Third Person's POV Pinayagan si Dani ni Lucas na mag day-off kaya itinuloy niya ang naudlot na pamamasyal sa mall palabas palang siya ng gate ng matanawan ni Paul. " Dani! Where are you going?" tanong nito, pupunta sana ito talaga sa kanila para mangapit-bahay. " Sa mall, mamasyal ako pinayagan akong mag day-off ng amo ko," sagot naman niya rito. " Really! Can I go with you?" tuwang tanong nito. Napaisip si Dani. Nakakalungkot nga ang mamasyal ng walang kasama kaya pumayag na lang siya. " Okay, sige," aniya rito. Lumaki ang pagkakangiti ni Paul. Hinawakan siya nito sa braso na hindi inaasahan ni Dani. Napatingin siya sa kamay nito na nakahawak sa kaniya. Parang wala naman iyon kay Paul, inisip na lang ni Dani na sobrang natuwa lang ito. " I'll get the car, wait for me here," binit