CHAPTER 23 Madilim-dilim na nang umuwi ako. Pagliko ko sa isang mabato at magubat na daan malapit na kina lola ay may humarang sa akin na limang nakaboneteng kalalakihan. Kailangan ko silang hintuan dahil naglagay sila ng harang sa dadaanan ko. Iniatras ko ang motor ko para iwasan sila pero hinawakan ako ng isa pang lalaki sa likuran ko. "Ano hong kasalanan ko sa inyo?" nanginginig kong tanong. "Sumama ka sa amin!" “Ho? Bakit ho? Anong kasalanan ko sa inyo?” “Basta sumama ka. Anak ka ng sundalo, hindi ba?” “Hindi ho? Sino ba kayo?” mangiyak-ngiyak na ako. Nanginginig na ako sa takot. Nang sigurado akong mga tulisan nga ay sinikap kong sumigaw pero parang nanigas ang aking dila sa bilis ng mga pangyayari. May dumating na sasakyan. Hinawakan ako at mabilis nila akong pinasakay. Maayo