Beth POV
Lumipas ang mga buwan at bakasyon naman sa probinsya nila kuya Marius ang pupuntahan namin, syempre gustong gusto ko para makita ko na ulit ang Tyrone ko. Oh diba di naman sa excited ako pero ang totoo pinaghandaan ko talaga. Hihihi... Aba at nag apply pa ako ng peeling product para sa pagpapaganda ko at di naman ako nabigo kasi pumuti at gumanda naman talaga ako. Sa totoo lang maraming nakapansin ng ganda ko lalo na ang mga body guard sa mansyon nila ma'am Steph, wala akong pinayagang manligaw kasi wala rin naman akong balak na sagutin sila. Isa lang ang nasa puso ko at yun ang baby Tyrone ko.
Woooohhhhh nakakakilig talaga sya. Grabe talaga ang dating nya sa akin, hulog na hulog ang puso kanya... Nandito kami ngayon sa kubo, balak kasi nila na mag inuman kami eh syempre kelangan join ako baka mamaya may mga kababaihan na naman dito na magkagusto kay Tyrone, sya pa naman yung lalaki na basta maganda ang katawan pinapatulan na. Hayyyssstttt. Mahirap ring mainlove sa playboy... Nakakainis lang kapag naaalala ko yung narinig ko minsang nagbibiruan sila... Si Tyrone pala ang pinaka playboy sa lahat..
Hanggang sa nalasing na nga kami... Walang naganap na alam nyo na kasi nga lasing din talaga ako.... At saka paano ba naman yung kwarto na dapat ay sa amin lang ay pinagtulugan din nila Gigi at Joseph sa sobrang kalasingan. Naku po, tuloy ang ending magkayakap lang kaming natulog... Atleast magkayakap rin nung nagising ako .Hihihi
Kinabukasan kinausap ko si Tyrone...
" May sasabihin sana ako sayo, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko.
" Yes about what?" aniya.
" Tungkol sana sa atin. Ginagawa na kasi natin yung ginagawa ng magkasintahan. Alam ko naman na alam mong gusto kita... I mean mahal na kita, baka pwedeng maging tayo na." deretsahang sabi ko.
" Ha? Haha, I'm sorry pero akala ko fling lang tayo, di ko mabibigay ang gusto mo. Masaya na ako ng ganito, araw araw may kahalikang babae hanggang sa ma ikama ko pero hanggang doon lang yun, kasama ka na roon. Ayoko ng relationship, at saka sino bang nagsabi na pareho tayo ng nararamdaman?"
Grabe yung sinabi nya tagos na tagos sa puso ko ang sakit... Oo nga pala di nya pa nasabi sa akin na gusto nya rin ako. Sobrang sakit tong nararamdaman ko ngayon. Pero wala eh mas nangingibabaw pa rin sa akin na makasama sya. Kaya nakapagdesisyon na ako.
" Ganoon ba? Edi sige ako nalang ang manliligaw sayo" desididong sabi ko.
" What? Di makapaniwalang sabi nya.
Di ko na yun sinagot ang mahalaga ay nasabi ko sa kanya yun, pero saka ko nalang sya liligawan once na okey na ang puso ko.
Ilang beses na akong pumupunta sa Opisina nya para magdala ng pagkain lagi ko syang nilulutuan ng tanghalian pero lagi nalang din akong bokya tinatanggap ng security guard ang ang dala ko pero ang laging sagot ay nasa meeting sya na importante kaya bawal istorbohin sya nalang din daw ang magdadala sa Opisina ni Tyrone.... Di man lang ako nakapasok dun ni minsan feeling ko tuloy tinataguan nya ako...
Hanggang sa nakita ko syang lumabas ng building at may kasama syang babae.. Teka kailangan ko silang sundan.
" Hi Tyrone." Bati ko sa kanya, wala akong pakialam kung may kasama man syang babae dito ko sila naabutan sa mamahaling restaurant sa loob ng hotel.
Maganda ang babae at sigurado akong isa rin itong model.
" Please Beth wag dito." si Tyrone na nanlilisik na ang mata sa galit.
Alam kong galit na galit sya ngayon pero paano naman ako makakaumpisa na ligawan sya kung iba't ibang babae naman ang nakakasama nya.
" Gusto lang naman kitang makausap." Sagot ko kahit feeling ko gusto ko ng umiyak, kailangan kong pigilan ginusto ko tong sitwasyon na ito.
" Get out!!!" Medyo pasigaw nya ng sabi na nakaagaw ng atensyon sa mga kumakain. Nakita kong naka ngiti lang ang babae sa akin, parang tuwang tuwa pa sya na ganoon ang trato sa akin ni Tyrone.
" Sandali lang naman." pamimilit ko pa.
" Masyado kanang disperada girl."sabay ngisi nung babae.
Gustong gusto ko syang sabunutan sa totoo lang pero mukhang para sa mayayaman lang itong restaurant na ito nakakahiyang mag eskandalo.
" Sabi ko umalis ka na ayoko ng makita yang pagmumukha mo." si Tyrone.
Ang sakit ng mga salita na lumalabas sa bibig nya. Nakakababa ng pagkatao. Nagmamahal lang naman ako bakit kailangan nyang saktan ng ganito ang puso ko.
Pinili ko nalang umalis para di na sya magalit. Di ko na rin naman kayang magtagal pa, sa inakto nya kanina wala naman na syang balak na kausapin pa ako. Patalikod na ako ng marinig ko pa ang usapan nila
" Who's that woman?" tanong nung babae.
" Nothing, isa lang sa mga babaeng habol ng habol sa akin...ttssskkk..."
Di ko na napigilang umiyak habang palabas, alam kong nakaka agaw na ako ng pansin sa mga pumapasok at lumalabas ng Hotel na yun.
Hindi ko na kayang maglakad, kaya naman ng may nakita akong pwedeng upuan sa daan ay naupo muna ako.Nakayuko at nakapikit ako habang umiiyak. Ang sakit sakit ma reject ng taong mahal mo. Marami naman akong manliligaw pero bakit ganun, sya pa rin ang gusto ko.
Meron yata akong isang oras na nakaupo dun, ng biglang may baritonong boses na nagsalita.
" Hi miss, you need help?" aniya.
Pag angat ng mukha ko, isang gwapong nilalang ang nakita ko kaso imbis na mamangha ako lalo lang nadagdagan ang pighati ko. Paano ba naman may hawig din sya kay Tyrone ko.
" Gabi na miss halika na sa loob ng hotel mukhang bubuhos ang malakas na ulan
" pag-aalalang sabi nya.
" Okey lang po ako, pauwi na rin po ako. Salamat po sa concern." tumayo na ako at pinagpag ang aking pwetan, naupo kasi ako sa gilid ng halamanan kaya medyo narumihan ang aking pants.
" Miss hindi ako masamang tao, halika na para makakain man lang bago ka umuwi ihahatid nalang din kita masyadong ng gabi mahihirapan kang sumakay." alok pa nya.
Mukha naman syang mabuting tao kaya naman sumama na rin ako. Dito nya rin ako dinala sa restaurant kung saan kumain kanina sila Tyrone. Wala ng Tyrone sa paligid siguro nakapag check-in na sila nung babae. Hayst ano ba tong iniisip ko. Nalungkot na naman tuloy ako.
" Ako na lang ang mag order ng pagkain natin ah pero kung may iba kang gusto orderin nalang din natin." Sabi pa nya.
Hindi kasi ako makapili, kanina ko pa tinitingnan itong menu nila grabe kasi ang mga presyo ang mamahal. Kaya sya nalang din ang pinagdesisyon kong umorder.
Nang dumating na ang mga pagkain. Masyado akong natakam parang lahat masasarap kanina pa talaga ako gutom nakalimutan ko na ngang mag lunch dahil sa pagsunod ko kanila Tyrone napagastos pa talaga ako sa taxi dahil ang layo nitong hotel sa Opisina nya...
" Kumain kana!" sabay ngiti nya.
Ang gwapo nya rin talaga pero iba pa rin talaga ang dating sa akin ni Tyrone, yung boses nya palang eh iba na ang bilis ng t***k ng puso ko.
" By the way my name is Philip may I know your name???" Pagpapakilala nya sabay lahad ng kanyang kamay para sa shake hands.
"Ako nga pala si Bethany, ang sarap pala ng mga pagkain dito kaya lang
ang mamahal." Sabay ngiti ko sa kanya tinanggap ko rin ang kanyang kamay. Grabe bigla akong nakuryente, naramdaman nya rin kaya yun?
Di na sya kumibo pero may napansin ako sa kanya...
Nakatitig lang sya sa akin??? Bakit kaya???