Third Person's POV "Saan tayo pupunta, Sir? Paano kung may makakilala sa inyo sa pupuntahan natin?" nag-aalalang tanong ni Dani. Nakasakay na sila sa kotse ng binata. Natigilan naman si Lucas sa gagawin sanang pag-start ng engine ne magtanong si Dani. "Actually, I am planning to bring Sage to our ancestral house. I have already decided to introduce him to my family and confess to them that I have a child. It's Dad's birthday today, he will be very happy when he meets his grandson." Kagabi ng hindi siya makatulog ay iyon ang pumasok sa isipan niya, tutal wala na naman sila ni Louella at sa tingin naman niya ay hindi makakalabas ang sikreto niya sa kaniyang pamilya kaya naman ito na ang tamang panahon para ipagtapat sa kanila ang tungkol kay Sage. Kinabahan si Dani, natakot siya para s