CHAPTER 6

2444 Words

Maaga akong nagising kinabukasan upang maghanda para sa pananabutahe namin sa transaksyon na magaganap sa pagitan ng Black Dragons at mga child sellers ng black market. Kasalukuyan akong naglilinis ng baril sa living area nang mag-ingay ang buzzer ng aking condo. Nangunot ang aking noo at napatingin sa aking suot na relong pambisig. Ang aga naman 'ata ni Shiela. Then another idea came in my mind. Napailing nalang ako at napahinga ng malalim bago itinago ang aking mga gamit. Pagkatapos n'yon ay saka ko tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang nag-iingay sa labas. "Dela Merced," simpleng tawag ko sa kan'yang pangalan. Pinasadahan niya ang aking kabuuan at tipid na ngumisi. "Buti naman at maayos ka nang lumabas ngayon," aniya. I rolled my eyes and leaned on my door. "Anong kailangan mo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD