Napatakbo si Zynn ng makitang sinisira ang kanilang bahay. Hindi siya papayag na basta na lang sila papalayasin na walang notice natatanggap. Bahay nila ito at walang sino mang magpapaalis sa kanila sa sariling pamamahay. "Hoy, bahay namin iyan! Bakit niyo sinisira, ha?" Sa malakas niyang boses na sigaw. "Sorry, ma'am, gagamitin na po ito ng may-ari ang lupa at gagawing village." Napatingin siya sa paligid nakita niyang nagkanyang-kanyang hakot ng kanilang mga gamit ang mga tao. Hindi niya alam ang nangyayari pero hindi niya ito inaasahan. "A-anong ibig sabihin nito kasali ang bahay ko. Pero sa amin itong lupa may katibayan ako na sa amin itong lupa!" Nagtinginan ang mga ito sa inasal niya. "Opo ma'am, lahat po ng bahay dito ay tatanggalin na. Kung gusto niyo po ay kausapin niyo na la