mapigilan ang sariling haplusin ang makinis nitong pisngi gamit ang hinlalaki ko, kusang napapikit siyang muli nang gawin ko iyon. I stared at her thin lips, they were as if inviting me to kiss her. Hindi ko alam kung ano’ng nag-udyok sa ‘king halikan siya ngunit nakita ko na lamang ang sariling inangkin ang mga labi nito. Tinugon niya ang mga halik ko, hindi ko ma-explain sa sarili ngunit nang tumugon siya sa halik ko ay naramdaman ko ang sakit na dinadala nya. She is hurting inside. She is broken, and she is in deep pain. Napabitiw lamang ako nang maramdaman ko ang pagdaloy ng likido mula sa kaniyang mga mata pababa sa kaniyang makinis na pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD