BERNADETTE KINAUMAGAHAN, nagising ako dahil sa nakasisilaw na sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto ko, nakasara naman iyon kagabi ngunit bakit bukas na? Ramdam ko ang pananakit ng mga hita ko dahil sa nangyari kagabi. Gayunpaman ay mayroong ngiti sa aking mukha nang dahil sa bagay na iyon. Bumangon ako at nakita kong alas nuwebe na pala ng umaga, kaya't medyo mataas na ang sinag ng araw. Nag-inat muna ako ng katawan bago ako bumaba sa kama at isinuot ang aking tsinelas. Napangiti ako nang agad kong makita ang aking repleksyon sa malaking salamin, nakasuot ako ng nighties na dress dahil iyon lang ang madaling isuot sa lahat ng nakahandang pwede kong suotin kagabi matapos ang mainit na eksena sa banyo. I wonder kung sino ang naglinis sa lahat ng kalat sa kusina kagabi. Naghilamos mu