Gabi na nang makauwi ako galing sa restaurant na pinag-ta-trabahuan ko, nagtaka ako nang makakita ng mamahaling kotse na paalis galing sa bahay namin. Hindi ko kilala ang sasakyan na iyon dahil ngayon ko lang naman iyon nakita.
Agad akong pumasok ng bahay at nakita si tiya na naiiyak at mukhang may malaking problema.
"Tiya bakit po kayo umiiyak?" tanong ko at binaba ang bag na hawak ko tsaka lumapit sa kaniya para daluhan.
"A-ang tiyo mo may malaking utang! naloko sya ng kaibigan nya at tinangay ang perang inutang niya para sa negosyo." nanlaki ang aking mata sa narinig, agad kong niyakap si tiya nang lalo siyang umiyak. Buti na lang tulog na si andrea ang anak nila tiya, 7 years old pa lang ito kaya nag-aalala akong malaman niya na may problema ang kaniyang magulang.
"Tiya paano ho natin mababayaran iyon? magkano ho ba ang pera na utang ni tiyo?" tanong ko sa kaniya, nag-iisip na rin ako kong paano at saan kukuha ng pera pang bayad.
Sakto naman ang pagdating ni tiyo, lasing na lasing ito at may hawak pa na beer sa kanang kamay.
"May pangbayad na tayo wag kang umiyak," pasuraysuray pa ito, nagulat nalang ako ng dumeretso siya sa gamit ko at kinuha ang maleta kong luma tsaka pinasok ang mga damit ko.
"Tiyo! anong ginagawa mo sa gamit ko?" tarantang tanong ko pati si tiya napatayo at pinigilan ang asawa niya.
"Ikaw ang pambayad ko!" sabi niya kaya nag pantig ang tainga ko at napailing, bumagsak ang luha ko dahil sa kaba na nararamdaman.
"Lasing lang ho kayo tiyo! tama na po." iyak na sambit ko habang pinipigilan siyang kunin ang mga gamit ko.
"Ikaw ang gusto niya! tumawag ang mga lalaking pumunta rito at ang sabi nila pag hindi ko daw kaya bayaran ng pera p'wede raw ikaw ang ibayad ko sabi ng boss nila." singhal saakin ni tiyo. Tuluyan nang dumagundong sa kaba at takot ang puso ko sa mga narininig.
"Ano ba carlo! tumigil ka hindi mo p-pwedeng ipambayad ang pamangkin mo, nahihibang ka na ba?" sigaw sa kaniya ni tiya at hinampas niya pa ito sa braso para umayos, humarap ito sa kanila at tumingin ng pa sa kaniya.
"Oo, nahihibang na ako sandra! saan ko kukunin ang 22 million? pangkain nga wala tayo! paano nalang si andrea, pitong taong gulang pa lang siya! Hindi ko na alam ang gagawin ko kakaisip, mababaliw na ako! " umiyak na rin si tiyo, napatalon naman ako sa gulat ng binato niya ang bote ng beer, nag kabasag basag iyon sa harapan namin.
"M-mama ano po nangyayari?" napalingon agad ako nang marinig ko si andrea, kinusot-kusot niya pa ang mata niya halatang nagising dahil sa ingay, maliit lang naman ang bahay namin at parang kubo lang ito
"W-wala anak, matulog ka na ulit." sabi ni tiya sa kaniyang anak at tiningnan niya pa ako na may lungkot sa mga mata tsaka sinamahan ang anak sa maliit na kwarto para matulog ulit.
Naiyak ako lalo nang lumuhod si tiyo sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Nagmamakaawa ako sayo anna, kinupkop ka namin dahil bata ka pa lang nawala na ang magulang mo... sana naman mapagbigyan mo ako, hindi ko alam kung anong gagawin ng pamilya ko pag pinakulong nila ako, kukunin din nila itong maliit na lupa at bahay natin saan na lang sila matutulog?" napaluhod naman ako sa aking narinig, hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat gawin kong ito lang naman ang tanging paraan,
Ayoko pero kailangan...
"Sana maintindihan mo ako anna, bukas na bukas kukuhain ka na nila ayusin mo na ang gamit mo." napailing naman ako.
"Tiyo, ayoko po sumama, parang awa niyo na po," pero hindi nya ako pinansin at lumabas ng bahay.
Natatakot ako, paano na lang kong ano ang gawin nila sa akin pag sumama ako?
"Ate anna..." pinunasan ko agad ang luha sa mata ko at lumingon kay andrea.
"Tabihan mo po ako matulog, lumipat si mama sa kwarto nila umiiyak siya," malungkot na saad ni andrea kaya pilit akong ngumiti sa harap nito at hinaplos ang buhok niya.
"Pagod lang ang mama mo kaya gano'n, tara na matutulog na tayo." ngumiti naman sa akin ng matamis si andrea at hinatak na ako sa maliit na kwarto namin..
Tinitigan ko lang si andrea na nakatulog na habang pinapakpak ko ang p'wetan nito...
Ayokong maranasan ni andrea na mawalan ng magulang at mas mahirapan pa.
Bata pa lang ako wala na ang mama ko namatay dahil sa panganganak saakin si papa naman namatay sa isang aksidente 10 years old palang ako nawala na ang magulang ko.
kung hindi ako kinupkop nila tiya hindi ako makakapagtapos kahit highschool lang
hinaplos ko ang ulo ni andrea at niyakap ito
"hindi ko ipaparanas sayo ang mga nangyari saakin andrea, mahal ko kayo nila tiyo at tiya" bulong ko bago ako makatulog ng tuluyan.