NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
Kalalapag pa lang ng kanyang sinasakyang Gulfstream G650ER private jet ay parang gusto nya utusan ang piloto na pabalikin ito sa Australia. Pero he has no choice. Bakit? Well, dito lang naman kasi nasimulan ng kanyang grandparents na minana pa ng kanyang daddy na si Don Mario de Ayala, ang lahat ng meron sila. Dito nagsimula sa bansang Pilipinas. Napailing sya. Hiniling kasi ng kanyang daddy na sa Pilipinas muna mag stay nang makatapos sya ng kursong MBA sa Business School ng The University Of Melbourne. Naiinis sya, kapag nandito sya sa Pilipinas wala syang kalayaan, kahit saan sya magtungo laging may nakasunod sa kanyang bodyguard. Unlike kapag nasa Australia sya malaya syang nagagawa ang mga gusto nya.
Para saan at gusto pa sya ng daddy nya mag stay ng matagal? Wala pa syang balak pasukin ang mundo na ginagalawan ng kanyang daddy. Dahil sinunod nya ang gusto nito na tapusin ang kursong MBA sa isang sikat na Business School sa buong mundo sana naman pagbigyan muna sya ng kanyang daddy na wag muna pasukin ang mundo nito. Alam naman nya kung bakit sya nito gusto magtagal sa Pilipinas. Yun ay ang isabak na sya ng maaga sa mundong ginagalawan nito. Napailing sya ulit sabay bulong
"Fuckin hell, I'm not gonna stay here! not now. And not too soon either." sabi nya sa kanyang isipan.
Simula nang magtapos sya ng Grade School halos sa Australia na sya nag aral kasama ang pinagkakatiwalaang yaya nya at halos anak na ang turing nito sa kanya. Ang kanyang mommy naman eh halos twice a year lang din sya bisitahin sa Australia dahil busy din ito sa pagtulong sa kanyang daddy. Ang tatlo nyang kapatid na babae dalawa na sa kanila ang may kanya kanyang pamilya at engaged na din ang isa nyang ate. Naramdaman nyang ganap ng nakahinto ang sinasakyan nyang private plane. Hindi naman niya makakasama ang kanyang pamilya kahit nasa Pilipinas na siya, kaya gagawa siya ng kalokohan.
"This is it! Pero gagawa at gagawa ako ng paraan para makaalis." balak nyang sumunod sa mga kaibigan nya sa London. Inayos nya ang kanyang sarili para sa pagbaba nya sa kanyang private jet. Naka smile sa kanya ang nag iisang nakatoka na flight attendant nung tumayo sya. Maganda at ma-appeal pero halatang gold digger. Sanay na sya doon pero marunong sya makipaglaro.
"Sir Mark Andrew de Ayala, I hope you enjoyed your flight and I'm looking forward to be your personal flight attendant again". Naka smile na nang aakit ang babae sa kanya.
May nabuo sa isipan nya at napangiti sya.
"Yes I enjoyed the flight Ms. Gorgeous" sabay hawak sa pwetan nito. Kinilig ang malanding flight attendant. Ganon naman talaga hindi sya sanay na sya ang nauunang magbigay ng motibo. Laging sya ang inuunahan. Well, sino ba naman ang babaeng hindi sya lalandiin? Bukod sa gwapong mukha na binagayan ng nag aagaw na itsura ng Asian at Spanish ay sya lang naman ang isa sa pinaka elite na bachelor sa buong mundo. Ang daddy nya na half Filipino at half Spanish at kanyang mommy naman na half Chinese half Filipina. Utang nya sa kanyang mga magulang ang napaka gwapo at napaka gandang kutis na meron sya ngayon.
"Do you find it sexy Sir Mark?" Malanding tanong sa kanya ng flight attendant.
"Well not bad. But sorry, not my type." nakakainsultong sagot nya sa babae sabay ngiti ng nakakaloko.
"Please get my bag and my suit" utos nya dito na madali namang sinunod ng napahiyang babae. Nahihiya itong inabot ang kanyang bag at suit sa kanya.
"Thanks" at tinungo nya na ang pintuan ng private jet. Pagbungad nya ng pintuan medyo napangiti sya ng mabungaran ang naghihintay na sundong sasakyan. Sinuot nya ang kanyang aviator sunglass na Versace dahil mataas pa ang sikat ng araw. Sopistikado at maangas syang bumaba sa hagdan ng private jet. Kahit kelan alam talaga ng mommy nya ang gusto nyang gamiting sasakyan after ng long travel. Yun ang ang isa sa paborito nyang luxury car ang Rolls Royce Wraith. Naghihintay ang dalawang naka uniform na suit. Parang mga Men in Black sa pelikula ang suot ng mga ito. At napansin nya agad ang dalawang staff ng airport as usual, kukunin ang passport nya at sasama ang isang bodyguard nya sa loob para tatakan pero hindi ilalagay sa record ng immigration ang kanyang pagdating. At babalik after few minutes ang bodyguard na dala na ang passport nya. Ni hindi nya pa nararanasan ang pumila sa loob ng airport. At nakangiti sa kanya ang driver na si Mang Jun ng pagbuksan sya ng pinto.
"Welcome back po Sir Mark, kumusta ang byahe? Sir babalik din po agad si Gaston kapag na clear na lahat sa loob".
"It's fine and thank you."
Simpleng sagot nya at pumasok na sa loob. Ganun talaga sya kaya sanay na ang mga taong nakakakilala sa kanya. Tipid sya magsalita kung ayaw nya makipag usap. Hindi sya bastos pero kapag ayaw nya ng kausap pinapakita nya na hindi sya intresado makipag usap. Pumuwesto na ang driver sa driver seat at maya maya bumalik na ang isang bodyguard sa harap at inabot na ang passport nya. Sa likod sya nakaupo at tinignan nya ang kanyang Hublot wristwatch at maaga pa pala alas tres palang pala ng hapon. Sinara nya ang harang sa kanyang harap para magkaron sya ng privacy sa dalawang kasama nya. At kapag may sasabihin sya aabutin nya na lang ang isang intercom para sabihin kung ano ang iuutos pa. Bigla sya nakaramdam ng pagka uhaw.
"Please kindly stop in any coffee shop and I want a bottle of water and a cup of white mocha." utos nya.
"Yes Sir Mark" sagot ni Jun.
Ilang sandali lang napansin nyang nag right turn na sila. Mabilis nyang kinuha ang mamahalin nyang pouch bag mula sa duffel bag. Andun kasi ang sigarilyo niya saka lighter. Mabilis na pinagbuksan sya ng bodyguard. At ang driver naman pumasok na sa loob para bilhin ang kanyang iinumin. Hindi nya na kailangan pang magbigay ng pera dahil everytime na andito sya sa Pilipinas bawat alis nya may pera ng nakahanda para sa kanya. Naglalakad palang sya patungo sa may coffee shop ramdam nya agad ang ilang mga taong napansin agad ang kanyang presensya. Sino ba naman ang hindi mamamangha o di kaya hahanga sa kanyang presensya? At sanay na sya dun. May isang grupo na nakatawag sa kanya ng pansin dahil narinig nya ang sinabi ng isang binata at napasipol ito
"Whew! Naks mga brad oh! super big time tong isa naka Rolls Royce! Pang CEO! Nahiya yung Ford Mustang ko." sabi nito sa mga kasama. Sabagay sino ba naman ang mag aakala na sya ang anak ng pinaka mayaman sa Pilipinas? Hindi alam ng publiko kung ano itsura ng bunsong anak na nag iisang lalaki dahil lumaki ito sa Australia at sa tuwing nasa Pilipinas sya matagal na ang two weeks vacation nya dito. Napailing sya.
"Ganito ba talaga mga tao dito? Parang ngayon lang sila nakakita ng Rolls Royce." sabi nya sa kanyang sarili kasi hindi sya sanay makarinig ng mga ganun. Sa bansang kinalakihan nya kasi normal lang kasi ang mga exotic cars. At nakahanap na din sya ng puwesto wala sya balak magtagal. Nakatayo lang di sa kalayuan ang kanyang bodyguard. At maya maya dumating na ang kanyang driver na dala dala ang kanyang mga inumin na pinabili at inilapag iyon sa harap nya.
"Thanks."
"Walang anuman ho sir Mark."
Kinuha nya ang coffee cup na may lamang white mocha at uminom ng bahagya. Hindi sya mahilig sa softdrink o anumang artificial na inumin. Naisip nya ang kanyang mommy kaya tinawagan nya to agad.
"Hello my son! Welcome back anak at sorry kung di kita nasundo may mga dumating kasing investors from Japan and we discussed some important things and your dad wasnt able to talk to them kasi may meeting sya kanina. So ako yung humarap sa mga investors. Sorry anak ah? Hayaan mo my son ako mismo magluluto ng fave mong dinner mamaya".
"It's ok mom. No worries and I am used to it so I will see you in a while" sabay baba nya ng phone. Sanay naman talaga sya sa ganung setup. Binaba nya na ang phone kasi kesa sa mainis pa sya eh makapagbitaw lang sya ng di maganda. Tumingin sya sa kanyang paligid. May mga ilang pares ng mata ang nakatingin sa kanya at binalewala nya lang yun pero sa totoo lang ayaw nyang tinitignan sya. Pakiramdam nya kasi sinusuri ang kanyang pagkatao at hinahanapan sya ng kapintasan. Ngunit ang kapintasan nyang yun eh walang nakakaalam at hindi nya mawari kung masasabing kapintasan nga yun. Pagkatapos nya ng isang stick ng sigarilyo ay nagpasya na syang tumayo para lisanin na ang lugar na yun. Gusto nya na muna magpahinga. Habang naglalakad narinig nya ang usapan ng tatlong babae na dinaanan nya.
"Ang gwapo naman ng guy na yan napaka mestiso pero mukhang napaka suplado" sabi ng isang babae.
"Eh bagay naman sa kanya eh. teka,artista ba sya? pero parang hindi eh kasi ngayon ko lang sya nakita" sagot ng isang babae kasamahan.
"Sa tingin ko hindi sya artista kasi kung artista yan eh di sana nakikita na natin sya sa tv saka mukhang mayaman may sariling driver at bodyguard. At ang sasakyan napaka elegante. Hindi kaya anak ng isang politician?" sabat pa ng isang babae.
Napatingin si Mark sa tatlong babae na pinag uusapan sya at sinimangutan nya ang mga ito at biglang natigil sa pag uusap ang tatlo.
"Suplado nga talaga" sabi ng ikalawang babae.
Hindi nya na ito pinansin at diretso na syang pumasok sa sasakyan na binuksan ng kanyang bodyguard.
"Sir Mark meron pa bo kayong gustong puntahan?" tanong ng kanyang driver na si Jun.
"Wala na diretso na tayo sa bahay at pagod ako" kaswal nyang sagot dito.
"Ok po Sir Mark".
Makaraan ang ilang sandali,binabagtas na nila ang kahabaan ng Edsa papunta sa pinaka exclusive na subdivision sa buong bansa. Ang Forbes Park. Nakatira sa lugar na yun ang mga mayayaman na negosyante, politiko at ilang kilalang personalidad sa bansa. Tumingin sya sa paligid at napansin nyang padaan sila sa isang malaking mall na pag aari ng kanilang pamilya. Napabuntong hininga sya. Kahit saan ka lumingon sa Metro Manila makikita ang mga iba't ibang establishments na pag aari nila. Biglang huminto ang sasakyan dahil magi red signal na ang stop light.
"Jun ayoko ma- traffic tayo please humanap kayo ng shortcut para makauwi at makapag pahinga na ako" utos nya dito.
"Sir, sige po". sagot ng medyo may edad na driver.
Ilang sandali pa napansin nyang iba ang tinatahak na daan ng driver at sa tingin nya shortcut na nga yun. hindi sya nagkamali sapagkat ilang sandali lang papasok na sila sa Forbes Park. Sumaludo ang Security guard sa kanila bilang pag galang. Nang makapasok na sila sa magarang at malaking mansyon nila kaagad syang pinagbuksan ng driver ng bumaba ito. lumabas na sya at simpleng ngiti ang binigay nya dito. Sa entrance ng kanilang bahay andun ang mga kasambahay nila. Pitong kasambahay iyon kasama na ang mayordoma. Nagbigay galang ito sa knya.
"Welcome back po Sir Mark Andrew. Wala pa po sina mommy at daddy nyo pero tumawag po kanina si Madam na uuwi sila agad pag maaga natapos ang mga meetings nila" sabi iyon ng mayordomang si Aling Julia.
"Ilagay nyo nalang mga gamit ko sa kwarto ko at gusto ko na magpahinga." Sagot nya at iniwan ang mga gamit nya sa couch at tinungo nya na ang hagdan papunta sa second floor kung nasaan ang kanyang kwarto.
Pagpasok nya sa kanyang malaki at magandang kwarto tinungo nya kanyang walk-in closet at namili ng susuotin nya pagkatapos nya maligo. Pakiramdam nya nanlalagkit sya at ayaw na ayaw nya yun. Iba kasi ang nakasanayan nyang lugar. kahit na summer sa bansang yun eh hindi sya nakakaramdam ng alinsangan or panlalagkit. Isa isa nyang hinubad ang kanyang kasuotan sa harap ng isang malaking salamin. Napangiti sya ng makita nya ang kanyang magandang katawan na tila nilikha ng isang magaling na sculptor. Binagayan ng kanyang well defined muscles ang kanyang height na 5'10 hindi sya payat at hindi din sya mataba. in short, he is in a good shape! napansin nyang malapit na sya magkaron ng six pack abs. Tanging skimpy na boxer brief lang ang kanyang suot sa harap ng salamin. Napansin nya din na maganda na din ang kanyang hita. Tumalikod sya at nag flex ng konti nasiyahan sya sa kanyang nakita. Lumaki na ang kanyang hamstrings. Nagbunga ang mahigit isang taon nyang pagwoworkout at sa tulong na din ng kanyang personal trainer. Pagkatapos nya mag flex tinungo nya na ang bathroom at nag ipon ng warm water sa bathtub. balak nya muna magbabad ng ilang sandali doon bago tuluyang maligo. hinubad nya ang kanyang boxer brief at kinuha ang bubble bath at nilagyan nya ang bathtub at nilapat nya ang kanyang kamay para masiguro na tama ang pagka warm ng tubig at sabay na napahiga sa bathtub at naka lean ang kanyang ulo sa may nakapatong na puting towel. Sa wakas makakapag pahinga na din sya. Tama lang ang liwanag na nagmumula sa scented candles na kanyang sinindihan at dahil sa ambience na yun nakaka relax sya ng maayos. He closed his eyes and smile. He is enjoying the ambiance, and the invigorating smell of the scented candles. At hindi nya napansin na nakaidlip pala sya. Nagulat na lang sya ng biglang nag iba sya ng posisyon. Kaya nagpasya na syang bumangon at pumunta sa shower area para magbanlaw. Pagpasok sa shower area napansin nyang semi erect ang kanyang jr at napailing na lang. After ng quick shower lumabas na sya at kumuha ng isang towel para ipunas sa kanyang katawan. hubo't hubad syang lumabas ng kanyang bathroom at tinungo ang kama at kinuha ang kanyang susuotin. isa itong white singlet at Armani boxer brief. Pagkasuot nya humiga na sya sa kanyang malambot na kama at nilagay sa kanyang tenga ang kanyang wireless headset para makinig ng mga gusto nyang mga songs at nilakasan nya ang aircon para mas madali syang makatulog. At napaisip sya, what if ang pamilya nila eh isang ordinaryong mamamayan ng bansang to? Magiging masaya kaya sila as a whole family? Ang pagkakatanda nya bata pa sya ng huling makasama nya ang kanyang buong pamilya sa almusal,lunch, dinner, at maging sa pag travel sa ibang bansa. Oo umuwi na nga sya pero parang hindi nya maramdaman na nakauwi na sya sapagkat hindi man lang nya madatnan ang kanyang mommy man lang dahil alam nya naman ang daddy nya eh laging wala ito sa mansyon. Napaluha sya ng bahagya.
Hanggang sa makatulog na ang gwapong binata sa kanyang dinaramdam at hinanakit.