Maagang nagising si Zynn para ipaghanda ng almusal si Amari at ang mga bata. Ngunit mas maaga pa itong nagising kaysa kaniya ang lalaki at nakapagluto na ito ng almusal. Naka ready na iyong mga pagkain sa mesa at parang may fiesta sa dami ng pagkaing nakahain sa ibabaw ng mesa. Anong oras ito nagising. At si Amari ba talaga nagluto lahat ng ito. Nang maramdamang ang presinsiya niya ay lumingon ito at ngumiti ng matamis. Walang pag alinlangang lumapit sa kaniya ang lalaki para dampian siya ng halik sa labi. Napansin niya namang walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa. Hinapit siya nito sa baywang. "Good morning, breakfast is ready." bulong sa kaniyang tainga matapos pinutol ang halik. "Morning din... ikaw anong oras ka nagising? Bakit ang daming pagkain?" Tanong niya. Ngumisi lang it