BERNADETTE "WHAT are you doing here?" she asked. Bakit niya ako tinatanong na para bang wala akong karapatan na makita siya sa lugar na ito? "Mom?" nagtatanong ang aking tono nang sabihin ko ito. Lumuwag ang yakap ko sa kanya nang unti-unti kong maramdaman na malamig siya sa akin. Para siyang ibang tao, parang hindi siya ang mommy na nakilala ko nang bata pa ako. "I said, what are you doing here?" strikto niyang tanong. Napatingin ako sa mga tao na nasa conference hall, some of them are the board members of the company, ang iba naman ay stakeholders who play vital roles para sa ikatatatag at ikauunlad ng aming kompanya na pinaghirapan ng aking daddy throughout his whole life. Bumalik ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang seryoso niyang mukha. She's also wearing formal ang company