04

1115 Words
Chapter 04 3rd Person's POV "Hindi mo kailangan maglaba ng mga damit mo kahit maglinis ng room mo dahil may ibang tao na gagawa 'non para sa iyo," ani ni Sandro. Ini-explain ni Sandro na hindi na kailangan gawin ni Bible ang mga bagay na ginagawa nito sa orphanage. "May maglalaba ng mga damit mo, maglilinis ng kwarto at may mga maghahanda ng pagkain para sa iyo. Wala kang ibang gagawin kung hindi mag-aral, kumain, magpalakas at mag-adjust sa bago mong bahay," dagdag ni Keith na nakakunot ang noo. "Gagawin mo pang crime scene ang bathroom ko," ani ni Keith. Tiningnan siya ni Sandro ng masama. Napaismid si Keith. Dating room ni Keith ang room ni Bible. Room niya iyon noong bata pa siya. "Speaking of bathroom ko— nasaan iyong nga dati kong toys at iyong dati kong bathtub?" tanong ni Keith. Tinaasan ni Sandro ng kilay si Keith at sinabing pinatapon na iyon ni Keith. "Wala naman injury si young lady. Okay lang siya," ani ng family doctor matapos ang ilang check up na ginawa nito kay Bible. "Masyadong maliit si young lady para sa 7 years old kaya naman may ibibigay akong mga vitamins at inia-advice ko na masustansyang pagkain lang ang ipakain sa kaniya for the mean time," ani ng doctor. Tiningnan ng doctor si Sandro. "Nais ko din sana makausap ka Mr.Wu, privately," ani ng doctor. Tumingin si Sandro kay Bible na nakaupo sa gilid ng kama. Hindi nagsasalita, kumukurap at nakatitig lang sa kanila. Lumabas na si Sandro at ang doctor ng kwarto. "Old man, mamatay na ba ako?" tanong ni Bible. Napa-pokerface si Keith at lumapit sa bata. Hinawakan ang wrist ng bata at itinaas. "You little s**t. Tawagin mo akong Keith. Kapag hindi ka kumain ng marami iyon mangyayari sa iyo. Katawan pa ba iyan— feeling ko isang ihip ko lang sa iyo lilipad ka na," ani ni Keith at binaba ang kamay ng batang babae. Naalala ni Keith nahawakan niya ang bewang ng batang babae. Napa-pokerface ai Keith. Mas natakot pa siyang madurog niya ang buto ng batang babae kaysa malunod ito sa bathtub like— tabla yata nahawakan niya hindi katawan ng bata. "Hindi ka ba pinakakain sa inyo?" tanong ni Keith. Nilalaro ng batang babae ang daliri niya. "Kumakain ako. Dalawang patatas sa isang araw," sagot ni Bible na kinatigil ni Keith. Napa-what si Keith. "Marami ba 'non dito?" tanong ni Bible at tiningnan si Keith. "Kailangan ko ba kumain ng maraming potatoes para lumaki agad ako?" tanong ni Bible. Sinabi ni Keith na meron patatas sa kusina ngunit hindi iyon pwede kainin ni Bible. "Why? Kasi— kasi nasira ko iyong timba?" tanong ni Bible. Napa-pokerface si Keith. "Bathtub iyon hindi timba. Isa pa kahit pa masira mo iyon pwede ako bumili ng maraming ganoon," sagot ni Keith. Sa kusina, Kinagat ni Keith iyong hawak na patatas. Hinugasan niya muna iyon bago kinagat. Naidura niya iyon matapos hindi niya magustuhan ang lasa. "Anong ginagawa mo Keith?" Napatigil si Keith at lumingon. Nakita niya si Sandro na may pagtatakhang nakatingin sa kanya. Nakatingin si Sandro sa hawak ni Keith na patatas. "Sa pagkakaalam ko maraming foods sa fridge, hindi pa din naman bumabagsak ang kompanya at araw-araw ka may allowance sa credit cards mo. Are you nuts?" tanong ni Sandro. Naibaba ni Keith ang patatas at ngumiwi. "Look you misunderstand something. Sinabi ni Bible na papatas lang ang kinakain niya sa orphanage. Tinikman ko lang ang lasa at ang pangit ng lasa," ani ni Keith. Napa-pokerfafe si Sandro at pumasok sa kusina. "Sana naman kasi naisipan mo kahit lutuin iyong patatas," ani ni Sandro. Kinuha niya iyong patatas na kinagatan ni Keith at tinapon sa basurahan. "Kung sinabi iyon sa iyo ni Bible then totoo ang hinala ng doctor na nakakaranas ng pang-aabuso si Bible," ani ni Sandro. Napatigil si Keith. "Saan mo ba napulot ang batang iyon. Gusto ko din malaman kung bakit kailangan ang batang iyon maging asawa ko. Pwede ka naman maghanap ng kasing edad ko, maganda, mahinhin tapos sexy. For god's sake bakit bata?" iritable na sambit ni Keith. Napa-pokerface si Sandro at tiningnan si Keith. "Bata ka pa din naman hindi ba?" ani ni Sandro. Napahilot si Sandro sa sentido. "May childhood bestfriend ang mommy mo. Nagkaroon sila ng pangako na ang magiging anak ng bestfriend niya na iyon ay magiging asawa mo," ani ni Sandro. Sinabi ni Keith na modern era na iyon. "Uso pa ba ang arrange marriages? Iyon ang nakukuha ni mommy sa panonood ng mga korean dramas sa t.v eh. Hindi niya 'man lang naisip ang dignidad ng anak niya," ani ni Keith at tinungkod ang dalawang braso sa lamesa. "Paano pala kung naging lalaki si Bible. Iyon ang ipapakasal niya sa akin?" tanong ni Keith na salubong ang kilay. Napansin ni Sandro na habang patagal ng patagal pa-nonsense ng pa-nonsense ang usapan nilang dalawa. "Balik tayo sa topic. May paso ng sigarilyo ang ilalim ng talampakan ni Bible at ilang peklat sa likuran na hampas ng belt," ani ni Sandro. Napatigil si Keith. Napatingin si Keith kay Sandro. "Hindi ba sinabi mo sa akin na parents ni Bible ang may ari ng orphanage?" tanong ni Keith. Ngayon na-realize niya iyon bakit ganoon ang hitsyura ni Bible noong pumunta doon. Hindi umimik si Sandro. Sumalubong ang kilay ni Keith. Tumalikod si Keith at naglakad palabas ng kusina. "Saan ka pupunta?" tanong ni Sandro. Sinabi ni Keith na tatawagin niya na si Bible para kumain ng dinner. Naiinis si Keith in some reason paano nagagawang gutumin si Bible ng sariling mga magulang at saktan ang maliit na katawan nito. Pagtungo ni Keith sa pangalawang palapag nakita niya si Bible. Nakatingkayad at sinasara ang pinto. "Ang bagal mo. Kanina pa nakahanda ang pagkain sa ibaba," ani ni Keith. Parang manika na naglakad palapit ss kaniya si Bible. "You are so noisy old man," reklamo ni Bible. Napa-pokerface si Keith at pilit na ngumiti. Tinaas nito ang kamao. Iyong awa niya kanina napalitan ng inis. Gusto niya biglang bukulan ang batang babae. Nakita niya na paisa-isa itong hakbang bumababa ng hagdan. Nalaman niya kay Sandro na ayaw nito nagpapabuhat. Ngumisi si Keith. Agad na bumaba si Keith at binitbit si Bible. Sinampa niya ito sa balikat at tumakbo pababa. Napasigaw ang batang babae. "Anong— Keith Pittman!" sigaw ni Sandro. Nakita niya na buhat ni Keith si Bible na parang tinakasan na ng kaluluwa. "Takot sa height si Bible— for god's sake Keith," ani ni Sandro na napasapo sa noo. Napangisi lang si Keith. "Hindi mo iyon sinabi ahm— baka nakalimutan ko?" ani ni Keith at inosenteng tiningnan si Sandro na nakataas ngayon ang kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD