ZORO: NAPAPAGALA AKO NG paningin sa kabuoan ng Edzel restaurant namin kung saan kami nananghalian ng asawa ko. Yes. Asawa ko. Asawa ko naman kasi talaga. Asawa ko, ang amo ko. Lihim akong napapangiti na iginagala ang paningin sa paligid. Wala pa ring pinagbago ang lugar. Katulad pa rin siya noong huling punta ko dito. Isang taon na rin ang nakakalipas. Napatitig ako ditong abala sa laptop nitong dala-dala dahil sa dami ng trabaho nitong nakatambak sa opisina. Alam kong magagalit siya kapag nagtapat na ako sa kanya. Kung sino ba talaga ako. Pero gusto kong subukan kung gaano katatag ang pagmamahal sa akin ni Liezel. Kung hanggang saan, kung hanggang kailan. Kaya nagpapanggap ako. Sa dalawang katauhan. ***** NAGISING AKO isang umaga na naaalala ko na ang lahat-lahat! Mula sa pagsabog