Third Person's POV "Matapos mag-almusal ay bumalik uli sa paglalaro ang mag-ama. Nang magsawa sa kotse ay naglaro naman sila ng basket ball. Ginamit nila ang ring at bola na niregalo ni Paul kay Sage. " Sir, pwede bang mamalengke muna ako saglit para makapagluto ako ng ulam?" paalam ni Dani sa kaniyang amo. Hindi naman kasi siya namili ng pang-ulam kahapon. Ang pinamili niya ay para lang sa pang-handa ni Sage. " Sige mamalengke ka, ako na ang bahala kay Sage. Magluto ka ng sinigang na baboy para sa tanghalian natin," anito. " Okay, Sir." Nagtungo na siya sa kaniyang silid, may sariling bathroom doon. Naligo muna siya at nagbihis bago tuluyang umalis. Abala si Sage sa paglalaro ng bola kaya naman hindi siya napansin nito na lumabas. Sumaglit muna siya sa mall para bumili ng sapatos