Third Person's POV Ilang araw na lang ay one year old na si Sage. Nakakapaglakad na ang bata, may nasasabi narin itong ilang salita gaya ng Daddy at nabibigkas narin nito ang Nanny. Abala si Dani para sa birthday celebration ni Sage. Nakakalungkot man pero wala siyang magagawa dahil hindi makakarating si Lucas sa mismong kaarawan ng anak dahil natapat ang birthday nito sa championship game ng Blue Falcon at North Star. " I'll take care of Sage's cake and balloons so don't even think about it. I'll help you cook too," presinta ni Paul. Mabuti pa si Paul laging nakaalalay sa kaniya lalo na at pag tungkol kay Sage. Napamahal narin kay Paul ang alaga niya. " Wala namang bisita si Sage, tayo lang namang dalawa," aniya rito. "Sage reached the age of one year old. We should be thankful and