Chapter 9 Gemma’s Pov NAKASIMANGOT akong naglilinis sa kwarto ng sir ko na napaka feeling. Sarap pektusan ng mata niya kung alam lang niya. Pasalamat siya at nagtitimpi lang ako dahil amo ko siya. Kung hindi talaga ay baka matagal ko ng tinadyakan ang ilong niya. Nimal siya! Balak ko nga sanang hindi ayusin ang paglilinis ng kwarto niya pero baka malaman niya at palayasin niya ako. Baka pagsisihan ko pa na gumanti ako sa kanya. Wala akong power na gumanti sa kanya ngayon. Kilikili power lang ang meron ako kaya wag ko ng subukan talaga. Baka matulog ako sa gilid ng kalsada at maging tropa ko ang mga batang hamog. Hindi ko na pinalitan ng bedsheet ang kama niya dahil hindi man siya nagsabi napalitan ko. Malay ko ba sa kanya. Baka pag ginalaw ko kama niya ay baka pagalitan na naman ak