PROLOGUE
“Iiwan mo lang din pala ako gaya ng ginawa nila? Bakit? Bakit ka pa nangako?”
Punong-puno ng sigawan ang nabuo sa lugar kung saan kami naroroon ni Julia. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala mula sa mga narinig ko sa kaniya. Paano niya nagawang paibigin ang isang katulad ko pagkatapos ay iiwanan din pala niya akong salat?
Wala akong ibang nagawa kundi ang lumuha nang lumuha. Hindi ko inakalang masasaktan ako nang ganito. Hindi ko inakalang manghihina ako nang dahil lang sa isang tao — nang dahil lang sa isang babae.
“Kulang pa ba ako sa 'yo?” nanghihina kong tanong sa babaeng nasa harapan ko ngayon na walang ibang ipinakikitang emosyon.
Para bang wala siyang pakialam at hindi siya nakararamdam ng kahit katiting na konsensya sa mga ginawa niya sa akin.
Pagkatapos kong ibigay ang lahat, malalaman ko na pinaglaruan niya lang ako. Pagkatapos kong ialay sa kaniya ang lahat-lahat ng sa akin, saka ko malalaman na isa lang pala akonh laruan para sa kaniya.
“Julia, gusto ko lang na sabihin mo na nagsisinungaling ka, na hindi totoo 'yong mga nakita ko, pakiusap...”
Hindi ko inakalang magmamakaawa ako ng ganito para lamang sa pagmamahal pero mukhang gagawin ko ang lahat para mahalin lamang ako ni Julia.