It's been two days. Dalawang araw ko nang iniiwasan na magpanagpo ang landas naming dalawa ni Jairon. Palagi akong nakikiramdam sa condo unit niya sa tuwing lalabas ako para hindi kami magkita. "Napa'no ka? You look stress." Puna sa 'kin ni Noella. Nandito siya sa opisina ko upang planuhin namin ng maayos ang pag-atake na magaganap sa susunod na mga araw. I took a deep breath and leaned on my seat. Hinilot ko ang aking sintido at marahan na napailing. "Works," tipid kong tugon. Work? Trabaho bang problemahin si Jai? "You should take a rest. Hindi na maganda itsura mo. Daig mo pa ang hindi nakatulog ng ilang araw," nakangiwing saad niya. Hindi naman talaga ako nakatulog. "Yeah, kailangan ko muna nga siguro magpahinga." Pagsang-ayon ko sa kanya. "Alis na 'ko. Iiwanan ko itong kopya