Episode 2: Three Months Ago: Sariah

2043 Words
Ang pawis ko sa noo, naramdaman ko ang pagdaloy nito sa mukha ko papunta sa bibig ko. Napangiwi ako nang malasahan ko ang pait nito. Tagaktak ang pawis ko dahil napakainit sa labas at sa biglang pagpasok ko rito, nakaramdam ako ng ginhawa sa lamig na dala ng aircon. "Sariah Bansot!" sigaw ng isang lalaki hawak-hawak ang isang papel habang kanda-haba ang leeg nito sa pagtingin sa mga aplikanteng nakahilera ng upo sa harap nito. "Sino 'tong Bansot na babae na ito? Ms. Bansot!" Biglang bumuka ang ang bibig ko sa paraan ng pagtawag nito sa'kin. Inamoy ko bigla ang sarili ko. Mabango pa rin naman ako kahit papa'no. Panay ang pagwisik ko ng baby cologne sa sarili ko dahil mukhang may halong pangangasim na ang naaamoy ko. "Sino ang Bansot na ito, ha?" gigil na sigaw muli ng lalaki sa harap ko. "Wala ba rito? N-next!" Napatayo ako bigla nang nagtawag ito ng ibang pangalan. "S-sir, a-ako po 'yon. I'm Ms. Bansot." Nakataas din ang kamay ko pero dahan-dahan ko itong binaba nang makita ko ang nanlalaking butas ng ilong ng lalaki. Bigla akong napa-peace sign sa kanya. Animo may lumalabas na usok mula sa ilong nito nang panlakihan pa ako nito ng mata. Mukhang toro si Kuya na handa akong suwagin. "Kanina pa kita tinatawag, ni hindi ka nagre-react diyan? Ikaw ba si Sariah Bansot?" May halong inis sa boses ng lalaki nang itanong ito sa sa'kin. Mula ulo hanggang paa, sinuyod niya 'ko ng tingin bago ito tumalikod. "Follow me, Ms. Bansot. Ikaw na ang susunod na i-interview-hin ni Boss." Nataranta ako dahil hindi pa'ko nakapagsuklay. Ang lipstick ko, mumurahin lang at mabilis pang matanggal kaya kailangan kong mag-retouch. Dahil sa lakas ng hangin sa labas, sabog-sabog ang buhok ko nang magpasa ako ng resume sa kompanyang ito. Ito ang huling kompanya na napasahan ko at walk-in pa 'ko. On the spot pala ang interview dito. Sana palarin ako. Habang nakasunod ako sa lalaki, kinapa ko ang lipstick sa loob ng bag ko. Agad ko itong nilabas at tinantiya ang paglagay nito sa bibig ko pero nawala ang balanse ko dahil sa three inches na takong ko, nang biglang bumaliko ang isang paa ko. "Aay! Ang mabaho kong bu—" Napasigaw ako nang malakas pero agad kong naitakip ang kamay ko sa bibig kong eskandalosa. Napatingin bigla sa'kin ang lalaki bago ako nito pinandilatan nang bongga. "S-sorry po, nagulat lang ako." "Pasok!" pasupladong saad nito sa'kin. Hawak na nito ang isang nakabukas na pinto. "Nasa loob si Boss and goodluck. I have a feeling na tanggap ka sa kompanyang ito pagkatapos ng interview mo. Malakas ang instinct ko at base na rin sa kaanyuan mo, siguradong pasok ka sa panlasa ni Sir." Nanlaki ang mata ko nang marinig ito at dahan-dahang sumilay ang nakakaloko kong ngiti. "Sure p-po kayo?" May ningning sa mata ko nang mapatingin sa lalaki. Animo'y may alapaap sa'king harapan nang lumambong ang paningin ko bigla. Nakaka-good vibes naman itong si Kuya. Na-touch ako sobra dahil pinalakas lalo nito ang loob ko. Sa walong kompanya na na-apply-an ko ngayong araw, itong panghuli ang may interview agad. Kalimitan sa napasahan ko ng resume, puro tatawag lagi ang mga sinasabi. Sa rami ng pinasahan kong kompanya, ni isa, wala akong tawag na na-receive simula nang maghanap ako ng trabaho. Pinagloloko yata ako ng mga iyon. Puro paasa. "Come in!" Isang boses na buong-buo ang nagsabi nito mula sa loob. "Si Boss 'yan kaya umayos ka kung gusto mong matanggap. Nakakapagod maghanap ng assistant niya dahil hindi pumapasa sa panlasa niya," anas ng lalaki sa'kin. " Iwasan mo ang lumandi sa harap niya. Itatak mo 'yan sa kukote mo, hmm?" Napaawang ang labi ko nang mapatingin ako sa lalaking katabi ko. "Hindi ako m-malandi." Taas noo kong tinitigan ang lalaki at nagpalakihan kami ng butas ng ilong nang magtama ang mga mata namin. "Boys are not my thing," mataray kong saad dito. "Pera ang kailangan ko sa napakahirap kong sitwasyon ngayon. Y-you know why?" naluluha kong tanong. Gusto kong dagdagan ang puhunan ni Nanay para naman mas lumaki pa ang negosyo niyang karinderya. Ito lang naman ang pangarap ko para sa kanya. Naramdaman ko ang pagtulak ni Kuya sa'kin papasok sa nakabukas na pinto. Hindi ko pa nakikita ang big boss dahil sa gilid lang ng pinto ako nakatayo. "Pumasok ka na, Ms. Bansot." Muling utos ng lalaki sa'kin bago inawang nang malaki ang pinto. "Dito lang ako sa labas para abangan ka." Ubod tamis ang ngiti ko nang sulyapan ko siya pero tinulak na'ko nito papasok. "Ay, ang manoy mo! Ay sorry po." Para akong niyakap ng malamig na bangkay nang makapasok na'ko nang tuluyan. Ang lamig ng aircon! "Kuya naman," naiiyak ko siyang tinitigan. " Ang harsh mo naman sa kagandahan ko. Mahina ang baga ko sa aircon. Malamig." "Kay boss mo i-explain 'yang pinaglalaban mo," pasupladong buwelta nito sa'kin. "Huwag kang mag-inarte. Goodluck, I'm rooting for you. Galingan mo sa interview." Sinuyod pa'ko ni Kuya ng tingin mula ulo hanggang paa. Huminto ang tingin nito sa mukha ko bago ito umismid. Isang kilay nito ang tumikwas bago tuluyang tumalikod. Marahan nitong inilapat ang pinto nang makalabas na ito. Bigla akong napatingin sa harap ko. Ang swivel chair ng may-ari, nakaharap ito sa kalsada kaya nakatalikod ito sa'kin. Hindi ko kita ang mukha niya at tuktok lang ng ulo nito ang nakikita ko. Mabilis kong inayos ang damit ko pati na ang buhok ko gamit ang kamay ko. Napapikit ako nang mariin nang makita kong dahan-dahang gumalaw ang inuupuan ng big boss. Mabilis kong pinadaanan ng hawak kong lipstick ang labi ko bago ito pinasok muli sa bag ko. Parang slow motion ang pag-ikot ng swivel chair nito at ako, agad napagkit ang isang matamis na ngiti sa labi ko bilang pagbati ko sa boss ng kompanyang ito. "Good afternoon, s-sir—" Para akong natulos sa kinatatayuan ko nang masalubong ko ang nakakahipnotismong mata nito. "S-sir? I-isang m-mapagpalang h-hapon sa i-inyo," nauutal kong bati dahil hindi ko inaasahan na makikita siyang muli. Nahigit ko ang hininga ko nang tumaas ang kilay nito sa'kin. Tinambol nang malakas ang puso ko. Nasobrahan sa kaba ang dibdib ko nang sipatin nito ang hawak na resume. "Sariah Bansot?" buo ang boses na tanong nito. "Tell me why you deserve this position." Tumaas muli ang mukha nito nang tingnan ako. "And—what are your qualifications for me to hire you to be my personal assistant?" Nanginig ang labi ko kahit pa nakapaskil ang ngiti ko. Pakiramdam ko, naparalisa ito nang makita kong lalo lang nadagdagan ang kaguwapuhan nito makalipas ang anim na taon. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang sinabi ng lalaking nag-assist sa'kin kanina. "Boys are not my thing, sir—" Napalunok ako ng laway dahil feeling ko, uhaw na uhaw ako sa pagmamahal niya. "Buo ang loob ko at handa akong tanggapin ang posisyon na ito kung inyong mamarapatin." Ubod ng tamis ang ngiti ko sa kanya. Kahit nakaramdam ako ng pagkataranta, lumiyad pa rin ako habang ang dalawa kong kamay, magkahawak pa. Taas ang noo ko nang salubungin ko ang mata niya. "I-hire niyo ako, sir, at hindi po kayo magsisisi." Saglit na nanahimik ang lalaki at yumuko bago muling umangat ang tingin nito sa'kin. "Ms. Bansot... mahilig ka ba sa guwapo?" "A-aah... n-no, s-sir!" Napatango lang ang lalaki bago nito tinuon muli ang tingin sa hawak na resume. "Sa macho?" muling tanong nito sa'kin. Tumaas ang kilay ko dahil hindi ito ang inaasahan kong mga tanong niya sa'kin. Deep inside, nabubuhay ang dugo sa kaloob-looban ng katawan ko nang muli kong masilayan ang ultimate crush ko noong high school—si Storm Alcaraz. It's been a small world after all dahil muli kaming pinagtagpo. Hindi ko ito inaasahan pero teka, ba't parang hindi niya 'ko matandaan? Nag-isip muna ako nang mabuti bago ko sinalubong ang marubrob niyang titig, "Never, sir. Only money matters to me now. N-nothing else." Binubuklat ng lalaki ang resume ko. Dalawang pages lang naman ito pero napapatango ito habang pinapasadahan ng tingin ang hawak nito. Kinilig ako sobra dahil kahit nakangiwi ang bibig nito dahil sa pagtunghay sa resume ko, napaka-kissable pa rin ng lips nito. "Hmm, you graduated from Artemio Luis College in 1997?" Kinagat ng lalaki ang labi nang sabihin ito bago nito binalik ang tingin sa'kin. "I graduated from the same school and year so we're batchmates then. Hmm, interesting." Heto na! Maaalala na niya ako. Ako lang naman ang babaeng laging nagpapapansin sa kanya noon. Napatingin ako sa kanya. Ang matangos nitong ilong, ang namumula nitong labi at sigurado sa loob ng long sleeve na suot nito, ang bato-bato nitong muscles na nakakatakam. Naglalaway ako nang maisip ko ang kahubaran nito. Natatandaan pa ba niya ako? Bakit pakiramdam ko, umaakyat na ang dugo ko sa ulo dahil uminit bigla ang pisngi ko? Wari'y kinukuryente nito ang bawat ugat ko. Napapisik ako sa isiping iyon. "Am I handsome to you, Ms. Bansot? Walang halong biro, naaapektuhan ka ba sa kaguwapuhan ko?" Sa pagkakataong ito, para akong hinihigop nang malipat ang tingin nito sa nangangarap kong mata. Ang mga titig nito, dinadala ako sa kabilang ibayo. Mga bulaklak na kulay pula ang umuulan sa loob ng kwartong ito habang ako, nakabuka ang mga braso ko para saluhin ito. Isa-isa ko itong sasaluhin at aamuyin. Pakiramdan ko, naging hugis heart na ang pupils ng mata ko dahil nababaliw na naman ako matapos kong masilayan muli ang mukha niya. Heaven! Heaven ang pakiramdam ko kapag kasama ko ang lalaking ito sa aking harapan. "Ms. Bansot?" "N-no, sir." Bigla akong nagising sa pag-daydreaming ko. Sunod-sunod ang pag-iling ko para maipakita sa kanya na walang katotohanan ang pinagsasabi niya. "Sabi ko nga po, pera ang pinunta ko rito." Totoo 'yon dahil ayokong maging failed mission itong last company na in-apply-an ko. "Boss kita kaya dapat hindi kita pagnasaan. Mabait po ako at professional sa trabaho. Dapat sumusunod ako sa rules ng kompanya na huwag pagnasaan ang... a-ang boss ko." Bigla akong tinuro ng lalaki kasabay ang pagkunot ng noo at pagsalubong ng kilay nito. Kinabahan ako. Masyado yata akong naging madaldal. Minsan kasi, wala nang kontrol itong bibig ko lalo na kapag nagugulat ako. Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko. "You're hired, Ms. Bansot." Biglang umikot ang swivel chair nito kaya hindi ko na mapagnasaan pa ang makalaglag-panga nitong kakisigan. Nadismaya ako bigla pero grabe, grabe ang araw ko dahil kahit malas ako sa naunang na-apply-an ko, sa kompanyang ito pala ang swerte ko. "Si Lindon na ang bahala sa'yo," saad ng lalaki. "Siya rin ang magte-training sa'yo, Ms. Bansot. Have a nice day." Atubili ako kung lalabas o hindi pero parang tinapos na nito ang interview sa'kin. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya about sa high school life namin pero nakamasid na naman ito sa kalsada na tanging glass wall lamang ang humaharang. Tumingkayad pa'ko para sana makita siya pero bumukas naman bigla ang pinto. Hinila ako palabas ng lalaki na nag-assist sa'kin kanina. "I'm Lindon. Bukas before 8 am, kailangang nandito ka na dahil ayaw ni Boss ng laging late na empleyado. May gusto ka ba kay Sir Storm?" Tumikwas ang kilay ng lalaki nang itanong ito sa'kin. Napatingin ito sa nakasaradong pinto na nilabasan namin. "S-sabihin mo na nang magkaalaman tayo." Napangiti ako bigla sa kanya nang hawakan ko ito sa kamay. "Sir Lindon, hired na'ko. Naku, ang panget nga ni Boss. Wala! Walang ka-appeal appeal sa'kin. Promise." Tumaas lang ang sulok ng labi nito sabay kumpas ng kamay nito. Napasunod ako sa kanya papunta sa isang department ng gusali. Maraming work table ang magkakahilera rito na okupado ng mga empleyado. Ni isa, walang pumansin sa'kin dahil busy ang mga ito sa ginagawa. Nang makarating kami sa dulo, isang pinto ulit ang pinasukan namin. Hindi ito kalakihan pero malinis at maayos ang pagkakasalansan ng mga papeles sa mesa at sa cabinet na nasa gilid lang ng kwarto. "Oh, uniform mo." Nilapag ng lalaki ang ilang damit na sealed sa isang plastic. "3 sets 'yan para may pamalit ka. Tomorrow ang start ng pasok mo at iba ang opisina mo. Sa loob ka mismo ng opisina ni Boss dahil personal asisstant ka niya, ok?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD