1
Lakad takbo ang ginawa ni Lyla para mahabol ang bus na papuntang Baguio.
Gusto na nyang makalayo sa lugar kung saan pakiramdam niya ay walang nagmamahal sa kanya.
Sa lugar na isang mabagsik na tiya niya ang nagpalaki sa kanya. Kahit pa na tiya niya ito ay ni minsan hindi niya naramdamang kadugo niya ito.
Mula ng mamatay ang mga magulang niya sa isang aksidente ay ito na ang nagpalaki sa kanya, ngunit halos araw araw ay binubuhatan siya nito ng kamay.
Kahit sa simpleng pagkakamali niya ay abot langit na ang galit nito sa kanya.
Ngayong nagkaroon siya ng pagkakataon ay hindi na siya nag,atubili pang umalis sa poder ng kanyang tyahin.
"lord sana gabayan nyo po ako, kayo na pong bahala sa akin" taimtim na dasal ni Lyla ng maabutan ang papaalis ng bus.
Alas dos ng hapun ng dumating sila sa terminal ng bus.
Namangha siya sa ganda at preskong hangin pagbaba niya.
At dahil sa maaga pa naman at maganda ang panahon, nagpasya siyang maglakad lakad nalang muna, tutal wala naman siyang alam na pupuntahan at kung saan tutuloy.
"Ang ganda naman dito, sana taga rito ang mapapangasawa ko para dito na ako titira.." nangingiting ideya ni lyla.
panu naman siya makakapag asawa eh napakasungit niya pagdating sa mga lalake at kahit boyfriend e wala..