Third Person's POV Katulad ng inaasahan ni Lucas, kinabukasan ay naging ilang sa kaniya si Dani. Hindi ito makatingin ng tuwid sa kaniya, kapag kausap naman niya ito ay kung saan-saan nakabaling ang tingin. Parang naging awkward sa kanila ang magkasama sa iisang bubong. Napakalaki nang bahay ngunit parang naging napakasikip para sa kanila nito, kapag nagkakasalubungan sila ay nag-iiwasan sila. Napabuntonghininga nang malalim si Lucas, aminado siyang kasalanan niya ang nangyari kaya imbes na mahaba pa ang bakasyon niya ay napagdesisyunan niyang umuwi na lang muna sa condo niya. Ilang araw palang naman siyang nasa Batangas, ang paalam niya sa kaniyang pamilya ay mag-a-abroad siya kaya hindi siya makauwi sa kanila. Hindi rin siya maaring pumasok sa trabaho dahil naka-two weeks vacation l