Chapter 1

1220 Words
Nagising ako dahil sa alarm ko. Agad ko itong pinatay at binalak na matulog na lang muli. Pero naalala kong first day of school pala ngayon kaya nagmadali akong bumangon at tumungo sa banyo. Naligo ako at pumunta na sa hapag-kainan. There I saw my father and brother eating. Nakita nila ako kaya agad silang humanda ng pinggan at pagkain ko. Napangiti naman ako sa kanilang ginawa. "Good morning, Pa, Mot-mot." I kissed my father's cheek and teased Mot-mot. "Good morning rin nak, kain ka na." Agad naman akong lumamon ng pagkaing hinanda nila, o baka si Mama nagluto nito. 'Di naman si Papa marunong magluto eh, ako rin. Speaking of Mama... "Pa, nasan si Mama?" Tanong ko kay Papa habang nagsasalin ako ng orange juice sa baso. "Umagang umalis nak, nagmamadali nga at baka maagawan na naman siya ng puwesto sa palengke." Napatango na lang ako kay Papa at nagpatuloy na kumain. Si Mama ay nagtitinda ng mga gulay at isda sa palengke habang si Papa naman ay isang sabungero, pero kahit gano'n lamang ang mga trabaho nila, masaya pa rin naman kami sa buhay namin. Simple lang at iyon ang gusto ko. Pagkatapos naming kumain ay humanda na kami upang pumasok. Grade 11 na ako habang si Mot-mot naman ay grade 7, kaya nasa iisang school lang kami pareho. "Papa, alis na kami!" Sigaw ko habang nasa bakuran si Papa, baka nagloloving-loving na naman sila ng mga manok niya. "Sige anak, mag-iingat kayo!" Sigaw niya pabalik. "Opo! Mot bilisan mo." I said while walking. "Si ate nagmamadali, ang aga-aga pa oh." Pinakita niya ang relo niya sakin, napangiti naman ako dahil talagang iniingatan niya ang niregalo ko sa kaniya. Inakbayan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kami sa pinaparkingan ng mga tricycle ay agad naman kaming nag-unahan na makasakay sa loob. Pero syempre talo siya, ako lang ang nakasakay sa loob dahil meron nang pasaherong nakaupo. Walang choice si bunso kaya sa back ride siya mauupo. Nilingon ko ang katabi ko at nagulat ako hindi dahil sa magkapareho naming school uniform kundi sa kagwapohan niya. Snap out, Alessia! His gaze immediately landed on me, and I panicked. I diverted my gaze away from him and minded my own business. His eyes are beautiful—electric blue. Wait, why do I feel like he's HIM? Mabilis ang takbo ng sasakyan kaya nililipad nito ang mahabang buhok ko. Hindi ko iyon matali dahil hinahawakan ko ang bag at envelope na naglalaman ng mga requirements ko. Nagulat naman ako nang may umayos ng buhok ko, nilagay niya ito sa kaliwang balikat ko at hinawakan upang hindi na liliparin. I looked at him in shock but he just stared at me. Hindi ako makahinga dahil sa gulat, parang umurong tuloy yung dila ko. "T-thank you..." Pasalamat ko nang tuluyang huminto ang sasakyan. Tumango naman ito at naglakad na papasok ng gate matapos makabayad. Nakita ko naman ang mapang-asar na tingin ng kapatid ko. Agad ko naman itong inirapan at nagbayad na lang kay kuyang driver, nagmamadaling lumakad para maiwasan ang pang-aasar ni Mot-mot. Pero takte, nakaabot pa rin siya sakin. Sabagay ang lalaki ng mga hakbang nito, tangkad eh. "Ikaw Ate ha, nakita ko 'yon." Pinaalon niya ang kilay niya habang may mapang-asar na ngiti sa mga labi. Inirapan ko lamang siya at patuloy na naglakad. Potek, pero in fairness ha... Haba talaga ng hair ko. "Pa'no yung utal, Ate? T-thank you..." Ginaya niya ang pagkakasabi ko kanina at tatawa-tawa sa mga sinasabi niya. Lord, bakit mo po hinahayaan na maging baliw si Timothy, ibalik niyo na po siya sa dati at baka mapagalitan ako ni Mama at Papa... Hinatid ko muna si Timothy sa kaniyang silid-aralan bago ako tumungo sa building ng STEM. Gosh, kailan pa kaya matatapos tong paghihirap ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay agad akong nilapitan ng kaibigan kong si Macky. "Uy, Isay! I missed you!" Sigaw nito at niyakap ako. OA talaga nito, parang hindi pumupunta sa bahay halos araw-araw eh. "Kagagaling mo lang kahapon sa bahay, Max, ah?" Tanong ko at naghanap ng maaaring upuan. "Dito ka, Isay, sa tabi ko!" Tinuro ni Max ang nasa tabi niyang upuan. Umupo naman ako do'n matapos inayos ang bag ko. Nilagay ko ang kamay ko sa baba ko at tiningnan si Max habang matamis na ngumiti. "Best may-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya. "Alam ko na ang ngiting 'yan Best... Pogi ba?" Tanong niya. I can feel my cheeks burning. "Yes... Pero I have this feeling na siya si Klyde? Magkahawig sila, Macky! Their eyes are also the same. What if it's really him? Max..." I nervously said. Klyde is my childhood best friend — na sumama sa kaniyang Mommy doon sa New York. Kinuwento ko naman sa kaniya ang lahat ng mga detalye tungkol kay Mr. Poging blue eyes kanina. Panay naman ang hampas niya sa akin tuwing kinikilig siya. Kawawa naman ako. Hindi nagtagal ay dumating na ang guro namin. As usual, magpapakilala muna dahil first day ng klase... Our class went well. Wala kaming ginawa kundi ang magpakilala at sumali sa mga activities na ginawa ni Mrs. Reyes. Naglalakad na ako patungo sa canteen para makapagmeryenda nang may biglang umakbay sa akin. "Dahil hindi mo ako hinintay, bibilhan mo ako ng pagkain, diba Ate?" sabi ng makulit kong kapatid. "Eh? Hihintayin naman sana kita ah!" I complained. "Sige na Ate, bilhan mo na rin tong si Kuya Thairus!" At may kasama pa talaga siya. Thairus?! Teka, baka magkapangalan lang sila. God, help me. "Sinong Kuy-" Someone cutted me off. "No thanks, I can buy my own food Timothy." Bigla namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanyang pamilyar na boses. I immediately averted my gaze at him. And I'm not mistaken! Si Mr. Poging blue eyes nga! "Ikaw bahala Kuya." Timothy said and just shrugged. While I'm... still speechless. MAGKAKILALA NA SILA AGAD?!! LIFE IS SO UNFAIR!! Pero at least alam ko na ang pangalan niya, hindi nga lang full name pero okay na yun. I need to know about him more, so I would know if he's truly Klyde or not. Thairus. Gosh, magkapareho na nga sila ng mga mata, tapos pangalan pa? Our classes resumed, and I'm just here sitting in my chair while his name continues to resound in my mind. Thairus. Thairus. Thairus. "Uy beh! Uwian na!!" Nagulat naman ako sa sigaw ng best friend kong mukhang nakalunok ng microphone. "Oh, ano? Iniisip mo na naman ba ang poging nakasabay mo na akala mong siya si Klyde? Hay naku! Move on na bhie!" Naku, marites talaga tong isang to. "Wala, wala. Tara na nga, may pupuntahan pa ako eh." Pagbalewala ko sa pangungulit niya. Sumakay na kami nina Mot-mot, pero as usual, nagpaiwan na naman ako sa paborito kong lugar di kalayuan sa bahay namin. Plano ko kasing dito na muna para makapagsulat ulit ako ng kanta. Pero... I was so shocked when I saw the door already open! Lagot ako nito sa may-ari, sakin pa naman ipinagbilin ang kubong to. It wasn't the only one, though, that surprised me. I spotted someone reading a book on the couch as soon as I entered through the door! What astonished me even more is that... He's there! WHY IS HE HERE?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD