Chapter 2: Muse

1996 Words
"E, 'yang bruhang 'yan. Naghahanap ng away. Siya na nga 'tong may kasalanan may gana pang manghamon." Imbis na maliwanagan ay nalito pa ang officer. "Sinangga ko po ang bola. Hindi inaakalang matamaan siya. Kapag hindi ko po 'yon ginawa mas malaki ang damage, base sa speed at lakas ng hampas, mababasag ang jealousy." Tinitigan niya ako. Sinalubong ko ang maitim niyang mata. Inilipat niya ang mata sa lalake. "Mind to explain, kung ano 'yong naabutan ko." Sumimghal siya. He crossed his arms. "Ha! Sige, mangatwiran ka!" "Ch-in-eck niya lang po kung totoo ba ang buhok ko. Hayaan niyo na po, gusto niya lang mahawakan ang dream hair niya." Kumunot ang noo ng officer. Humagikhik ang umawat sa amin. Nabitin nga lang ng umambang susugurin ako ng lalake. Hinawakan siya ng dalawang kasama. "Hoy bruha, mahiya ka naman sa pinagsasabi mo kahit sino walang mangangarap at maiinggit niyang buhok mong feelingera ka!" "Gusto kong palagpasin ito since first day ngayon at nakakahiyang freshmen pa talaga ang unang ma-guidance pero sa mga reaksyon niyong iyan malabong magkakasundo kayo." "Hali kayo, sa guidance ngatin niyan i settle." Mariin akong napapikit. Pagdilat ko, naabutan ko ang pag-irap ng lalake. Goshhh, mukhang bibinyagan pa namin ang guidance office. "May extra ballpen ka, Raven?" Narinig kong tanong ni Kieran. May pagsusulit kami tapos 'tong katabi ko nanghihiram ng ballpen. Studyante walang ballpen? Para saan pa ang pagpasok niya kung wala siyang ballpen na pangunahing kagamitan sa pag-aaral? Maiintindihan ko sana kung walang wala siya pero hindi e. Sinulyapan ko ang malaking back pack niya. Ano lang ba ang laman niyan? Racini tapos walang pambili ng ballpen? Ipinatong ko ang kamay sa arm rest niya. Hawak ang extra ballpen na kinuha ko sa bulsa ng bag. "Thank you." aniya. Nagsimula na ang quiz. Unang tanong palang may mata ng hindi mapakali. Imbes na nakafocus sa papel niya nasa gilid ito para makita niya ang sagot ng katabi. Nasa harap ko sila at kitang kita ko ang pangongopya ni Raven kay Zorione. Sa akto. Bilib nga naman ako sa katapangan ng mga ito mag cheat sa harapan ng teacher. May isa pa ditong halos matanggal na ang leeg kaka-stretch. Pinipigilan kong matawa sa sitwasyon nila. Mga panuway man ning tawhana, uy. Ako lang nahihirapan sa pinaggagawa nila. Nag grade 7 nalang nangongopya parin. Dahan dahan lang bai, baka pati pangalan makopya niyo. I find it funny at the same time sad. The school lose it's purpose. The students who are here to learn didn't learn anymore. And I think that's the reality. This is the reality when students go to school as responsibility and not eagerness. This is reality when students are schooled as obligation not dedication. This is reality when students treated school as a past time and to simply brag they are schooling. This is the reality when students act they know more than what you know. This is the reality when students hope to graduate not to learn. This is the reality when students motivated to go to school to see their crushes than what will they gonna look forward too. This is the reality when students want to graduate early than to see what more to learn. This is the reality when students excited to get diploma than knowledge. This is the reality when leaving school is their dream. This is reality. "Hands up" Itinaas ko ang mga kamay. Sumulyap ako sa papel ng katabi. Wow. May sagot siya lahat. Iba talaga kapag kinopya. "Pass your paper." Pinasa ko sa harapan ang papel. Maya maya lang lumabas na ang teacher. Nagsimula mag ingay ang mga kaklase ko. Most of their topic is about the teacher. I nap in my arm chair trying to close my ear. Ang ingay. I did my best to get a sleep but their loud mixed voices is a great distraction. Sounds like a unfamiliar music with gibberish lyrics and awful tone. Damn, it suck! Let me sleep! Someone poke me. Naiinis na nagkukunwari akong tulog. Tinapik niya ako. Naiiritang pinikit ko ang mga mata. Leave me alone, you asshole! "I know your awake. Maglinis kana. 'Di kita ililista." Tamad akong umahon. Group 4 pala ngayon. Nakalimutan ko. Tumayo ako. "Arranged the chair." utos niya. Tumango ako. Zorione is Group 4 cleaner's leader. May apat na babaeng may hawak na walis, isa na kakalabas lang dala ang dust pan, tatlong lalake na nagaayos ng upuan bawat row. There are 4 row, and the last row where we seat, remain untouched. Inayos ko isa isa ang mga wooden arm chair. Ch-in-eck ko pa ang sahig kung nawalisan na. Nag floor wax na kami noong lunes kaya hindi na ngayon. Nauna sila matapos sa akin kaya tinanong ko pa si Kieran bago sila umuwi. "Ang ballpen ko?" Huminto siya at iginala ang mga mata sa kanyang upuan. As if searching something. Nakasuot na ang back pack sa likod niya, handa ng umuwi. Why search in your bag instead? Pinanood ko siyang pilit inalala ang bagay na hinihingi ko. Ng hindi makita ay nagkibit balikat siya. Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy ang pag-aayos. Narinig ko pa ang busina ng motor ng kuya niya. Padabog na inayos ko ang upuan. Late ko ng na realize na di pala ako nag-iisa. There, sitting Zorione in his arm chair while watching me carefully. He raised a brow. "Is that allowed?" "What?" "Sitting in the arm chair?" Umalis kaagad siya sa pagkakaupo. "Oh... no." Hinayaan ko munang makalabas siya bago ko inayos ang katabi niyang upuan. Now I know why Raven want to change seat with me. Our seating arrangement is alphabetical order. First letter of surnames. Mangongopya siya. Maybe they know each other before and he know that he have a pretty mind that's why he insist to sit beside him. How lucky of him. Yung katabi ko wala akong makokopya. Ganda lang inaatupag di pa marunong magsauli ng hiniram. Ito, almost perfect package: talented ug utukan. "Gusto mo bang ihatid ako?" "Ha?" wala sa sarili kong sagot. "Ihatid ako." he repeat. "magkapit-bahay lang tayo if you don't know. Sabay na tayo?" Struck to his word I couldn't reply back quickly. "Ah, sure, no problem." Kinuha ko ang bag ko at isinabit sa balikat ko. Hinintay ko siyang mag lock ng room bago kami nagpatuloy mag lakad. Tahimik kaming naglakbay sa gilid ng kalsada kasabay ng mga sasakyang dumadaan. Napadikit ako sa kanya ng may malakas na nagserbato. Isang malaking truck ang dumaan at nagsiliparan ang iniwan nitong alikabok. Zorione blocked it with wide jacket that wear only by his one arm in front. Still may nalanghap parin. Umubo ako. "Are you okay?" I nod obediently. "Let's exchange." We swiped spot. He's now in the left, I'm in the right. Hinubad niya ang kanang sleeve ng jacket na nakasuot sa isang braso niya. He give it to me. "Don't bother. I'm fine." He still give it to me despite of what I said. Tinanggap ko. Papalabhan niya ba ito? This is not a shield materials but he used it to cover us. A little gratitude will do. I dryer ko nalang 'to. We stop when we reach his house. It's two storey concrete building and the first floor is sari-sari store. I bid goodbye to him and started to walk the distance of our house. Binuksan ko ang cyclone gate. Lola's house is made of hardwood. 2 storey. Fully furnished and our surroundings is full of flowers. That's Lola past time. Gardening. Umakyat ako sa sementong hagdanan patungo sa balkonahe ng ikalawang palapag. Diyan ang main door namin kaysa sa baba. I don't know why. But I like the idea because you can watch people who passed by. Ayaw ko lang pahirapan si Lola umakyat baba dahil matanda na siya. "Nandito na ako." mahina kong pagbigay alam habang tinatanggal ang sapatos at medyas. Inangat ko ang ulo para siguradohin kung may tao ba, wala kasing sumagot. Malapit sa bilugang lamesa, nandoon si Lola Alice, nakaupo sa rocking chair at mahimbing ang tulog. Magmamano ba ako? Baka madisturbo ko? Sa huli hinayaan ko nalang. Lalabhan ko 'tong jacket. Hindi pa ako nakakalayo ng magsalita siya. "Ano yan Jasmayne, walang galang lang? Buti pa yong aso wawagayway pa ang buntot pag nakakita ng tao." Sabi ko na nga ba. Bumalik ako. Kinuha ang isang kamay niyang nakapatong sa rocking chair. "Mano po, La." sabi ko sabay mano. Bumukas ang mata niya. Tinitigan ako. "Lumalaki ka yata na walang modo, ah?" Napayuko ako. "Nag-iisang anak ka lang ng bunso ko. Ikaw ang pinakabata sa lahat ng pinsan mo, ikaw pa 'tong walang respeto. Saan mo yan natutunan? Sabagay, walang galang din yong ina mo, mana sayo." Mas lalo pa akong yumuko. "Magbihis kana. At mag luto ka ng haponan." Tumango ako. Pagkaalis ko do'n, dali dali kong kinalas ang butones ng pang-itaas. Kulay white ang uniporme pangitaas. Ruffled button down bell long sleeve. At Pekeng perlas na mga butones para sa mga babae ordinaryo butones naman sa mga lalake. Ang pangibaba namin ay black floor-length plated skirt. For the foot, I wear doll shoes and a pair of ruffled white sock. Nagsaing muna ako at nagluto ng ulam bago ako pumunta sa poso para maglaba. Inuna ko ang jacket ni Zorione at binabad muna ang labahanko. Dalawa lang ang uniporme ko kaya kailangan labhan agad. Inamoy ko ang jacket niya. Nag co-cologne ba siya? Perfume? Mas lalo ko pang inilapit. Dapat yata inamoy ko 'to kanina noong hindi pa nalabhan. Hindi ko na tuloy malaman kung gumagamit ba siya ng pabango o hindi? Napatingin ako sa downy. Lalagyan ko ba. Kinuha ko ang sachet. Naglagay ng katamtaman sa palanggana. Tama lang para matimpla sa tela ang bango. Isinantabi ko muna ang palanngana at hinila ang kinalalagyan ng uniporme ko. Makalipas ang ilang minuto isinampay ko na ang jacket tapos binanlawan yung sa akin at sunod na isinampay. Sa silong ko isinampay ang nilabhan dahil bawal daw paabutan ng gabi o umaga ang mga sinampay sa labas. "Jasmayne, kain na daw." Nilingon ko si Ate Francisca saglit. Tumango ako. Umalis na siya. Napabuntong hininga ako. Baka ma repeat na naman ang scenario kahapon? Sa hapag kainan kasi kinukumusta ni Lola ang araw namin sa school katulad kahapon. "How's your school?" Napatigil si Ate Lang Lang sa pagkain, ang pinakamatanda sa magpipinsang Valdezerra, kolehiyo na siya. Katabi niya si Ate Francisca, ang kababatang kapatid niya, at Ate Mela. "Okay lang naman po La... Kaya pa." pahabol niya. "Asus, pa humble ka pa. Ikaw lang naman tong pinakamatalino sa inyo kaya expected na na gragraduate ka." Umasim ang mukha ni Ate Mela. Nang mailipat ni Lola ang atensyon sa kanya ay umayos ito. She sipped water first before putting it to table. "As usual, Lola. Ako na naman ang napiling muse." Lola, who is so amused, are oblivious to the fuming tension in the dining table. The happines she's feeling of what Ate Mela said is reflected to her eyes. "Owhoa, totoo ba?" "Yes, Lola. Alam niyo po ba pagkatayo ko palang para mag introduce sabi agad ng teacher "uy, may panlaban na tayo sa pageant" nagtawanan ang mga kaklase ko." Humalahakhak si Lola. "Hindi na 'yan katakataka, Mela. Pangalan mo palang nasisigaw na ng beauty queen pano pa kaya 'pag nakita ka sa personal? Your presence scream power and elegance. Your blood scream queen. You alone dominate. No wonder people can quickly guess you're a beauty queen." Ate Mela smile the way Lola compliment her. She then moved her eyes to Ate Rosalie. Nakababatang kapatid ni Ate Mela. "Guess what, Lola?" Nakuha niya ang kuryusidad ng grandparent namin. Lola smile widely. "What?" excited na tanong ni Lola, sabik ng malaman ang balita niya. "Of course, I'm muse too, Lola. Nasa dugo na namin niyan magkapatid, magpipinsan. Nasa lahi natin, Lola." Bumagal ang pagbibigkas niya sa "magpipinsan". Nagaalinlangan siya. "Oh, Pedro's daughter! My two granddaughter are muse!" Mangha mangha niyang sabi. "Include us, Lola" Ate Maia inserted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD