6 "Hmmm." Naalimpungatan siya sa pakiramdam niyang may nakakatitig sa kaniya. Nagmulat siya at madilim na paligid ang kaniyang nakita. Well, not totally madilim. Medyo dim naman ang liwanag. Liwanag na nagmumula sa lamp shade na nakapatong sa may side table. Nilibot niya ang paningin sa kaniyang paligid. Wait! Hindi ito ang kwarto niya. Dahil unang una, wala siyang aircon sa kwarto. Pangalawa, malambot ang higaang kaniyang hinihigaan. Manipis na foam ang higaan niya sa kaniyang kwarto kaya hindi iyon ganon kalambot. Pangatlo, wala siyang dresser at wala siyang malaking cabinet dahil hindi iyon magkakasya sa kanilang bahay. Sa liit ng bahay nila ay tanging maliit na drawer lang kakasya dito. At ang huli, wala siyang comforter. Tanging kumot na manipis lamang ang meron siya. Diyo