“Hoy gumising ka na r’yan!”
Agad akong napabalikwas ng bangon ng bigla kong naramdaman ang pagtama ng isang matigas na bagay sa aking noo. Inis kong tinignan kung sino ang lapastangan na umistorbo sa tulog ko at sinamaan ito ng tingin.
“Ano ba ang trip mo sa buhay at kay aga-aga ay nang-iinis ka?” Tanong ko sa kaniya at padabog na muling humiga sa aking kama.
Nakakainis! Alam naman nitong magdamag akong gising kagabi dahil sa bagong update ng binabasa kong manhwa. Wala rin naman akong gagawin buong araw kaya bakit kailangan ko pa gumising ng sobrang aga?
“Are you stupid? Gusto mo ba ma-late?” Tanong nito at naramdaman ko na naman ang paghila niya sa aking kumot.
Kay aga-aga ang lakas ng tama ng babaeng ‘to. Gusto ko lang naman matulog ng mahimbing bakit kailangan niya pa ako gisingin?
“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Tanong ko sa kaniya at pilit na inaabot ang kumot na hinila nito.
Isang beses pa, talagang makakatikim ka na sa akin babae ka.
“Baka nakakalimutan mo na ngayon ang unang araw ng pasukan niyo? Nasa kolehiyo ka na pero hanggang ngayon ay ang irresponsable mo pa rin pagdating sa oras!” Sigaw nito.
Unang araw ng pasukan? Hindi ba at sa susunod na lunes pa ‘yon? Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tinignan ang kalendaryo na nasa gilid lamang ng aking kama. Talagang masasapak ko ang babaeng ito kapag nagsisinungaling ito.
Hindi ko pa masiyadong makita ang mga numero na nasa kalendaryo. Agad kong itinaas ang aking kamay sabay kusot ng aking mga mata. Nang mapansin kong hindi na malabo ang aking paningin ay ibinalik ko na ang aking tingin sa kalendaryo.
February 7.
Teka.
Oo nga pala!
Mabilis akong tumalon paalis sa aking kama at tumakbo patungo sa banyo. Bakit ba nawala sa isipan ko ang tungkol sa pasukan namin ngayon? Kung alam ko lang sana ay hindi na ako nag-abala pa na basahin ang bagong update kagabi.
Kainis naman!
“Bakit ba kasi hindi mo ako pinaalalahanan kagabi!” Sigaw ko sa aking kapatid.
Siya si Kate Abigail Romulo. Ang aking nakakatandang kapatid. Hindi nakapagtapos si Ate sa kolehiyo dahil mas pinili nitong magtrabaho para tumulong sa aking mga magulang at para makapagtapos ako sa pag-aaral. Ayon sa kaniya, ako na lang daw ang pag-asa ng aming pamilya para maka-ahon sa kahirapan at sa mga utang.
Hindi ko nga alam kung bakit ang dami naming utang. Sinubukan ko naman itong alamin pero ayaw naman sabihin nila Mommy at Daddy.
“Pinagsabihan kita kagabi kaso hindi ka nakinig. Ako ba may kasalanan kung ang atensiyon mo ay nasa cellphone mo lang?” Tanong nito mula sa aking silid, “Oh siya, bumaba ka na pagkatapos. Ihahatid ka yata ni Daddy.”
Rinig na rinig ko mula sa banyo ang pagbukas at pagsara ng pinto. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy na sa pagligo. Ilang sandali pa ay na tapos na rin ako, agad akong bumaba at kumain ng umagahan.
“Angel,”tawag ng aking Ina.
“Yes, Mom. I know. I know.” Sabi ko at agad na umupo. Alam kong pagsasabihan na naman ako nito dahil na late ako ng gising.
“College student ka na, Anak. Kailan ka pa ba mag-mamatured sa edad mong iyan?” Tanong nito, “Kaya siguro hindi ka nagkakaroon ng boyfriend dahil diyan.”
Here we go again.
Hindi ko talaga alam kung bakit gustong-gusto na nila akong magkaroon ng boyfriend. I mean, yeah, 21 na ako at nasa tamang edad na para magkaroon ng ganiyan pero masiyado akong abala sa pag-aaral. Isa pa, marami akong kakilala na bumagsak dahil sa mga boyfriend nila, I mean hindi naman lahat pero sa tuwing nag-aaway ang mga iyon ay naapektuhan ang kanilang pag-aaral.
Ayaw ko ng ganoon. Ayaw kong sayangin ang lahat ng sakripisyo nila ate para lamang sa isang lalaking wala namang binigay sa buhay ko.
“Mom, are we going to talk about that again?” Tanong ko sa kaniya at bumuntong hininga.
“Anak, nag-aalala lang kami at baka hindi ka--.” Hindi ko na ito hinayaan pa na matapos na magsalita at tumayo na. Tinignan ko si Dad at sinenyasan na lalabas na ako.
Ayaw na ayaw ko talaga sa lahat ang ganitong usapan. Nagmamadali ba sila?
Inis na nakatayo lamang ako sa labas ng aming gate habang nakatingin sa aking sapatos. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon na lamang sila nagmamadali. Wala namang boyfriend si ate, bakit hindi nila iyon tinatanong? Bakit lagi na lang ako.
“Anak.”
Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ko hinarap ang babaeng tumawag sa akin.
“Mom.”
“Pasensiya ka na at umagang-umaga ayon ang naging usapan natin,”paghihingi nito ng paumanhin atsaka lumapit sa akin, “Huwag kang mag-alala, ayon na ang huling beses na tatanungin kita sa mga bagay na iyon. Okay?”
“Talaga?” Tanong ko rito.
Dahan-dahan naman itong tumango at ngumiti sa akin.
“I’m sorry if I acted that way, Mom,”saad ko at bumuntong hininga.
“It’s okay.”
“Tapos na ba kayong mag-usap? Male-late na si Angel.” Sabay-sabay kaming napalingon ni Mommy sa taong bigla na lang sumulpot sa aming harapan na ngayon ay nakasakay na sa kaniyang motorsiklo.
“Yes, tapos na,”tugon ni Mommy, “Oh siya. Mag-ingat kayo sa biyahe. Mag-aral ng mabuti, Angel.”
“Opo, Mommy!” Sigaw ko sabay kuha ng helmet.
“Oo nga pala. May pag-uusapan tayo mamaya, umuwi ka nang maaga ah?” Sigaw nito. Itinaas ko na lamang ang aking kamay sabay thumbs up. Umagang-umaga ay magsisigawan kami rito.
Agad akong sumakay at tinapik ang balikat ng aking ama hudyat na ayos na ako sa pwesto ko at pwede na kaming umalis. Tumango lamang si Daddy at pinaandar na ang motorsiklo.
Habang nasa biyahe kami ay napatingin ako bigla sa aking relo. May halos isang oras pa naman ako bago ang aking unang klase pero kailangan ko maging maaga para makahanap ng magandang pwesto. Panibagong semester na naman.
“Anak, mag-ingat ka ha? Hindi kita masusundo mamaya at baka mag-oovertime ako.” Sabi ni Daddy pagkababa ko sa motor.
“Ayos lang po. Sasabay na lang ako kela Nina.” Tugon ko at hinalikan ito sa pisngi, “Mag-ingat po kayo.”
Tumango lamang si Daddy atsaka pinaandar na ang motor at umalis.
“Besywasps!”