Third Person's POV Kinabukasan, maaga pa lang ay bumiyahe na sila Lucas at Dani pauwi ng Batangas. Alas siyete nang umaga ay nasa harapan na sila ng gate ng kanilang bahay. Habang nagjo-jogging ay natanawan ni Paul ang sasakyang papasok sa bahay nila Dani. Ilang araw na niyang hinahap ito at si Sage, nagpabalik-balik siya sa bahay ng mga ito at nagbabakasakali na dumating na. Wala naman siyang ideya kung saan nagpunta ang dalawa at hindi rin naman nagsabi si Daninsa kaniya. Nakaramdam siya ng kasiyahan na matanaw si Dani na papasok sa loob ng bahay karga-karga nito si Sage kaya lang ay napasimangot din si Paul ng makitang nakasunod si Lucas kina Dani at Sage. Naiinis siya sa lalakeng iyon, hindi niya alam kung bakit pero hindi niya gusto kung paano siya pakitunguhan nito. Ipinagpatulo