CHAPTER 16 “I’m sorry. Kailangan na talaga nating palayain ang isa’t isa.” Nasaktan ako sa kanyang pakiusap. Palayain? Hindi ako makapagsalita na para bang nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari. Ni hindi ko nga alam kung tama ba ang mga naririnig kong sinasabi niya ngayon sa akin. Nauna pa nga akong naluha kaysa sa makapagsabi ng kahit na anong kataga. Naramdaman ko ang nanginginig niyang kamay na humawak sa aking mga kamay. Tinignan ko siya. Katulad ko, lumuluha din siya. "Bakit? May kasalanan ba akong nagawa sa'yo?" garalgal kong tanong. "Wala kang kasalanan, Sheine.” “Pero bakit? Akala ko okey natayo. Bakit bumaik na naman tayo dati? Bakit ba lagi mo akong sinasaktan ng ganito. Kung may kasalanan ako, sabihin mo, nang maayos ko.” “Tulad ng sinabi ko, wala kang kasalanan. Hindi mo