3rd Person POV Nang makaalis si Elmer, inasikaso ni Rossie ang asawa. Inalis ang sapatos at medyas at inayos ang katawan sa kama. Mabilis siyang kumilos at kumuha ng palangganang maliit at towel. Nilagyan n'ya ito ng maligamgam na tap water at nagmamadaling bumalik sa kwarto. Dahan-dahang pinunasan ang mukha ng asawa. Nang mapunasan ang mukha at leeg ng lalaki, isinunod niya ang mga braso nito pati na ang katawan. Halos hindi makatingin ng deretso si Rossie. Ngayon lamang n'ya nakita ang kahubaran ng asawa. Bago pa lumawak ang kanyang imahinasyon sa mapanuksong tanawin, tumayo siya upang kumuha siya ng damit pantulog at matiyagang pinalitan ng damit ang lalaki. Hindi makatingin si Rossie lalo ng palitan niya ito ng uderwear. Hapong-hapo na napaupo si Rossie sa gilid ng kama, pinusan ng