isang buwan na ang lumipas at hindi ko na sIya nakita.. nag stay na din ako dito sa pilipinas at inasikaso ang pag pa franchise ng starbucks. magpapahinga muna ako sa modelling. nakaramdam ako ng hilo kaya napaupo muna ako, sobrang pagod talaga mag asikaso ng business narinig ko ang doorbell sa unit ko kaya kahit nahihilo ako binuksan ko pa rin ito. bumungad saakin si stefanie na malungkot ang mukha.. inaya ko muna sya pumasok at pinaupo sa sofa. hindi parin ito nag sasalita, panigurado akong may problema sya pero bakit sya andito? nilapag ko sa lamesa ang juice nya at umupo sa harapan nya "bakit ka pala andito?" tanong ko kaya mula sa pagkakayuko ng ulo nya tumingin ito saakin at nakita ko ang pagtulo ng luha nya kaya nataranta ako. "b-bakit? anong problema stefanie?" tanong ko