His POV "Wag kang maduga Claire! Nakikita kita." reklamo ko ng palihim itong kumuha ng isa pang card sa deck. We were playing three cards, talo inom kami. Nakalahati na namin ang bote ng tequila. Nakaramdam na ako ng init sa katawan pinipigilan ko lang dahil nag-eenjoy pa ko kalaro si Claire. Nasa living room kami ng resort, nakasquat kami sa carpeted na sahig. "Hindi naman ah!" Natawa ako sa reaction nito. Ang cute talaga niya, hindi nakakasawang titigan ang ganda ng kanyang mukha kahit anong reaction siguro kahit pa nga tulog. "Alam mo namang ayoko sa cheater, mandaya pa!" "Fine Claire! Sabi mo eh" sinakyan ko na lamang ito. "Kapag ako manalo dito, hulihin mo yong isda na gustong-gusto ko”" she was really obsessed with that colorful fish. Ayaw pa sana nitong umahon sa dagat kah