3rd Person POV Kasal. Eto ang naging kahilingan ni Jasper pagkatapos ng graduation niya. Hindi na rin siya nagpa-admit sa ospital, pagod na siya sa hospital bed at mga tube na kinakabit sa kanya during test. Alam niya he is selfish ngunit nais niyang makitang masaya si Rossie. Nais niyang manatili sa alaala ng kaibigan. Natatakot siya na kapag pumanaw na siya ay makalimutan siya ng dalaga o kaya naman ay maging malungkot ito at mawalan ng kaibigan na pagkakatiwalaang muli. “Kasper, makinig ka. Ipangako mo na kahit anong mangyari, hindi mo pababayaan si Rossie kapag wala na ako. I am sorry pero I really want to marry her, even just for a while. I want to let her know and feel that she is a family.” “Jas, she is a family.” “I know, but I want her to become legal Dimitri family.” Para