Chapter 19 Nanlamig ang buo kong katawan. Para akong unti-unting nalulubog sa buhanginan. Nakaramdam ako ng hirap sa paghinga. Wala akong maapuhap na isasagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol si Daddy. "Sheine, anak ako ng rebeldeng kalaban ng Daddy mo. Ibig sabihin nu'n, rebelde din ako. Pinatay ng Daddy mo ang tatay ko sa mismong harap naming magkakaSheineid. Memoryadong-memoryado ko ang mukha ng Daddy mo kahit pitong taong gulang lang ako noon. Akala ko kaya kong tanggapin iyon dahil nga sobrang mahal kita. Pinilit kong kinalimutan ang galit ko sa Daddy mo dahil sa pagmamahal ko sa'yo ngunit nitong bakasyon lang, pagkagaling ko sa inyo, kaSheineid kong babae ang binawian ng buhay. Mga tauhan ng Daddy mo ang pumatay sa kanila. Ngayon Sheine, sabihin mo sa akin kung